Beyond Imperfections 30

6 0 0
                                    

CARRIE'S POV

Hindi ko inamin kila Juris at Rein kung ano ang totoong nangyari. Kahit galit ako kay Jeric, ayokong maging masama nalang ang tingin nila sa asawa ko tsaka mas lalaki pa ang problema kapag nalaman nila ang totoong pangyayari. Tama na wala nalang silang alam.

Pagkaalis ng mga bisita ko, pinilit kong matulog. Alam kong gusto akong kausapin ni Jeric dahil panay ang tingin niya sa akin pero wala talaga akong ganang kausapin siya. Galit ako sa kanya. Galit ako sa kanila ni Bella. Sobrang sakit pa rin ng nararamdaman ko.

Umaga na ng magising ako. Pakiramdam ko sobrang tagal na akong nakatulog pero pagkagising ko, naalala ko na naman yung sakit ng pagkawala ng baby namin. Gising na si Jeric ng magising ako. Panay pa rin ang pagtatanong niya kung ayos lang ako, pero hindi ko pa rin siya kinakausap. Pinilit niya akong kumain kahit ayoko dahil makakasama naman daw ito sa akin at para makauwi na kami sa bahay. Ramdam ko pa rin ang pag-aalaga ng asawa ko kahit patuloy ko siyang sinusungitan.

Maya-maya konti, nagbukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang mommy Ariel ko. Nilapitan niya si Jeric tapos niyakap niya ito ng mahigpit at nang papalapit na siya sa akin, kita ko din ang lungkot sa mga mata ng mommy ko at ng yakapin niya na ako, hindi ko na napigilan kundi tumulo na naman ang luha sa mga mata ko "Kamusta na ang pakiramdam mo anak?" tanong niya sa akin habang hinihimas-himas ang likuran ko.

"Ang sakit-sakit mommy." pag-amin ko sa kanya at tuloy-tuloy pa rin ang pagluha ko. "W-wala n-na s-si b-baby m-mommy." nauutal ko pang sabi.

Lumabas si Jeric sa kwarto siguro para mabigyan na din kami ng time ni mommy para makapag-usap. "Hindi ko alam na ganito pala kasakit mommy."

"Ssshh.. Tahan na anak. Walang may ginusto sa nangyari."

"Bakit ganoon mommy? Bakit parang ako lang ang nasasaktan sa amin ni Jeric?"

"Huwag mong sabihin yan anak. Paniguradong masakit din ang nangyaring ito para kay Jeric. Siguro, pinapakita niya lang sayo na matapang siya para kumuha ka din ng lakas ng loob sa kanya. You'll get through this anak. Maging matapang ka para sa asawa mo, para kay Jerene, at para sa amin ha. Please?" pakiusap ng mommy ko.

Medyo natauhan ako sa sinabi ng mommy ko sa akin. Nang bumalik si Jeric sa kwarto, inaayos na niya ang mga gamit namin dahil pinayagan na ako ng doctor na makalabas dito sa hospital. Tama kaya ang sabi ng mommy ko na hindi lang pinapakita ng asawa ko na nasasaktan din siya sa mga pangyayari?

Nang lumbas kami sa hospital, sobrang lakas na ng ulan. Pinayungan at inaalalayan ako ni Jeric hanggang sa makasakay ako sa kotse namin.

Tahimik ang buong byahe pauwi sa bahay namin. Kapag tinitignan ko ang asawa ko, seryoso lang ang mukha niya at naka-focus lang siya sa pagdadrive. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero mabigat pa rin ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi maalis sa akin na maalala kung paano niya ako niloko at ang pagkawala ng baby namin.

Pagdating sa bahay, masaya akong sinalubong ng mga katulong namin. Masaya daw sila na nakabalik na ako sa bahay at ng makita ko si baby Jerene, nakaramdam ako ng konting gaan ng loob. Sobrang namiss ko ang anak ko. Kinuha ko siya agad kay ate Anne at niyakap ng mahigpit. Sorry anak. Hindi ginusto ni mommy na mawala ang kapatid mo. Ayan na naman, ramdam ko na naman ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Saglit lang pinakarga sa akin si baby Jerene ng asawa ko dahil baka mabinat daw ako. "Gusto mo bang magpahinga na sa kwarto mahal ko?" malumanay na tanong sa akin ng asawa ko.

"Mamaya na ma.." muntik ko ng masabing 'mahal ko' dahil nasanay talaga akong tawagin siya nun. "Jeric" pagtutuloy ko sa sinasabi ko.

Pumunta ako sa nursery room. Ito sana yung magiging kwarto ulit ng second baby namin. Nakita ko pa sa taas ng drawer yung pregnancy test na binigay ko kay Jeric noong anniversary namin. Naalala ko kung paano nalang ako naging sobrang excited ng sabihin ko kay Jeric na buntis na ulit ako. Hindi ko pa man nararamdamang gumagalaw si baby sa tiyan ko dahil ilang weeks pa lang siya, iba yung saya namin parehas ng asawa ko dahil nandun siya tapos ngayon, nawala na si baby. Iniwan na kami ng anak ko. Umiiyak na naman ako habang hawak-hawak ang pregnancy test ko.

Ramdam kong may yumakap sa akin sa likod "Ssshh.. Tahan na mahal ko. Tahan na." sabi sa akin ng asawa ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at humarap sa kanya tsaka ko pinupunas-punasan yung mga luha ko pero patuloy pa rin ang pag-agos nito sa mga mata ko. "Wala na si baby, Jeric."

"I'm sorry mahal ko. I'm sorry. This is all my fault." paghingi niya ng tawag.

Bumitiw ako sa pagkakayap niya "Sorry Jeric? Hindi mababalik ng sorry mo ang anak natin!" tumataas na naman ang boses ko at nailabas ko nalang bigla yung galit ko sa kanya. "Ang sakit-sakit Jeric." Patuloy ako sa pag-iyak at iniwan ko siya doon sa nursery room. Pumunta na ako sa kwarto namin at humiga sa kama. Gusto kong umalis. Gusto ko sanang bumalik muna sa bahay nila daddy at mommy pero hindi ko magawa. Iba na ngayon dahil may anak na kami, nandyan na si baby Jerene. Hindi naman pwedeng takbuhan ko nalang basta-basta ang problema at umalis nalang kasi hindi na ako masaya.

Palipat-lipat na ako ng posisyon sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi na dapat ako nagsalita kay Jeric at kininkim ko nalang sana yung sama ng loob na nararamdaman ko. Alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko.

Dalawang oras na din ang nakalipas at hindi pa bumabalik sa kwarto namin si Jeric. Saan kaya nagpunta ang asawa ko? Nagsuot ako ng robe at nag-tsinelas. Sumilip ako sa may nursery room pero wala na siya doon. Nagpunta ako sa may sala, banyo at kusina namin pero hindi ko din siya nakita. Kinabahan ako. Saan nga kaya siya nagpunta? Siya pa ang may ganang iwan ako? Baka naman nagpunta siya sa Bella na yun? Kung anu-ano na naman ang naiisip ko.

Bumalik ako sa may kwarto namin at binuksan ko yung pinto papunta sa terrace nito. Paupo na ako sa may couch ng mamataan ko ang asawa ko na nasa may garden. Tahimik akong pinagmasdan siya. Malayo man siya sa akin pero nararamdaman ko ang lungkot niya. Naka-sideview siya sa akin at teka parang umiiyak siya? Tama nga ang hinala ko. Umiiyak ang asawa ko. Kung hindi ako nagkakamali, pangalawang beses ko pa lang siyang nakitang umiyak. Yung first time noon, nangyari noong kinasal kami at ito yung pangalawang beses. Tama nga ang sabi ng mommy ko. Pinapakita niya lang na matapang siya pero ang totoo, nasasaktan din siya sa mga pangyayari.

Hindi ko namalayan kung anong oras na siya bumalik dito sa kwarto namin pero ramdam kong inayos niya pa ang kumot ko at hinalikan niya pa ako sa pisngi bago siya natulog.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon