Chapter 36
Into the Fray
ZIE
"Good Afternoon everyone! I'am Professor Yuki from Class 1-A and I'm going to discuss the mechanics of this three on three training battle with other sections. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa so first I'll give you five minutes to form a group with three members each. And write your names in a 1/4 sheet of yellow paper. Go!" pagpapaliwanag ni Professor Yuki.
Ala-una pa lang ng hapon matapos naming mananghalian ay kaagad kaming pinapunta sa likod na bahagi ng aming camp site. Doon namin nakita na may isang maliit na podium doon na napalilibutan ng bleachers kaya nagmumukha itong mini stadium na mukhang kaya naman kaming i-aaccomodate lahat.
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa't kaming tatlo nina Ki at Tom ang magkakagrupo. Matapos naming isulat ang mga pangalan namin sa isang 1/4 yellow sheet of paper ay agad kong ibinigay ito kay Professor Yuki na siyang nagtupi at ipinasok ito sa loob ng isang fishbowl.
"So you'll only have 15 minutes as maximum time para tapusin ang laban pero kapag natumba at natalo na ang lahat ng members ng isang grupo ay automatically na tapos ang laban regardless of time. Every members should not step the line beside the podium. Kapag natapakan ito ay matatalo ka by default. You can use your magic as much a you can." dagdag paliwanag pa ni Professor Yuki sa amin.
Nagsimula na kaming mag-stretching nina Ki at Tom pati na rin ang mga kaklase ko. Hindi ko nga maiwasan na matawa kasi pinagtitinginan kami ng mga taga-ibang section at nagtataka kung bakit kami nag-sstretching. Isang way ito upang gisingin ang mga natutulog na enerhiya sa mga ugat-ugat namin. Si Professor Yuki ang nagsabi nito at isa raw ito sa mga advantage ng mga advisory class niya. Para kapag sumabak sa mga mock battles ay gising na ang katawan, kapangyarihan at isipan.
Ilang sandali pa ay bumunot na si Professor Yuki ng dalawang papel na nakatiklop sa loob ng fishbowl. Napalunok ako pero hindi ako kinakabahan. Naniniwala ako na kaya namin matalo ang makakatapat namin. Kahit ka-section pa namin ito. Ang mga real experiences namin ang aming advantages sa ibang mga section. Ang advance na mga magic techniques and strategies na itinuturo ni Professor Yuki ang magpapanalo sa amin. At hanggang ngayon ay kabisado ko pa rin ito.
Mas mataas ang winning rate ng Class 1-A kaysa sa iba.
"Gusto kong bumaba sa podium na ito within ten seconds ang unang grupo from Class 1-A. Mr. Lordenn Voltzkii Valor, Mr. Arcanius Atom Nathrezim and Mr. Zirconium Zeitgeber Mondragon."
Nagsipag-cheer naman ang mga kaklase ko habang naka-thumbs up sa amin sina Grace, Dex at Mika. Habang si Juno naman ay tinanguan ako. Nagsisigawan ang mga taga-ibang section habang dumadaan ang dalawa dahil hindi talaga maipagkakaila na ang gugwapo ang mga kasama ko, talagang sabit lang ako sa kanila.
Nang makarating kami sa dulong side ng podium kung saan tatayo ang mga members ng bawat grupo ay muli nang nagsalita si Professor Yuki.
"At ang makakatapat ng Class 1-A ay galing sa Class 1-B. I would like you guys to step inside the podium within ten seconds. Miss Sienna Kyrie Cadenvish, Mr. Rio Erroll Primo Rendezvous and Mr. Iceberg Judio Marco Wadeford."
Mabilis kong narinig ang malakas na hiyawan at sigawan ng mga estudyante ng Class 1-B habang dahan-dahan na bumababa papunta sa ibabaw ng podium ang isang babae na pamilyar ang mukha sa akin. Siya iyong babaeng nakasagupa namin kahapon ni Grace na gumawa ng napakalaking buhawi. Hindi ko naman iwasan na mapangiwi dahil katabi ni Shai ang lalaking dinuraan ko ko kahapon. Siya 'yung lalaking may gawa ng malaking alon.