CARRIE'S POV
Excited kong inintay ang asawa ko sa airport. Hindi ko sinabi sa kanya na susunduin namin siya ni baby kasi gusto ko talagang i-surprise siya. Sobrang namiss ko siya. Ang tagal din kaya ng tatlong araw.
Malayo pa lang, namataan ko na siya. Kahit pa nakasuot siya ng cap at shades, alam na alam kong siya yun. Napansin niya agad kami ni baby Jerene at matamis siyang nakangiti sa amin. My goodness! Isa yan sa namiss ko sa kanya. My magic talaga sa killer smile ng asawa ko. Hanggang ngayon, kaya niya pa ring pagtumblingin ang dragons sa stomach ko. Hahaha.
"Mahal ko, I miss you." salubong kong bati sa kanya.
"Sobrang namiss ko din kayo ni baby, mahal ko." tapos agad niya akong hinalikan sa labi. Oh my! Muntik ng tumalon ang puso ko. Parang ako ang na surprise sa ginawa niya eh. Ok na ramdam na ramdam ko talaga ang pagkamiss niya sa amin. Sobrang pula na naman ng mukha ko.
"Baby, I miss you." sobrang pangigigil at halik din ang sinalubong niya sa matabang mukha ng anak ko.
"Hindi mo sinabi sa akin na susunduin ninyo ako."
"Syempre mister, kapag sinabi ko. Hindi na surprise yun." natatawang sabi ko sa kanya.
"Silly." tsaka niya pinisil ang pisngi ko at hinalikan ang noo ko. "Eh kamusta naman ang baby number two ko?" pagkausap niya sa tiyan ko at hinimas-himas ito. "Namiss ka din ni daddy, baby ko." tsaka niya hinalikan ang tiyan ko.
Kinuha niya si baby Jerene sa akin at siya nalang daw ang magkakarga para hindi daw ako mahirapan.
Natuwa ako ng nilipat ko sa kamay niya si baby Jerene. Ngiting-ngiti ang anak namin at ginagalaw-galaw niya ang mga paa at kamay niya. Namiss din talaga siya ng anak namin.
Si George, personal assistant niya, yung nagtulak ng maleta niya. Siya na din ang nagdrive ng sasakyan dahil alam kong pagod na rin ang asawa ko sa byahe niya.
Parehas kaming nakaupo ng asawa ko sa likod ng sasakyan, "Hey. Stop staring at me like that." pagsaway ko sa asawa ko kasi pansin kong kanina pa talaga siya nakatingin sa akin. Hindi ko na kakayanin eh. Enebe! Kilig na kilig na ako.
"I could stare at you forever and I'd still feel like I haven't had enough of you. How do you look so beautiful all this time, mahal ko?" Out of nowhere, yan ang sasabihin niya sa akin. Jusko dhay! Lahat ng dugo ko umakyat na ata sa mukha ko. La-lovenatin na ata ako sa kasweetan ng asawa ko ngayon eh.
"Ay sus! Bawing-bawi na ang three days na wala ka dito mahal ko." tsaka ko ginulo-gulo yung buhok niya.
Sobrang sweet pa rin namin ng asawa ko hanggang makarating kami sa bahay. Kumain na muna kami ng dinner tapos tsaka ko nilayos yung mga pasalubong niya sa amin. Natutuwa ako kasi ang rami niyang uwing otap. Natandaan niya na ito yung gusto kong kinakain nitong mga nakaraang araw.
Siya naman nilalaro niya si baby Jerene sa kwarto namin. Halata na sobrang namiss niya ang anak namin.
BINABASA MO ANG
Beyond Imperfections (Book 3)
RomanceBook 3: Jeric Tan and Carrie Geronimo Love Story "Will you still choose love beyond imperfections?"