Beyond Imperfections 4

6 0 0
                                    

JERIC'S POV

"Ang cute cute talaga ng baby Jerene ko." pagkausap ko sa anak ko habang siya naman ngiting-ngiti sa akin. Nakakatuwa talaga ang anak ko. Tuwing umaga yan, gustong nakikipaglaro sa amin ng mommy niya. Medyo malaki na siya at sobrang taba. Yung braso at mga binti niya, siksik ng katabaan; parang longganisa. Makinis at sobrang maputi ang kutis ng anak ko. Manang-mana sa mommy niya. Hinalik-halikan ko ang anak habang nilalaro ko siya.

"Tuwang-tuwa na naman sayo hon ang anak mo." pagpansin sa amin ng asawa ko na kagagaling lang sa kusina. Late na kaming nakauwi galing sa restaurant kagabi.

"Kaya nga eh. Kaya lagi akong tinatamad magtrabaho dahil sa anak mo. Ang hirap palaging iwan ng baby Jerene ko, ng new baby ko." tsaka ko hinimas ang tiyan niya "tsaka ikaw." tsaka ako kumindat sa kanya at nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

"Ooops! Lika na. Almusal na tayo." pagpigil niya sa akin tapos tumayo na siya.

"Mahal naman eh!" para akong bata na parang inagawan ng candy tapos tumayo na ako para sundan siya.

Nakaayos na ang almusal namin and as expected, sarap na sarap na naman akong kumain. Never talaga akong nagsawa sa luto ng asawa ko at nakapapagtaka lang din kasi parang walang araw na hindi masarap yung niluto niya. I mean, hindi ko naramdaman kung tinatamad siyang magluto. Pinanganak talaga para maging chef ang asawa ko. Natatawang isip ko.

Pagkatapos naming kumain, tinulungan ko siyang magpaligo kay baby tapos tsaka ako naligo.

Paglabas ko ng banyo, nakaayos na yung damit na isusuot ko at nakalagay na sa bag ko yung baon kong pagkain. Ganyan ka ayos at ka sweet ang asawa ko. Kahit dito sa bahay namin, lagi kong sinasabi sa kanya na pwede niya namang utusan ang mga kasambahay namin sa paglilinis ng bahay o paglalaba ng mga damit namin, pero madalas siya pa rin ang gumagawa. Mas gusto niya daw na siya talaga mismo ang nag-aasikaso sa amin ng anak ko.

"Anong oras kita susunduin sa restaurant mo mamaya hon?" tanong ko sa kanya habang inaayos niya ang necktie ko. Bibisitahin niya kasi ang restaurant niya. Matapos kasing manganak ang asawa ko, nag focus na talaga siya sa baby namin kaya hindi na siya nakakapunta dun. Natuwa ako at pinayagan ko siya kasi alam kong hilig niya yun at alam kong masaya siya kapag nasa kusina siya at nagluluto.

"Mga 2 pm na mahal. Check ko lang yung mga sales tapos mag-grocery tayo pagkatapos."

"Ok mahal ko." pagsang-ayon ko sa kanya. 

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon