Beyond Imperfections 38

6 0 0
                                    

CARRIE'S POV

Hinatid muna kami ni Jeric dito sa bahay tapos pumasok na siya sa trabaho.

Naalala ko yung sinabi niya sa akin kagabi sa may garden "Sobrang namiss ko 'to mahal ko. Ang totoo nyan, ayoko na nga munang umuwi sa atin eh. Kasi dito, pinaparamdam mo sa aking mahal mo ako. Kahit pagpapanggap lang." Kung alam niya lang na lahat ng pinakita ko sa kanya kahapon ay totoo. Walang pagpapanggap dahil hindi naman talaga nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya.

Ang tagal ko ng gising. Nandito pa rin ako at nakaupo sa may kama namin. Iniisip ko kasi kung paano ko tatanggapin yung anak ni Jeric sa ibang babae at ano ba talaga ang nararamdaman ko sa asawa ko matapos lahat ng pinagdaan namin.

Sabi ko nga, yung harang na nilagay ko sa pagitan naming dalawa ay unti-unti ng natutumba. Sa mga sakit na naramdaman ko sa relasyon namin, mas nangingibabaw doon yung mas mahal ko siya at hindi ko kayang mabuhay ng wala siya. Sa lahat ng iyak ko, sa huli.. Siya pa rin naman ang dahilan ng ngiti at saya ko.

Handa na akong patawarin siya. Handa na akong ibalik kung anong meron sa amin dati.

Tumayo na ako at parang punong-puno ng positive vibes ang araw na ito para sa akin.

Pagkagising ng anak ko, pinakain ko na muna siya. Six months na si baby Jerene at marunong na siyang kumain ng mga solid foods, usually sweet potato, carrots at mga fruits yung pinapakain namin sa kanya. Sa gabi naman, patuloy pa rin ang pag-breastfeed ko sa kanya.

Pagkatapos niyang kumain, pinaliguan ko na ang anak ko tapos kinuha ko yung libro ng alphabet at tinuro ko sa kanya yung mga letters. Natutuwa ako sa anak ko kasi mabilis siyang matuto. Kapag may sinabi akong letters o salita, ginagaya niya agad ako at para din siyang tatay niya na mahilig sa music. Kapag nakarinig ng tunog, natutuwa siya at napapasayaw agad. Medyo mahaba na rin ang kanyang buhok, kaya aliw na aliw akong ayusan siya. Madalas, hahatiin ko sa gitna yung buhok niya at iipitan ang dalawang side nito. Pinagpaparehas ko din yung suot niyang damit sa kulay ng kanyang ipit at sapatos. Hindi ko alam na lubos ang kasiyahan ang makukuha ko sa anak ko. Mas masaya nga lang sana kung natuloy ang pagbubuntis ko sa second baby namin ni Jeric. Pero ngayon, medyo ok na ako. Hindi na maalis sa akin na malungkot kapag naalala ko si baby at mamiss siya pero tama nga ang sabi ng iba, baka hindi pa talaga para sa amin si baby.

Nang makatulog na si baby Jerene, naglinis ako ng bahay namin. Pinalitan ko rin ang kurtina, balot ng sofa namin at mga unan sa sala pati yung tablecloth sa kusina. I want this day to be special. Gusto kong sopresahin ang asawa ko at iparamdam sa kanya na wala namang nagbago sa pagmamahal ko sa kanya. Kakalimutan ko na ang lungkot na pinagdaanan namin, hindi ko na siya sisisihin. Papatawarin ko na siya.

Nagluto ako ng paborito niyang soup at steak tapos nagprepare din ako ng mashed potato, at buko salad. 7:30 na ng gabi at alam kong mamaya konti ay dadating na ang asawa ko.

Nagnuod lang ako ng TV sa may sala namin pero hindi din ako mapakali dahil sobrang excited na akong salubungin siya.

Natapos na ang pinapanuod ko, pero wala pa din siya. Nakakapagtaka kasi usually 8:30, nandito na siya sa bahay. Siguro sobrang traffic na naman o di kaya meron siyang kailangang tapusin na trabaho kaya medyo mali-late ng siya ng uwi.

9:30 na ng gabi at wala pa rin siya. Tinignan ko yung cellphone ko pero wala naman siyang text. Ano kayang nangyari sa kanya? Kapag sobrang late kasi siya makakauwi, nagsasabi naman yun sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinext siya.

Jeric, gabing-gabi na ha. Na saan ka na ba?

Ilang minuto din ako nag-antay ng reply niya pero hindi siya sumasagot sa text ko. Nagcompose ulit ako ng text message at sinend ko ulit sa kanya.

Are you still busy? Tawagan mo ako agad kapag nabasa mo na ang message ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Paggising ko, 12 o'clock na ng madaling araw pero wala pa rin ang asawa ko. Agad kong tinignan ang cellphone ko pero wala man lang siyang text ot tawag sa akin. Na saan na kaya siya? Kinabahan ako bigla. Hindi siya kasi umuuwi ng ganitong ka-late. Ano na kayang nangyari sa asawa ko?

Tinatawagan ko ang cellphone niya pero unattended. Ilang beses ko ng dina-dial yung number niya pero hindi ko ma-contact.

Hindi ako mapakali. Hanggang sa tawagan ko na si George, personal assistant ng asawa ko para tanungin kong magkasama ba silang dalawa. Ilang beses pa lang nagri-ring ang kabilang linya ng kino-contact ko ng biglang bumukas ang pinto sa sala at pumasok si Jeric. Gulo-gulo ang buhok niya at hindi siya makapaglakad ng tuwid. Amoy alak siya at lasing na lasing. Agad siyang napangiti ng makita ako pero alam kong wala talaga siya sa sarili niya.

"Nandito pala ang magandang asawa ko." naglakad siya patungo sa akin pero paliko-liko at ng malapitan na niya ako, agad niya akong hinalikan sa labi. Madiin ang pagkakahalik niya sa mga labi ko, merong dahas.

"Ano ba Jeric at lasing na lasing ka?!" umiiwas ako sa kanya. Kahit sobrang namimiss ko na siya, alam kong mali ito dahil lasing na lasing siya. Wala siya sa katinuan niya at tsaka, matapos ko siyang antayin ng ilang oras, ito pala ang isasalubong niya sa akin. Bakit ngayon pa? Bakit kung kelan na akong handang patawarin siya ganito pa ang mangyayari?

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso at isinandal niya ang likod ko sa pader namin. Yung mga mata niya, punong-puno ng pagnanasa. Hindi niya pa rin ako binibitawan. Mahigpit pa rin ang kapit niya sa akin. Nasasaktan na ako. "Ano ba Jeric?!!" mataas na ang boses ko at nagpupumiglas ako sa hawak niya. Tila yata wala pa rin siyang naririnig at balak niya ulit na halikan ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya.

Parang natauhan siya sa pagsampal ko.

"Huwag mong sisihin na lasing ako dahil wala ka namang pakialam sa akin!" seryosong sabi niya sa akin. Parang bala yung sinabi niya na bigla nalang kumawala at bigla kong naramdaman yung lungkot niya.

"Alam mong hindi totoo yan Jeric." sabi ko sa kanya.

"Totoo Carrie! Totoo!! Dahil araw-araw nalang pinaparamdam mong hindi ka na masaya sa relasyon natin. Na mali ako! Na it was all my fault kung bakit nawala ang second baby natin"

"I never blame you for that!" Oo, aminado ako na sa umpisa sinisisi ko siya kung bakit nawala si baby pero habang tumatagal, nari-realize ko na kahit din naman ako may pagkukulang kung bakit ako nakunan. Hindi din kasi ako nag-ingat ng mabuti, na stress ako at tama yung sabi ng iba, maybe.. Maybe, hindi pa talaga para sa amin si baby ng panahon na iyon.

"Pero pinaparamdam mo sa akin." naramdaman kong buong puso niya yang sinabi at pumatak ang luha sa mga mata niya. "Hindi ka na nagtitiwala sa akin. Hindi ka na masaya sa atin. Hindi lang ikaw ang nawalan ng anak Carrie. Bawat araw, hindi nawala sa isip ko ang baby natin pero nandito pa rin naman ako, kaming dalawa ni Jerene." Ang sakit-sakit ng sinasabi ng asawa ko. Hindi ko namalayan na sobrang nasasaktan ko na pala siya.

Hindi ko na din napigilan at tumulo na rin ang mga luha sa mga mata ko. "Alam ko! Kaya nga hindi kita iniwan kahit hindi na masaya. Kahit nahihirapan na ako. Kahit nasasaktan na ako at pagod na pagod na ako."

"Pero hindi ko na maramdaman yung pagmamahal mo. Kailangan kita Carrie. Kailangan ko yung dating asawa ko. Kailangan ko yung pagmamahal mo." Tama siya dahil nagbago talaga ako matapos akong makunan. Nasaktan kasi ako ng sobra. Nakulong ako sa inis at galit. Nakalimutan ko yung pangako ko sa mata ng Diyos na mamahalin ko siya; yung buong pagkatao niya, hanggang tumanda kaming dalawa at pumuti na ang mga buhok namin. Nakalimutan kong ipaglaban yung relasyon namin kahit sobrang hirap na ng sitwasyon. Oo, kasama niya nga ako araw-araw pero parang binitawan ko naman yung mga kamay niya noong dumating ang problema. Iniwan ko siyang mag-isa. Nakalimutan ko yung papel ko sa kanya bilang asawa.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon