Beyond Imperfections 37

9 0 0
                                    

JERIC'S POV

Nang matapos kong punasan yung lamensa, nagpaalam muna ako kila daddy at mommy na makikiligo muna ako sa banyo nila dahil amoy inihaw ako. Pumayag naman sila at pinahiram naman ni daddy yung lumang damit niya sa akin.

Pagkatapos noon, pumunta na ako sa garden at nag-indian seat sa may makapal na tela. Tumabi ako sa asawa ko. Parang nasa picnic kami at nasa ilalim kami ng malaking puno. Malilim at mapresko talaga dito sa bahay nila mommy at daddy.

"Mabuti nalang at nagkasya yung damit ko sayo." natutuwang sabi ni daddy.

"Oo nga po." nakangiting sagot.

"Yung itsura ni Jeric, parang ikaw noong binata ka pa honey." natatawang singit naman ni mommy.

"Bakit? Parang binata pa rin naman ako ha." natatawang sabi ni daddy. Natutuwa talaga ako kila mommy at daddy. Para pa rin kasi silang highschool students kapag naglalambingan.

"Ma... ma... ma..." rinig naming sabi ng anak ko habang tuwang-tuwa at parang sumasayaw. Hinahawakan siya ng asawa ko.

"Say mommy anak.. Mommy" pakikipag-usap ko sa anak ko habang nilalaro ang isang kamay niya.

"Mam... mam... mam.." putol-putol niyang sabi.

"Mommy... mommy..." inuulit ko sa kanya.

"Mam.. mam.. mi." bigkas ulit ng anak ko at nagtatawanan kami.

"Mommy... mommy..." pagtuturo kong muli sa kanya.

"Mami.. mam.. mam.. mi.." ulit ng anak ko at parang nakuha niya na.

"Mommy anak.. Mommy.." binubuka ko pa yung bibig kong maigi para magaya niya.

"Mami... mami..." parang walang malay niyang sinabi pero nakuha niya na ng tama.

Napangiti ang asawa ko "Ulitin mo nga anak.. Tawag mo si mommy." utos ng asawa ko at seryosong nakatingin sa anak ko.

"Mami.. mami.." wika muli ng anak ko.

Parang maiiyak na ang asawa ko dahil nabanggit ng anak ko yung makakasanayang tawag sa kanya ng anak namin. Niyapos niya si Jerene ng mahigpit.

Sobrang masaya din ako dahil nagawa ito ng anak ko. First time naming marinig yan sa anak ko kaya napa-proud talaga ako. Automatic na hinalikan ko sa pisngi ang anak ko at hindi ko namalayan na ganoon din ang ginawa ng asawa ko sa kabilang pisngi ng anak ko.

Hapon na ng makatulog ang anak ko. Binuhat ko siya at dinala sa dating kwarto ng asawa ko.

"Sobrang napagod si baby." wika ng asawa ko habang pinupunasan ang pawis ng anak namin sa mukha.

"Oo nga eh. Natutuwa ako kasi naging masaya sila mommy at daddy."

"Sobra! Kung hindi nga nakatulog si baby, panigurado hindi nila titigilan ang anak natin eh." natatawang sabi niya. "Baba na muna tayo para makapag-merienda na din." yaya niya sa akin.

Tumayo na ako at inalok ko ang kamay ko sa kanya, "Tara na?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sa akin at kinikindatan ko siya. Natuwa ako ng pinatong niya sa kamay ko yung kamay niya "Tara" sabi niya sa akin at tumayo.

Sabay kaming nagpunta sa sala tapos binigay na namin kila mommy at daddy yung mga regalo namin sa kanila. Pagkatapos nun ay tabi kaming umupo sa couch tsaka ko nilagay yung kamay ko sa may balikat niya.

Tumingin siya sa akin at tinignan ko siya sa mga mata, parang sinasabi ko sa kanyang "We need to pretend di ba?" Actually, nagti-take advantage na talaga ako kasi baka pagdating namin sa bahay, iiwasan na naman niya ako kaya susulitin ko na talaga ito.

"Sobrang rami naman ninyong bigay mga anak." sabi ni daddy ng makita niya lahat ng regalo namin sa kanya, lalo na yung labingdalawang polo shirt na binili ko sa kanya.

"Oo nga mga anak. Tsaka kahit ako, may regalo din." natutuwang sabi naman ni mommy. Alam kong gustong- gusto niya yung bag na binili ko dahil parehas sila ng style na gusto ng asawa ko, dapat simple lang pero medyo malaki.

"Syempre naman mommy. Minsan lang kami makapunta dito sa inyo eh. Kailangan meron ka din." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Pero syempre kailangan mo pa ring magtipid anak." tugon niya. Alam ko na kung kanino talaga nagmana ang asawa ko. Hahaha...

Natawa ako sa sinabi niya "Parehas kayo ng linya sa akin ni Carrie, mommy!"

Sa may garden ulit nila kami kumain ng dinner. Pagkatapos ng dinner, nagsindi si daddy ng bonfire at nagluto kami ng marshmallow.

Umakyat muna ako saglit sa taas para tignan ang anak ko, malimbing pa rin ang tulog niya sa kwarto. Napagod talaga siya kakalaro kanina.

Humiram din ako kay mommy ng makapal na kumot tsaka ako bumalik sa may garden. Nilagay ko yung makapal na kumot sa likod ng asawa ko tsaka ako tumabi sa kanya. Sila mommy at daddy, bumalik na sa loob ng bahay kaya kaming dalawa nalang ang naiwan dito.

"Thank you" sabi niya sa akin at napangiti.

"Ayaw mo pang pumasok sa loob, mahal ko?" tanong ko sa kanya.

"Mamaya konti na. Ikaw? Baka gusto mo ng matulog, umakyat kana." mahinahong tugon niya sa akin.

"Hindi pa mahal ko tsaka I will never leave you here."

Hinawakan ko yung isang kamay niya at nagsalita, "Sobrang namiss ko 'to mahal ko. Ang totoo nyan, ayoko na nga munang umuwi sa atin eh. Kasi dito, pinaparamdam mo sa aking mahal mo ako. Kahit pagpapanggap lang."

Dito kami natulog sa bahay nila mommy at daddy tapos nitong umaga pagkatapos naming kumain ng almusal, umuwi na kami sa bahay namin.

Natulog ulit ang asawa ko ng dumating kami sa bahay at ako naman, pumasok na sa trabaho.

"Pare, kamusta?" salubong sa akin ni Christian Bautista.

"Ayos lang naman. Ikaw?" tanong ko naman sa kanya.

"Ok din. Kamusta kayo ng asawa mo?"

"Kagabi sweet siya sa akin kasi nandun kami sa bahay ng mommy at daddy niya kaya kailangan naming magpanggap." pag-amin ko sa kanya.

"Ah.. Eh ngayon?"

"Hindi ko alam kung anong magiging trato niya sa akin kasi bumalik na kami sa bahay namin. Baka back to pagiging masungit na naman at iiwasan niya na naman ako." Medyo nalungkot ako kasi baka ganoon na naman nga ang ipakita niyang trato sa akin.

"Mabuti at hindi ka nagsasawang intindihin siya?"

"Nako pare! Kung alam mo lang. Minsan nakakapagod din pero mahal ko eh. Kakayanin ko." determinado kong sabi.

"Wow naman!! Simula talaga ng naging mag-asawa kayo ni Carrie, sobrang naging mature ka." natatawang sabi ni Christian sa akin.

"Syempre naman. Marami talaga akong natutunan sa kanya."

"Hmmm.. Nga pla pare si Bella, dadating na siya bukas galing States."

"Ah..." nasabi ko nalang. Parang kinabahan ako sa binalita ng kaibigan ko sa akin.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon