JERIC'S POV
Katatapos lang ng rehearsal ko sa studio. Papunta na ako sa may lobby ng studio namin para naman sa brief meeting kasama ang talent manager ko na si Sandy at kaibigang kong singer na si Christian Bautista.
Nagulat ako kasi malayo pa lang nakita ko na ang magandang asawa ko na nakangiting nakikipag-usap sa manager ko. I'm still falling for her every single day. Walang nagbago,. gandang-ganda pa rin ako sa asawa ko. Everyday is an exciting journey with her. She really knows how to make my ordinary day so special and I'm still amaze how she takes care for me and our baby. She never fails to show her unconditional love for us. It's beyond words how blessed I am to have her.
Excited akong lumapit sa kanya. "Mahal, kala ko ba susunduin kita mamaya. Bakit nandito ka na?" nakangiti kong bati sa kanya.
Tumayo siya at hinalikan ko naman siya sa may noo. "Namiss kasi kita agad." natatawang sabi niya tsaka umusod siya ng kaunti at magkatabi kaming naupo.
Nilapit ko yung labi ko sa may tainga niya at bumulong, "I like it kapag naglilihi ka. Ako madalas mong hinahanap." Secret muna kasi ang pagbubuntis ng asawa ko sa second child namin kaya hindi ko pwedeng lakasan dahil maririnig nila Sandy at Christian.
"Nako naman oh! Ang rami na namang langgam dito sa studio!" pang-aasar sa amin ni Christian Bautista.
"Natatawa ako sa inyo Jeric. Para pa rin kayong teenager ni Carrie na nagliligawan." nakangiti namang sabi ni Sandy.
"Si Carrie kasi eh. Ang ganda-ganda." tsaka ko hinawakan yung isang kamay ng asawa ko at hinalikan.
"Tama na nga yan Jeric. Namimiss ko na tuloy ang asawa ko." pag-awat sa amin ni Sandy. "Nga pala yung flight ninyo bukas sa Cebu, 7 am yun ha. Kaya magkita-kita tayo sa airport ng 6:30 ng umaga." paalala niya sa amin. Meron kasi kaming back to back concert ni Christian Bautista sa Cebu. Three days and two nights yung trip namin sa doon.
"Sasama ka ba Carrie?" tanong ni Sandy sa asawa ko.
"Hindi eh. Marami pa din kasi akong kailangan ayusin sa binyag ni Jerene." pag-amin ng asawa ko. Napag-usapan na namin yan kaya nalulungkot ako kasi after manganak ng asawa ko, ito ang first time kong mawawalay sa kanila. At take note, tatlong araw. Medyo matagal-tagal kaya nalulungkot ako. Naiintindihan ko naman ang decision ng asawa ko na hindi sumama sa akin kasi busy na din siyang mag-ayos sa binyag ng anak namin. Very hands-on siya sa pagpili ng mga motifs at theme para party ng anak ko.
Trabaho din talaga ang dahilan ng pagpunta namin sa Cebu kaya malabong makapagbakasyon kami at para din safe ang asawa ko kasi first week pa lang ng pagbubuntis niya. Hindi din ok kung magpupuyat siya kakaasikaso sa akin.
"Grabe hon, the best talaga yung steak na luto mo! Busog na busog na naman ako eh." tsaka ko hinihimas himas yung tiyan ko. Ang sarap talaga nun. Still may favorite sa lahat ng niluto niya.
Nakasakay na kami sa kotse ko ngayon at papunta na kami sa grocery para mamili ng mga kailangan namin sa bahay at yung iba pang kailangan kong dalhin sa Cebu.
Kung dati ako lang ang naka-disguise mode sa aming dalawa ng asawa ko. Ngayon, pinagsusuot ko na din siya ng shades at cap kasi kilala na din siya ng mga tao dahil sa appearance niya sa mga concert at TV shows guesting ko.
"Hindi ko lubos maisip na pati ako kailangan ng mag-disguise mode mahal." sabi niya sa akin habang kumukuha naman ako ng cart. "Ang weird talaga hon. Ang hirap mamili ng naka-shades." natatawang sabi niya.
"Hayaan mo na hon. It's for your safety. Mamaya magkagulo ang mga tao kapag nakita ka nila."
"Nako hon! Speaking of, alam mo bang may nagpa-autograph sa akin kanina sa restaurant dahil sa libro ko?" pagkukwento niya.
"That's good. Sikat na sikat na talaga ang misis ko ha."
"Loko! Hindi ko nga alam kung anong isusulat ko sa libro. Ang tagal ko pang pinag-isipin."
"Oh eh anong sinulat mo?"
"Thank you for appreciating my book. Tapos pangalan ko."
"Anong nilagay mong apelido?"
"Syempre, apelido mo na."
"Great! For the world to know na kasal kana sa akin Mrs. Tan." tsaka ko siya nginitian.
Siya yung kumukuha ng mga kailangan namin sa bahay. Meron siyang dala-dalang listahan at ako naman ang nagtutulak ng cart namin.
Pagkatapos naming mamili sa may grocery umakyat naman kami sa department store para mamili ng mga damit ni baby Jerene at para sa new baby namin.
"Hon, ano mas maganda? Itong color red or itong pink?" tanong sa akin ng asawa ko habang taas-taas yung dalawang cute na baby dress.
"Parehas maganda hon eh." Nahirapan talaga akong pumili kasi alam kong parehas na bagay yun kay baby Jerene.
Napakamot ng ulo ang asawa ko. Ang galing ko kasing magbigay ng suggestion eh. "Bilhin na kasi natin parehas hon." kinuha ko parehas yung dress tapos nilagay ko na agad sa cart.
"Ayan ka na naman mister eh. Nagsasayang ka na naman ng pera mo."
"Di ba nga sabi ko sayo, I like spending my money for you and now, syempre with our baby?"
"Eh di ba nga sabi ko din sayo hon kahit mayaman ka, kailangan mo pa ring magtipid?" Ganyan ka budget wise ang asawa ko. Ang ending yung pink na dress ang kinuha namin. Under talaga ako sa asawa ko, or I am proud to say na mas gusto kong nagpapatalo sa kanya. She's in control when it comes to managing our budget and our house. I just trust her and I am always happy with the outcome.
BINABASA MO ANG
Beyond Imperfections (Book 3)
RomanceBook 3: Jeric Tan and Carrie Geronimo Love Story "Will you still choose love beyond imperfections?"