Beyond Imperfections 40

11 0 0
                                    

BELLA'S POV

Nagulat ako sa sinabi ni Jeric sa akin kanina. Hindi ko alam na nakunan pala si Carrie at dito ko napagtanto lahat ng kasamaang ginawa ko. Sumira pala ako ng relasyon, ng isang pamilya dahil lang sa kagustuhan ko na mahalin ulit ako ni Jeric.

Tama siya. Pinaikot at niloko ko siya. Pinaniwala ko siya na siya ang ama nitong dinadala ko. Bago pa man ako magpunta sa Cebu, one week na akong buntis. Si Joseph Marco ang tatay nitong bata na nasa sinapupunan ko. Sikat siyang publisher ng libro dito sa Pilipinas at nakilala ko siya sa bar noong nagpunta ako sa States. Parehas kaming lasing noong may mangyari sa amin at matapos ang isang linggo, nalaman kong buntis ako. Nang sabihin ko sa kanyang buntis ako, natakot siya at hindi niya daw ako kayang mapindigan.

Iniwan ko siya sa States at bumalik ako sa Pilipinas. Noong una, plano ko lang na ipagpatuloy ang career ko dito pero habang tumatagal naaalala ko na naman si Jeric at bumabalik na naman ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya nga hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon ng malaman kong meron silang concert sa Cebu.

Plilano ko lahat noong gabing iyon. Hinuburan ko siya ng damit at hinalikan sa labi pero hanggang doon lang yun. Wala talagang nangyari sa amin. Bukod sa gusto ko siya, ginamit ko din siya para magkaroon ng ama itong batang dinadala ko.

Nagbago ang iniisip ko nitong huling uwi ko sa Amerika. Bumalik si Joseph Marco sa akin at papanindigan niya na daw ang baby namin. Hindi ko siya mahal pero matutunan ko naman siguro siyang mahalin pagdating ng panahon tsaka tama lang din naman na ipakilala ko sa anak ko kung sino ba talaga ang tatay niya at buuin ang pamilyang sinimulan namin sa pagkakamali.

Naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ang galit sa akin ni Jeric. Mali talaga ang ginawa ko. Kasalanan ko kung bakit lahat nangyari ito at kahit mahirap, maluwag kong tatanggapin kung hindi na nila ako kayang patawarin.



JERIC'S POV

Nandito pa rin ako at nakatulala dito sa may kotse ko. Sobrang galit at inis ang nararamdaman ko kay Bella. Hindi ko inexpect na aabot sa ganito ang panloloko niya sa akin. Talagang nagbago siya. Hindi na siya ang Bella na nakilala ko noon pa.

Sa kabilang banda, parang lumaya ang puso ko at nawala na ang pag-aalinlangang iniisip ko. Hindi ako ang ama ng dinadala ni Bella, ibig sabihin maayos na talaga ang problema naming mag-asawa.

Excited na akong ikwento sa asawa ko lahat ng nangyari ngayon araw na ito. Hihingi ako ng tawad sa kanya sa mga kamaliang nagawa ko at ipagpapatuloy ang pag-intindi ko sa kanya, hanggang sa bumalik yung dati. Hanggang sa mahalin niya na ako ulit.

Napangiti ako sa mga iniisip ko. Kinuha ko ang susi at nagsimulang magmaneho.

Antayin mo ako mahal ko.

Yayakapin kita ng sobrang higpit

Sasabihin ko sayo lahat ng pangyayari

Hahagkan kong muli ang mga labi mo

At ipaparamdam ko sayong mahal na mahal kita

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon