JERIC'S POV
Hindi ko ginusto ang mga pangyayari. Sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil nawala ang second baby namin ng asawa ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi ako yung dahilan kung bakit umabot sa ganito. Kasalanan ko kung bakit nakunan ang asawa ko at bakit siya nasasaktan. Pero kailangan kong maging matatagtag. Kailangan kong ipakita sa kanya na malakas ako para sa relasyon namin. Kailangan kong ipakita na kaya namin malagpasan ang problema na ito kahit sa loob, nanghihina na ako, napapagod na ako, na konti nalang susuko na ako at hindi ko din alam kung paano pa haharapin yung ibang problema.
Nang medyo tumigil na ang asawa ko sa pag-iyak, inayos ko yung tray ng pagkain niya tsaka ulit ako lumapit sa kanya para subuan siya.
"Wala akong ganang kumain." matipid na sabi niya.
"Kailangan mong kumain mahal ko." pamimilit ko sa kanya at tinaas kong muli ang kutsara na may kanin at konting ulam.
"Please Jeric. Huwag mo na muna akong pilitin." malumanay na tugon niya. Ayoko na muna siyang kulitin kasi panigurado, magiging away na naman namin ito kapag pinilit ko siya. Tinanggal ko yung tray sa may kama niya at siya naman ay umayos muli ng pagkakahiga. Inayos kong muli yung kumot niya at tumalikod siya sa akin. Kahit hindi ko nakikita yung mukha niya, alam kong umiiyak na naman siya.
Binantayan ko ang asawa ko hanggang makatulog na siya. Nagbilin na muna ako sa mga kasambahay namin na alagaan si baby Jerene dahil hindi kami makakauwi ng asawa ko ngayon. Kailangan niya na munang magpalakas. Tinawagan ko na din ang mga magulang namin at kinuwento na sa kanila ang nangyari. Lahat sila ay nalungkot ng malaman ang balita. Excited pa naman silang magkaroon ulit ng apo.
* * * * * * *
Maagang bumisita sila Rein at ang magulang ko sa hospital kinabukasan. Marami silang dalang mga prutas at gatas para sa asawa ko. Mabuti nalang at gising na din si Carrie ng dumating sila.
Niyakap kaagad ni mommy at Rein ang asawa ko ng makita nila. "Huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano anak ha. Maybe, hindi pa para sa inyo si baby kaya yan nangyari." pagbibigay ng advice ng mommy ko sa asawa ko.
"Oo nga ate Carrie." pagsang-ayon naman ng kapatid ko. Nakakagulat ang ugali ng kapatid ko ngayon kasi hindi siya nagkukulit at seryoso siya ng kausapin ang asawa ko.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Juris, ang matalik na kaibigan ng asawa ko. Agad siyang lumapit sa asawa ko at nakipagbeso-beso.
Natuwa naman ako kasi kahit paano naaliw si Carrie sa mga bisita niya. Umalis na sila mommy at daddy. Nagpaiwan si Rein dito sa hospital at nakaupo silang dalawa ni Juris malapit sa asawa ko at nagkukwentuhan.
"Ano ba talagang nangyari sayo best?" rinig kong tanong ni Juris sa asawa ko.
"Oo nga ate. Inii-stress ka ba ni kuya?" singit naman ni Rein na kung makapagsalita wala ako sa loob ng kwarto.
Kinakabahan ako sa isasagot ng asawa ko kasi panigurado, lagot ako kila mommy at daddy kapag nalaman nila ang totoo.
Napansin kong tumingin sa akin ang asawa ko at binalik ang atensyon sa mga kausap niya. "Hindi Rein. Nadulas ako." sabi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya kila Rein dahil hindi niya inamin kung ano ang totoong nangyari. Tipid ang mga sagot niya at mas masakit ito para sa akin kasi inaako niya yung problema na kasalanan ko naman talaga.
Pagkaalis ng mga bisita, natulog na siya ulit. Alam kong galit pa rin sa akin ang asawa ko. Inayos ko ang mga hibla ng buhok na napunta na sa mukha niya at inilagay ito sa likod ng tenga. Tsaka ko kinuha yung isang kamay niya at hinalikan. "I'm really sorry mahal ko. Sorry baby. Kasalanan ko kung bakit nangyari lahat ng ito." at naramdaman kong bumagsak na ang luha sa mga mata ko. Ngayon ko nailabas yung sama ng loob na kinikimkim ko kanina pa.
Noong sabihin sa akin ng doctor na wala na si baby, parang tumigil ang mundo ko at parang milliong beses na dinurog ang puso ko. Hindi ko ginusto ang nangyari. Hindi ko ginusto na saktan ang asawa ko at mawala ang pangalawang anak namin.
BINABASA MO ANG
Beyond Imperfections (Book 3)
RomanceBook 3: Jeric Tan and Carrie Geronimo Love Story "Will you still choose love beyond imperfections?"