CARRIE'S POV
Hindi ko na napigilan ang sarili kong ngumiti sa ka-sweetan ng asawa ko. Yung tinayo kong harang sa pagitan naming dalawa simula ng nawala ang second baby namin, unti-unti ng natutumba. Kuhang-kuha niya talaga ako. He really knows how to melt my heart.
Pagkatapos kong maligo, si baby Jerene naman ang pinaliguan ko. Inayos ko na din lahat ng mga dadalhin namin sa may lamensa at pagkatapos ni Jeric maligo, siya na ang naglagay nito sa kotse namin.
Full of energy si baby Jerene sa byahe. Minsan lang kasi namin igala ang anak ko kaya sobrang masaya siya kapag nakakalabas ng bahay.
Inalalayan kami ni Jeric ng bumaba sa kotse tapos kinuha niya naman yung mga paper bags sa likod ng kotse at binitbit. Bago kami magsimulang maglakad patungo sa main door nila daddy, hinawakan niya yung isang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Natutuwa ako kasi hinawakan niya ulit ang kamay ko, namiss ko 'to. "We have to pretend right?" nakangiti niyang tanong sa akin. No mahal ko, this time no pretentions. Ayaw ko ng pigilan ang sarili ko dahil hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sayo.
Ngumiti lang ako sa kanya at hindi ko binitawan ang kamay niya.
"Happy Birthday daddy!" nakangiti kong bati sa daddy ko ng pinagbuksan niya ang pinto at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Thank you anak." masayang sagot ng daddy ko sa akin.
"Dad, happy birthday po!" pagbati din ng asawa ko sa daddy ko at niyakap niya ito.
"Jerene anak, batiin mo si lolo ng happy birthday." utos ko sa anak ko. Kala mo naman naiintindihan niya na talaga ang sinabi ko eh. Hahaha.
"Hap... Hap..." nakangiting sabi ng anak ko na tulo pa ang laway.
Pinunasan ko yung laway niya, "Lolo anak. Say lo-lo." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Hap... Hap..." tuwang-tuwa na naman siya at nagkukulit.
"Siya, kiss mo nalang si lolo." tsaka nilapit ko ang anak ko kay daddy at hinalikan niya si daddy sa pisngi. Nagtawanan kami dahil naintindihan ni Jerene yung sabi ko. Alam kong masaya si daddy na makita ulit kami, kinuha niya sa akin si Jerene at kinarga.
Pumasok na kami sa loob ng bahay. "Hon, andito na sila Carrie." tawag ng daddy ko kay mommy. Napatingin sa akin ang asawa ko at nginitian ko naman siya. Binitawan niya yung pagkahawak sa isang kamay ko at inilapit ako sa kanya tsaka niya ako hinapit sa bewang.
"Oh?" tapos ako tumingin sa kanya.
Binaba niya ang kanyang ulo at bumulong sa may tenga ko, "We need to pretend di ba mahal ko?" tsaka kumindat sa akin. Anak ng tokwa! Enebe! Kinikilig na naman tuloy ako.
Siniko ko siya sa may tiyan at tinawanan niya lang ako.
Lumabas si mommy galing kusina at masaya kaming sinalubong. Nakipagbeso-beso ako kay mommy at ganoon din ang ginawa ng asawa ko.
"Lalo kang gumagwapo, Jeric." sabi ng mommy ko sa asawa ko.
"Si mommy naman! Hindi na nasanay sa anak ninyo." natatawang sagot naman ng asawa ko. "Di ba mahal ko?" tsaka siya tumingin sa akin.
Inirapan ko siya. "Ang yabang Jer..." tatawagin ko sana siya sa pangalan niya pero panigurado magdududa si mommy kasi hindi yung ang endearment namin ng asawa ko. "Mahal ko." pagtutuloy ko ng sinasabi ko. Parang nahiya tuloy ako kasi ang tagal ko na siyang hindi tinatawag ng mahal ko, ngayon nalang ulit.
Medyo nagulat ang asawa ko. Alam kong hindi niya inexpect na tatawagin ko na ulit siya ng ganoon.
"Ang laki-laki na ni Jerene, anak." pagpansin ni mommy ng makita niya ang anak ko na karga ni daddy. Hinalikan niya agad sa pisngi ng apo niya at niyakap. "Sama ka kay lola, Jerene." sabi niya sa anak ko habang kinukuha kay daddy.
"Sa akin na muna siya. Papasyal muna kami sa may garden. Handa na muna ninyo yung mga iihawin." utos ng daddy ko at tuwang-tuwang kalaro ang anak ko.
"Sige mommy, tutulungan na kita." sabi ko kay mommy tsaka ako sumama sa kanya sa may kusina.
Si Jeric naman lumabas ng bahay para kunin ang ihawan at ayusin sa may garden.
"Buti nakasama si Jeric ngayon anak." simula ni mommy habang nagtutuhog kami ng baboy sa may stick. Nakikita kasi namin ang asawa ko dito sa bintana.
"Oo nga mommy eh. Tsaka gusto niya daw talagang mabati si daddy ng personal."
"Nakakatuwa talaga ang asawa mo anak. Sobrang bait, masipag, maalaga, matalino at may bonus pa dahil magaling kumanta at gwapo."
Tinignan ko ang asawa ko na nasa malayo. Tama nga si mommy kahit may pinagdadaanan kami, maswerte pa rin ako sa kanya dahil hindi siya sumuko sa relasyon namin. Patuloy niya pa rin akong minamahal kahit puro pagtataray at pagsusungit ang pinapakita ko sa kanya.
Nagpunta na ako sa garden habang bitbit ko yung mga iihawin namin. Napansin na ako ng asawa ko ng ibaba ko sa may table yung mga dala ko. "Ito na ba ang mga iluluto mahal ko?" nakangiti niya sa aking tanong at inemphasize niya talaga yung 'mahal ko' na salita. Alam kong tuwang-tuwa siya kasi tinawag ko siyang 'mahal ko' kanina.
"Oo" tipid na sagot ko.
"Na saan yung pamaypay, mahal ko?" inemphasize niya ulit yung 'mahal ko'. Sabi na nga ba at may kasama ng pang-aasar yung 'mahal ko" niya eh.
Inabot ko sa kanya yung pamaypay, "Ito na mahal ko." at ako naman yung nag-emphasize ng salitang 'mahal ko', parang ginaya ko siya. "Kuntento na mahal ko?" pang-aasar ko din sa kanya.
Napangiti siya sa akin at tinabihan pa ako "I miss hearing that from you. I like it mahal ko, sobra." seryosong sabi niya sa akin. Nako po! Nanghihina na naman ang tuhod ko. Kala ko umalis na ang mga dragons sa tiyan ko eh, pero andito na naman sila at nagpaparty. Sobrang kinikilig ako.
Wala akong naisagot sa kanya eh. Inayos ko yung mga gamit sa table at nagpanggap na busy para hindi niya maramdamang kinikilig ako.
Nang makapagpalingas na siya ng uling, lumapit na ako sa kanya para tulungan siyang mag-ihaw ng tanghalian namin.
"Ako nalang mag-iihaw dito mahal ko." awat niya sa akin.
Hindi ko pa rin siya pinakinggan at patuloy ko pa rin siyang tinulungan.
"Eh!" saway niya ulit sa akin at inaawat ako. "Ayokong mangamoy inihaw ka. Ayusin mo nalang yung table natin, mahal ko." utos niya sa akin at talagang pinapaalis niya ako sa tabi niya.
Wala na akong nagawa kundi sundin ang utos niya. Kinuha ko nalang yung mga plato, kutsara at tinidor, tsaka ko inayos yung table namin.
Matapos mag-ihaw ng asawa ko, kumain na kami ng sabay-sabay tsaka inilabas ko yung cake na binake namin kanina.
"Sobrang sarap talaga ng cake na ginawa mo anak!" complement ng daddy ko habang inanamnam yung cake na ginawa namin ng asawa ko kanina.
"Tamang-tama lang ang tamis anak!" masaya namang sabi ng mommy ko.
Pagkatapos naming kumain, ako na ang naghugas ng mga plato at si Jeric naman ang nagpunas ng lamensa. Sila daddy at mommy naman, tuwang-tuwang makipaglaro sa anak ko.
BINABASA MO ANG
Beyond Imperfections (Book 3)
RomanceBook 3: Jeric Tan and Carrie Geronimo Love Story "Will you still choose love beyond imperfections?"