Ang Pagiging Lalaki (Awkward ang Mahalin Sya)
Being a Man (Loving him is Awkward)
Ako si Lime Green Forrest. Isang simpleng babae na mayroong isang malaking misyon.
Simple lang ang misyon at iyon ay ang bantayan si Jin Frost. Madali lang hindi ba? Pero ang malaking katangahan lang naman sa misyon kong ito bilang isang trainee ng PNP ay ang babantayan ko ay isang bakla na ang gusto lang maging kaibigan ay lalaki. Mas matangkad, maskulado o sexy at may sex appeal. Ganoon lang kasi ang tinatanggap niyang maging kaibigab niya.
Wala sanang problema dun sa requirements. Mataas naman kasi ako, may kaunting muscle at sexy with sex appeal. Isa lang talaga ang pahamak, yun ay babae ako!
G-damIt! BABAE PO AKO!! PAKIUSAP LANG!!
"Green, Request ito ng presedente ng Pilipinas kailangan mong bantayan ang pamangkin n'yang 'yon dahil s'ya ang natatanging pamilya nito. At alam nating lahat dito na ayaw niya ng body guards kaya naman ikaw ang napili namin. Tamang-tama ka dahil hindi ka pa ganap na pulis kaya kahit na mag background check pa sila malalaman lang nilang nagtraining ka pero hindi pumasa."
'Yan na nga ba ang sinasabi ko e, ipagkakalandakan pa ng matanda kong trainor na hindi ako pumasa. Over standard kasi ako at gusto NIYA note, Niya na sa Army ako ilagay. Adik 'no? Well, magaling naman talaga ako kaya hindi nila ako ipinasa. Taka rin ang mga kabatch ko dahil hindi ako pinasa at iyon pala ang ang balak nila.
"Isa pa Green, nakita ka daw ni Mr. Frost na nagtatraining at biglaan na lang niyang nasabi sa presedente na gusto ka niyang iuwi."
Isa iyon sa sa mga Trainor kong babae. Maganda siya, sexy at malaki ang hinaharap. Ang daya nga e ako kasi Cup A ako. Kung may negative A pa baka doon pa ako napasama, tapos pinagupitan pa kami pero dahil cute ako hindi ako pumayag sa gupit na 'yun kaya ako nagiisang maganda ang medyo mahaba ang buhok sa amin. Syempre hindi umangal mga kasamahan ko kasi love na love nila ako. So ayun, maganda pa rin ako. Iyon ata ang naging dahilan nung Jin Frost para pagkamalan akong lalaki.
"Teka nga po, paano po ba at saan ako nakita ng pakage na yan?" Mataray kong tanong. Pero dahil nga medyo boyish ako getz nyo na kung papaano ko iyan pinasabog sa mga mukha nila.
Pakage ang tawag namin sa mgabkailangang protrktahan dahil daw kailangan namin itong pag-ingatan. Pero para sa akin tamang tawagin silang pakage dahil mga pabigat lang naman sila sa pamumuhay.
"Sa boys troop. Noong pinadala ko sa iyo yong sulat ni Sarhento Magallianes." Napatango na lang ako sa sinabi ng Head trainor ko.
Hindi na ako umangal pa, wala din naman akong masyadong paki-alam. Tama na 'yong malaman ko ang dahilan.
"Ano bang gusto mong kapalit nito maliban sa allowance at bayad sa trabaho mo?" Tanong nya ulit para lang makumbinsi ako. Nag-isip ako ng mabuti saka ko ibinigay ang mga kondisyon ko.
"Maayos na bahay namin, Magkaroon ng malaking lupa tapos magkaroon ng tirahan yung mga alaga kong hayop at free time na rin sa cosplaying at panunuod ng anime habang nasa army ako at kahit nasa misyon ako." Dami kong request pero wala pa 'yan sa kalingkingan ng gusto kong gawin sa buhay ko.
"Teka.. Pero... Hindi naman......." Hindi niya matapos ang mga sasabihin kaya naiinip ako. Sabi ko na nga bang hindi ito papayag. Lakas lang makatanong kung anong gusto ko bukod sa pera. Wala pala 'tong si tanda e.
"Fine."
"Deal!" agad kong sagot na may ngiti sa labi kahit biglaan at binigyan niya ako ng papel at isinulat niya doon ang dapat kong puntahan pati na rin ang dapat kong isuot.
Hay naku, bakit nga ulit ako pumayag? Kainis naman oh.
From now on si Lime Green Forrest ay isa ng lalaki! (-_____-) Kaya ko ba itoooo?
BINABASA MO ANG
Ang Pagiging Lalaki
Teen FictionSi Lime Green Forrest. Sa kabila ng kanyang berdeng pangalan ay ang pagiging maginoo nya sa isang lalaki na noong umpisa ay misyon lang para sa kanya at hindi tunay na iniibig. Pero dahil sa pagiging "LIWANAG" ng lalaking iyon na nagngangalang Jin F...