Chapter 35
Like a Threat
ZIE
"Ahhh! Ang sarap talagang magbabad sa mainit-init na tubig na 'to matapos ang mahaba-habang lakaran at nakakapagod na pakikipagbuno sa mga taga-ibang sections. Huuuu! Lamig na lamig na ako kanina pa." natatawang saad Ki habang nakapatong ang kanyang magkabilang braso sa gilid na bahagi ng hot spring.
"Oo nga, ang sakit-sakit ng katawan ko. Buong akala ko isang oras lang ang lalakarin natin. Halos isang araw para tayong nagpakapagod..." kalmadong saad naman ni Tom habang nakalubog sa tubig ang kanyang buong katawan liban sa ulo niya.
Pinagmasdan ko ang dalawang binata sa aking harap may ilang benda sa bahagi ng katawan nila. May puting benda na nakabalot sa buong dibdib niya habang nababalutan din ng puting benda ang noo ni Tom ay may ilang naka-patseng gauze sa pisngi niya. Tinignan ko ang sarili ko, wala naman akong natamong anumang sugat dahil wala naman kaming nakasagupang taga-ibang section liban kay Shai.
Kahit papaano ay maswerte pa pala kaming tatlo. Matapos ang biglaang sagupaan namin, isang daan lang ang tinahak namin. Wala lang para bang bigla kaming nagkasundo na iyon direksyon ang dadaanan namin dahil doon patungo ang camp site. Buti na lang talaga at pinaniwalaan namin ang sari-sarili naming intuition and gut feeling. Wala pang isang oras ang nilakad namin nang matanaw namin ang camp site na malaking modernong gusali.
Nagulat nga kami dahil kami pa lang ang tanging estudyanteng nakarating sa camp site ng ganun kabilis. At bilang reward sa amin ni Professor Yuki at ng iba pang Professors ay hinayaan nila kaming maunang kumain sa kanilang buffet na nakahanda para sa estudyante. Halos lumobo ang aming mga tiyan sa sobrang kabusugan.
Pinayagan na rin nila kaming makapagpahinga na muna sa aming sari-sariling mga kwarto. Wala naman akong ibang ginawa kanina kung hindi bawiin ang aking tulog dahil hindi pa rin ako pinatulog ni Grace kagabi. Maggagabi na ako nagising ng may malakas na kumakabog sa labas ng aking pinto. Mga lantang gulay na humandusay sa aking harapan ang dalawang binatang nasa harap ko ngayon.
"Mabuti na lang at sinuswerte ako ngayong araw." mahinang saad ko sa kanila.
Tinititigan ko ang mga mga naglulutangang kulay pink na mga dahon sa ibabaw ng nag-uusok na tubig. Kitang-kita ang repleksyon ng napakalaking bilog na napakaliwanag na buwan sa tubig. Ang bilis ng araw, sana mas swertihin pa ako bukas. Kakaibang experience ang naranasan ko ngayong araw.
Kinabukas ay agad kaming tinipon ni Professor Yuki sa isang open field. Napakaaga pa't papasikat pa lang ang araw ng bulabugin niya ang bawat kwarto namin. Nag-iinat pa si Tom sa tabi ko habang si Ki naman ay humuhibak pa. Sobrang antok na antok pa ang loko dahil nga pagod na pagod sila sa ginawa kahapon. Ako naman ay maagang nagising dahil nabawi ko naman na ang isang araw kong sleepless night dahil kay Grace.
"Okay class, magsisimula na ang second day ng inyong outdoor training. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa at ipapaliwanag ko na kung ano ang activity niyo ngayon. Nakikita niyo ang mga physical activity equipments na 'yan?" pagpapaliwanag ni Professor Yuki habang tinuturo ang isang mahabang table na may mga stop watches at whistle.
"Wala kayong ibang gagawin ngayon kung hindi palakasin ang katawan niyo. Sabi nga sa mga previous lessons natin na correlated ang lakas ng katawan sa lakas ng ating mahika. Kapag malakas ang pangangatawan ng isang tao, malaki rin ang tsansang mas maging malakas din ang kanyang pino-produce na kapangyarihan." dagdag niya pa.