Beyond Imperfections 32

6 0 0
                                    

CARRIE'S POV

Araw-araw parang nililigawan pa rin ako ng asawa ko. Alam niyang galit pa rin ako sa kanya pero hindi siya tumitigil na suyuin pa rin ako.

Maaga siyang umalis sa bahay dahil meron siyang fan signing event sa mall. Inalok niya akong sumama pero tinitiis ko pa rin siya. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi naman basta-basta nalang mawawala ang galit ko sa kanya.

Of all the things I've ever done
Finding you will prove to be

The most important one

Rinig kong tunog ng cellphone ko. Agad kong pinindot ang answer button.

"Hello ate Carrie!" masayang bati sa akin ni Rein sa kabilang linya.

"Oh Rein! Kamusta?" natuwa akong marinig ulit ang boses ni Rein. Namiss kong kausapin siya.

"Ayos naman ate. Busy ka?"

"Hindi naman masyado. Bakit ka napatawag?"

"Wala akong makasama eh. Gala tayo ate!" yakag niya sa akin.

Napatawa ako. "Bakit na saan ba ang mga classmates mo?"

"Busy silang lahat ate eh."

"Ah.. Oh eh, magpunta ka nalang dito sa bahay. Wala kasing makakasama si baby Jerene kapag gumala tayo. Naka-day-off sila ate Anne."

"Eh di isama nalang natin si baby sa gala ate!" excited na sabi niya.

"Ha? Eh pero.."

"Wala ng pero pero ate. Sobrang miss na kitang kasama sa gala eh. No worries ate, akong bahalang magtulak ng stroller ni baby." natatawang sabi niya. "Magbihis kana ate. Pupuntahan kita dyan mamaya konti." tsaka niya i-end ang call. Ang galing din talaga ni Rein eh. Wala akong nagawa.

Naisip ko tuloy bigla yung asawa ko. Ayaw kong sumama sa kanya sa fan signing event niya tapos ngayon gagala ako kasama si Rein. Mahahalata niya talagang iniiwasan ko siya eh.

Tinext ko nalang siya at sinabi kong saglit lang kaming magkikita ng kapatid niya.

10:30 ng umaga ng dumating si Rein sa bahay namin.

"Ate Carrie, I miss you!" salubong niya sa akin. Niyakap niya ako at nakipagbeso-beso. Sobrang namiss ko na din ang batang ito. Ang tagal nab ago ulit kami gumala eh. Busy na din kasi ako sa pag-aalaga kay baby Jerene at ang rami ding nangyari nitong mga nakaraang araw.

"Ang laki-laki na ni baby Jerene, ate!" hinawakan niya ang kamay ng anak ko at nilalaro-laro. Tsaka niya hinalikan sa pisngi. Parang naiintindihan naman ni baby ang ginagawa ng tita niya at tuwang-tuwa siya dito.

Pagdating namin sa mall, kumain na muna kami ng tanghalian tsaka kami nagpunta sa salon. Nakaka-refresh ng pakiramdam kasi ang tagal na yata ng huling punta ko sa mall.

"Ate, sigurado ka bang papagupitan mo yung buhok mo ng ganyang ka-ikli?" nag-aalalang tanong sa akin ni Rein ng makita niya yung picture sa magazine na gusto kong ipagawa sa buhok ko.

"Oo" paninigurado ko sa kanya.

"Ok lang ba yan kay Kuya Jeric?" tanong niya ulit. Alam niya kasi na sobrang gusto ni Jeric ang mahabang buhok ko.

"I'm sure, he won't mind. Tsaka para maiba naman." sagot ko sa kanya. Pinagupitan ko yung mahabang buhok ko hanggang balikat, bob haircut yung style tapos pinalagyan ko ng dark brown highlights.

Hindi ako sanay sa maikling buhok dahil simula ng pagkabata ko, mahaba na talaga ang buhok ko pero natuwa ako sa kinalabasan ng ayos ng buhok ko ngayon.

"Bagay din pala sayo ang maikling buhok ate eh." pagpuri sa akin ni Rein ng makita niyang tapos na akong gupitan at mablower ang buhok ko. "Lalong ma-iinlove sayo nyan si Kuya Jeric, ate." parang kinikilig niyang sabi. Kinabahan ako. Ano nga kayang magiging reaction ng asawa ko kapag nakita niya yung buhok ko? Matuwa nga kaya siya dahil pinagupitan ko ito?

"Thank you Rein." nasabi ko nalang sa kanya.

Of all the things I've ever done
Finding you will prove to be

The most important one

Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko. Speaking of, ang asawa ko nga ang tumatawag. Nakita ni Rein na pangalan ng kuya niya ang nag-flash sa screen ng cellphone ko. Bakit kaya siya tumatawag? Pinindot ko ang answer button.

"Hello mahal ko." bati niya sa kabilang linya.

Tumingin sa akin si Rein habang kausap ko si Jeric sa cellphone. "Oh mahal ko (tinawag ko siyang "mahal ko" para hindi makahalata si Rein na magkaaway kami ng kuya niya tapos naging sweet ang boses ko sa kanya kahit napipilitan ako) bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya.

"I miss you calling me that way." medyo natatawang sabi niya. Sobrang miss ko na din naman siyang tawaging "mahal ko" eh kasi kahit galit ako sa kanya, hindi naman nawawala at nagbabago ang pagmamahal ko sa kanya.

"You know that I need to do this."

"Alam ko dahil kasama mo si Rein." naintindihan niya agad ang sinabi ko.

"So bakit mo ako tinawagan?"

"Matagal pa ba kayo dyan?"

"Hindi naman na. Pauwi na kami."

"That's good. Tapos na ang trabaho ko, sunduin ko kayo dyan."

"No. Huwag na. Pauwi na rin naman kami." mariing sabi ko sa kanya. Ayaw kong maabala pa siya at alam kong pagod din siya galing sa trabaho.

"Are you sure mahal ko?" tanong niya ulit.

"Uhm.."

"Ok, mag-ingat kayo pauwi ha. I love you mahal ko." ramdam kong seryosong sabi niya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Parang na excite ulit ang puso ko dahil ngayon ko nalang ulit narinig sa kanya yan.

Alam kong hindi niya pa tinapos yung tawag niya sa akin at nakikiramdam siya sa susunod na sasabihin ko. I love you too mahal ko. Naibulong ko nalang sa sarili ko at ako na ang nag-end ng call. 

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon