Beyond Imperfections 15

8 0 0
                                    

JERIC'S POV

Paggising ko nasa kwarto na ako. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. Hindi naman ako uminom kagabi pero ang sakit ng ulo ko.

Nag-asta akong babangon ng mapansin kong tanging boxer lang ang suot ko. What the?! Anong nangyari kagabi?

Tinignan ko yung alarm clock sa may side table ko, it's already 9'oclock in the morning. Pilit kong inaalala ang mga pangyayari kagabi pero wala talaga akong maalala.

Patayo na ako ng kama ng pumasok si Bella na nakasuot lang ng bathrobe at pinupunasan ang kanyang basang buhok gamit ang puting twalya. Dito ko napagtanto na nasa kwarto niya pala ako.

"Oh gising kana pala baby." sabi niya sa akin gamit ang napakasensual niyang boses.

"What the hell Bella?! What do you think are you doing?!!" galit na pagkasabi ko. Sigurado akong siya ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Naglakad siya ng poise na poise at umupo sa gilid ng kama, "Easy baby. We just shared a passionate night together." nakakaakit niyang sinabi.

"Anong nangyari kagabi?!! Plilano mo lahat ng 'to Bella!! Bwisit ka!" inis na inis ako. Naiinis din ako sa sarili ko dahil wala akong maalala.

Naglandas yung kamay niya mula sa braso ko papunta sa dibdib ko.

"Bwisit? Eh sarap na sarap ka nga kagabi eh. As expected, it was hot, intense and unforgettable. I love it, Jeric."

Agad kong tinanggal yung kamay niya sa akin. "Tigilan mo ako Bella!!" mataas pa rin ang boses ko at tumayo na ako sa kama. Pinulot ko yung mga nagkalat kong damit sa sahig at napansin ko ding nakakalat pa ang suot niyang damit kagabi.

Nagmamadali akong lumabas at pumasok sa kwarto ko. Mabuti nalang at walang nakakita. Nakakainis! Damn! Wala talaga akong maalala. Hindi ko alam kung may nangyari ba talaga sa amin ni Bella kagabi. Pero pakiramdam ko sa sarili ko na walang nangyari at imbento niya lang lahat ng sinabi niya sa akin kanina. Dati kasi noong kami pa, we never reach to that kind of level. Ayaw niya at natatakot kasi siya. Tsaka kahit showbiz personality ako at marami akong naging girlfriend noon, kay Carrie ko talaga unang binigay ang buong pagkatao ko. I am one of those guys who still believe with the sacred of marriage.

Napabalik ang atensyon ko ng marinig kong nag ring ang cellphone ko. Si Carrie. Parang may kung anong tumusok sa puso ko ng makita ko ang pangalan ng asawa ko sa screen ng cellphone. Hindi ko man maalala ang nangyari kagabi, alam kong mali ang ginawa ko.

Ilang beses pang nag ring ang cellphone bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na sagutin ito. "Hello mahal ko, busy ka ba?" malambing na bati niya sa akin.

"Hindi naman mahal ko. Kagigising ko lang."

"Mukhang napagod ka sa celebration ninyo kagabi ha?"

"Sakto lang mahal ko."

"Kayo-kayo lang ba nila Sandy at Christian ang nagcelebrate?"

"Hindi mahal ko. Kasama din namin yung mga production staffs at backup singers." Lie. Hindi ko masabi sa kanya na nandito din si Bella. Siguro hahanap nalang ako ng tamang timing na sabihin sa kanya lahat ng nangyari kapag nakabalik na ako sa Manila. "Kamusta kayo ni baby?" pag-iiba ko ng topic.

"Excited na kaming makita ka." ramdam kong tuwang-tuwa siya kasi pauwi na ako mamaya.

"Ako din mahal ko." Excited na din akong makita ang mag-ina ko. I terribly miss them.

Pagkatapos namin mag-usap ng asawa ko, inayos ko na ang maleta ko. Nilagay ko na ulit yung mga damit ko. Ewan ko ba kung paano napagkasya ng asawa ko lahat ng gamit ko noong papunta ako dito. Hindi talaga ako kasing organize ng asawa ko.

After naming kumain ng tanghalian nila Sandy at Christian, nagpunta kaming tatlo sa pasalubong shop ng Cebu. Syempre, in disguise mode kaming tatlo. I want to personally do the shopping para sa mga pasalubong ko sa asawa ko, kila mommy, daddy at Rein.

Nag-order ako ng Cebu lechon na ipapadala sa Manila sa mismong binyag ng anak namin. Pinaka the best daw kasi ang lechon na galing sa Cebu. Namili din ako ng dried mango, danggit, peanut browas, otap at chicharron.

Natulog lang ako sa buong flight namin at mga 6:30 na ng gabi ng lumapag ang eroplano namin dito sa Manila. Excited akong lumabas sa arrival area. Naghiwa-hiwalay na kami nila Sandy at Christian. Sa may VIP na ako dumaan para walang ibang taong makapansin sa akin tsaka medyo napagod din ako.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon