Beyond Imperfections 11

5 0 0
                                    

BELLA'S POV

Alam kong nagulat si Jeric ng makita niya ako dito sa hotel. Di ba nga sabi ko sa inyo meron akong provincial tour dito sa Cebu. Pagkakataon na nga rin siguro ang gumagawa ng paraan para magkita kami ulit ni Jeric. Dinagdagan ko lang ng konting effort para hagilapin kung saang hotel siya naka-check in. I have my ways and there you go, pinili ko talaga ang room na magkatapat kami.

Nakasuot ako ng color black na low v-cut dress, kaya halata ang cleavage ko. Maiksi at siguro 3-inches above the knee din ang haba nito tapos sobrang fitted kaya kitang-kita ang hubog ng katawan ko. Nilugay ko lang blonde kong buhok at sobrang pula ng ginamit kong lipstick na match na match sa nail polish ko, "Hello Jeric! It's nice to see you here." bati ko sa ex-boyfriend ko na mahal na mahal ko pa rin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya but I want him to feel na mas maganda ako sa asawa niya at nagkamali siya sa decision niya.

"What are you doing here?!!" ramdam ko ang inis at yamot sa boses niya. Hindi ba siya nasiyahang makita ako at ang magandang katawan ko?

"I have my provincial tour here in Cebu. Don't think na ikaw ang sinusundan ko dito baby." Nagsinungaling ako. Aside from this tour, partly siya ang dahilan kaya nga nag check in din ako sa hotel niya eh.

"Stop that nonsense Bella!!" giit niya. Oh how I miss the sweet Jeric back then! L*tse! Ano ba kasing pinakain ni Carrie dito at ganito na siya kalamig sa akin?!!

"Oh looks like wala si Carrie?" parang sumilip ako sa likod ng pinto niya. Alam ko naman talaga na hindi niya kasama si Carrie. "We can have some fun." seductive kong sabi at lumapit ako sa kanya at dinampi ko ang isang kamay ko simula sa well built chest niya pababa sa abs niya. Damn! I miss touching his body.

Ramdam ko ang pag-iwas niya sa ginawa ko. Nagagalit niyang hinawakan ang kamay at inalis agad sa katawan niya. "Stop being pathetic, Bella!!! I... am... not... interested!!" Dahan-dahan niya yang sinabi at binigyan niya ng emphasis ang mga salita. Yung mga mata niya, matalim na tinignan ang mga mata ko at ramdam ko ang nag-aapoy niyang galit. Ang sakit sakit ng pinaparamdam niya sa akin.

Tumalikod na siya at paalis. "Don't you miss the old times Jeric?" habol ko sa kanya kaya naman napalingon ulit siya sa akin.

"Of course not!! Wwhat did you think that I miss you?!!" mataas pa rin ang boses niya.

"Ako ang first love mo Jeric!! Ako!! Ilang taon tayong nagsama! Ganoon ganoon na lang ba yun?"

"Hindi ako ang unang bumitaw sa atin Bella. Mahirap bang intindihin na hindi na kita mahal?" sapul na sapul ako dito. Parang sinasaksak ang puso ko.

Nilapitan ko siya, "You can change your mind, darling."

"Sorry to say but I won't and I will never change my mind. Mahal na mahal ko si Carrie." The way na sinabi niyang mahal na mahal niya si Carrie, ramdam ko yung pagiging totoo niya and I hate it. Naiinis ako!!

"Kung kaya mong panindigan." lumapit pa ako sa kanya at bumulong sa tainga niya, "Well, see you around baby."

Pagkatapos ng confrontation namin ni Jeric agad akong pumasok sa kwarto ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Naiinis ako sa kanya, nagagalit ako, naiinggit ako sa kanila ni Carrie, naghahanap ako ng awa at umaasa pa rin ako na sana mabalik namin yung dati.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon