Beyond Imperfections 9

11 0 0
                                    

JERIC'S POV

Nakakadurog talaga ng puso ang pag-alis ko ng three days para sa concert ko sa Cebu. Kung ako lang ang masusunod eh, hindi ko na talaga itutuloy ang concert ko pero dahil na rin sa sabi ng asawa ko kaya pinilit ko nalang gawin yung pinirmahan kong kontrata.

Nakaka-kaba kasi parang pagbabalik ko na ulit ito sa showbiz. Parang nakakapanibago na naman. Simpleng navy blue T-shirt lang ang suot ko, blue jeans at nag-rubber shoes lang ako para comfortable ako sa paglalakad. Syempre, hindi mawawala ang cap at shades pang-disguise mode para hindi masyadong makakuha ng attention sa ibang pasahero.

Pagdating ko sa airport, nandun na sa lounge si Sandy, ang talent manager ko.

"Na saan si Carrie?" nagtatakang tanong nito. Alam niya kasing sasama maghatid si Carrie sa akin sa airport.

"Inaatake ng morning sickness niya kanina. Hindi ko pinayagang sumama."

"Kawawa naman si Carrie."

Dumating na si Christian Bautista at sabay-sabay na kaming umakyat sa eroplano. Hindi ko na ginamit ang private airplane ko kasi meron namang sariling eroplano ang company namin. Halos isang oras at sampung minute din ang naging byahe namin papuntang Cebu. Natulog lang ako sa eroplano buong byahe dahil na rin siguro sa puyat ko sa pagbabantay sa mag-ina ko kagabi.

Dumating kami sa Mactan-Cebu International Airport, ng mga 10 o'clock ng umaga. Maganda ang panahon dito. Masikat yung araw pero hindi naman sobrang init, medyo presko pa rin sa pakiramdam.

Pagbaba namin sa arrival area, natuwa ako kasi maraming fans ang naghihintay sa amin. Yung iba, meron pang dalang banner at regalo na inaabot sa amin. Masaya ko silang nilapitan at kinamayan pero syempre nakahanda din yung mga security guards para panatilihing hindi din kami masasaktan. Yung ibang fans din kasi sobra makahatak sa kamay o damit namin.

Napagbigyan ko yung ibang fans ko na himihingi sa akin ng autograph at yung iba naman nakipag-selfie sa akin. Nakakatuwang malaman na nakakapagpasaya ako ng ibang tao. Alam kong malaking bagay sa kanila ang simpleng ngiti o simpleng kaway ko sa kanila. Hindi din kasi biro yung pera, pagod at atensyon na binibigay nila sa aming mga artista. Yung iba sa mga yan, galing pa ng malalayong lugar para lang makita kami kahit saglit lang kaya malaki talaga ang utang na loob ko sa mga fans ko. Hindi kami sisikat, kung hindi rin dahil sa kanila.

Sinundo kami ng shuttle at nagcheck-in kami sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino. Isa ito sa pinakasikat na hotel dito sa Cebu. Maganda at elegante ang lobby ng hotel. Meron itong bar at tatlong malalaking restaurant na naghahain ng iba't-ibang cuisine. Nasilip ko na rin ang swimming pool nila sa labas. Malaki ito at sobrang linis. Malinaw at asul na asul ang kulay ng tubig. Nakakaenganyo tuloy lumangoy. Sa gilid ng hotel, merong sauna, spa, fitness at massage center. Paglabas mo naman doon, sasalubungin ka ng napakagandang garden nila na puno ng samu't-saring bulaklak at matingkad na kulay berdeng damo. Meron ding malalaking puno na napapalibutan ng mga puting Christmas lights at sa gitna nito ay ang magandang handmade waterfall na merong iba't-ibang laki at kulay ng koi fish. Panigurado akong sobrang ganda ng lugar na ito sa gabi. Friendly at mababait din yung mga staff sa hotel.

Magkakahiwalay kami ng kwarto nila Sandy at Christian. Pagdating ko sa kwarto ko agad akong humiga sa malambot na kama. Medyo napagod din ako sa byahe.

Bago pa man pumikit ang mata ko sa antok, tinawagan ko na muna ang aking mahal. Namiss ko na agad siya.

CARRIE'S POV

Of all the things I've ever done
Finding you will prove to be

The most important one

Rinig kong tunog ng cellphone ko. Natuwa ako ng nag-appear sa screen ko ang mukha ng gwapo kong asawa. Agad kong pinindot ang answer button.

"Kamusta mahal ko?" nakangiting tanong niya sa akin. Video chat kami ng asawa ko. Argh! Ang killer smile niya talaga oh! Iba pa rin talaga ang dalang kilig sa akin eh. Hahaha.

"Kagigising ko lang mahal ko. Nakatulog ako pagka-alis mo kanina."

"Naku! Sorry mahal ko. Nagising ba kita?" nag-aalalang tanong niya.

"Hindi mahal ko. Kanina pa ako gising, pero hindi pa ako bumabangon dito sa kama."

"Ayos na ba ang pakiramdam mo, mahal?"

"Ayos na ako mahal. Hindi na ako nagsuka matapos kanina."

"That's good to know hon."

"Ikaw mahal ko? Kamusta ka dyan?" tanong ko naman sa kanya. Pakiramdam ko napagod siya sa byahe.

"Ito mahal ko, kakadating lang namin sa hotel. Medyo nakakapagod yung byahe kanina eh." sabi ko sa inyo eh, halatang pagod ang itsura ng asawa ko. Pero syempre, gwapo pa rin.

"Oo nga mahal ko. You look tired. Honey, may gusto palang magpakita sayo. Miss kana daw niya." tsaka ko tinapat ang mukha ni baby Jerene sa screen. Gising na ang anak namin at tuwang-tuwang nilalaro ang paa niya. "Baby, look oh! Si daddy." turo ko kay baby para tumingin sa screen. Natuwa ako sa anak ko kasi parang naintindihan niya yung sinabi ko at ngiting-ngiti sa daddy niya.

"Hello baby taba-ching-ching! Miss miss kana ni daddy." nakangiting pagkausap ng asawa ko sa anak namin. Todo smile si baby Jerene, tuwang-tuwa sa daddy niya.

"Parang naiintindihan ka niya mahal ko." sabi ko sa kanya.

"Oo nga hon. Namimiss ko na tuloy kayo lalo." nagpapacute niyang sabi. Oh my goodness! Gwapo-gwapo ng asawa ko.

"Miss na rin kita mahal ko. Sige na, magpahinga kana muna dyan. I love you honey." tsaka ko hinalikan ang screen ng cellphone ko. Para lang akong baliw sa pagkamiss sa asawa ko.

"I love you too mahal ko. Tatawagan ulit kita mamaya." nakita ko namang humalik siya sa screen. Oh di ba? Baliw lang kami ng asawa ko sa isa't-isa.

Pagkatapos naming mag-usap ng asawa ko, inasikaso ko na si baby Jerene. Pinaliguan ko siya at nakipaglaro sa anak ko.

Ganito ang everyday routine ko sa bahay. Ang asikasuhin ang baby ko at si Jeric. Paulit-ulit yung ginagawa dito sa bahay, madalas nakakapagod pero hinding-hindi ako nagsasawa sa ginagawa ko dahil masaya ako. Masaya akong pinagsisilbihan at inaalagaan ang mag-ama ko.

Nang makatulog si baby Jerene, nilagay ko na muna siya sa crib at nag research naman ako sa theme para sa nalalapit niyang binyag. Jeric is always supportive in every decision I made. Walang problema sa kanya yung gastos, gusto niya talagang ibigay lahat para sa anak ko. Mas gusto niya mas engrande o mas magarbo. Tried and tested na yun sa raming surprises na ginawa niya sa aking noong nangliligaw pa lang siya sa akin hanggang ngayon na mag-asawa na kami.

Naisip ko tuloy lahat ng mgaginawa niyang surprises sa akin. Hindi ko makakalimutan lahat ng yun. Lahat ngideya niya, palaging unexpected, laging may twist at may personal touch niyakaya kilig na kilig ako. He is a great man and I'm forever be grateful that heis my man.      

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon