JERIC'S POV
Nagulat ako ng mabagsak ng asawa ko yung puting box na hawak-hawak niya at ng yumuko ako para pulutin ito, nakita kong nagkalat sa sahig yung mga litrato namin ni Bella.
"Anong ibig sabihin nito Jeric?!" mataas at nanginginig ang boses niya. Pagtingin ko sa kanya, nakita ko na tumutulo ang luha sa mga mata niya, "You're cheating on me!! Kala ko ba wala na talagang namamagitan sa inyo ni Bella?!!!"
"Wala naman talaga mahal ko eh." tumayo ako para hawakan siya pero nagpupumiglas siya. "Hon, let me explain." malumanay pa rin ang pagkakasabi ko at nahawakan ko na siya sa braso.
"Explain?? Ano pang explanation dito Jeric?!! Kitang-kita naman ng dalawang mata ko ang nangyari di ba? Bitawan mo nga ako!!" at inalis niya ang mga kamay ko.
"I was set-up by Bella!" napataas na ang boses ko kasi hindi siya nakikinig sa akin.
"Ah..." tumango-tango siya at naiinis, "Kaya pala wala kang nakwento sa akin na nasa Cebu din si Bella di ba?!!"
"Bakit kailangan ko pang ikwento sayo?"
"Ah siguro kasi asawa mo ako Jeric! Siguro mas magandang malaman kung ano ang ginagawa at sino ang mga kasama ng asawa ko di ba?" may pagka-sarcastic niyang sabi.
"Yan! Yan ang dahilan kaya hindi ko sinabi sayo, kasi magiging issue sa atin 'to. Tsaka, bakit pa? She doesn't matter to me."
"Uhmm!!! Kaya pala umabot kayo sa kama ng naka-hubo't hubad?!!"
"Walang nangyari sa amin, Carrie. Paniwalaan mo naman ako." patuloy pa rin ang pagpapaliwanag ko sa kanya tsaka kahit wala akong maalala noong gabing iyon, alam ko talaga sa sarili ko na walang nangyari.
"Huwag mo akong gawin t*nga, Jeric!!"
"Honey, hindi kita niloloko. Please calm down. Makakasama yan sayo at sa baby natin." patuloy pa rin ang pag-iyak niya. Naiinis ako sa sarili ko! Ako ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang asawa ko. Hindi ko siya masisisi. Sino nga bang maniniwala na wala talagang nangyari sa amin ni Bella eh sa ebidensiya palang eh talong-talo na ako? Hindi ko rin mapagkatiwalaan ang memorya ko dahil hindi ko talaga maalala lahat ng nangyari noong gabing iyon. Alam ko lang na gusto kaming paghiwalayin ni Bella kaya niya ito ginagawa sa amin ng asawa ko.
Nagwalk-out siya at nag lock ng pinto sa kwarto namin.
"Hon, buksan mo 'tong pinto." panay pa rin ang pagkatok ko sa pinto at rinig ko pa rin ang pag-iyak niya mula dito. Parang dinudurog ang puso ko.
Hindi ko naman makita yung susi ng kwarto namin kaya hindi ko din mabuksan yung pinto.
* Manager Sandy calling...
"Jeric, na saan kana ba? Late ka na sa meeting natin." ramdam ko din ang inis sa tono ng boses ng manager ko.
"Saglit lang Sandy. Papunta na ako." pakiusap ko sa kabilang linya. Hindi na sana ako papasok kaso importante yung meeting namin ngayon.
"Bilisan mo. Kanina pa kami nag-iintay sayo. Anong oras na?!"
"Sige, sige na." wala akong nagawa kundi i-end ang call.
"Honey, please open the door. Mag-usap tayo." patuloy pa rin ang pagkatok ko sa pinto pero hindi niya pa rin ako pinagbubuksan. "Hon, please." Halos 30 minutes na akong nangugulit sa kanya pero ayaw niya pa rin akong kausapin. "Hon, may meeting pa ako sa office." pinapakiramdaman ko pa rin siya. "Papasok na ako. Mag-usap tayo mamaya pagkauwi ko." Ayaw niya talagang buksan. Wala na akong nagawa kundi umalis ng bahay.
CARRIE'S POV
Ang sama-sama ng loob ko sa mga pictures na nakita ko kanina at patuloy pa rin ang pag-iyak ko. Hindi ko akalain na niloloko ako ng asawa ko.
"Baka naman totoo yung sinasabi ni Jeric. It was all set-up by Bella. Kasi nga hanggang ngayon, mahal pa rin ni Bella ang asawa ko." parang yan ang sinisigaw ng puso ko.
"Pero hindi pa ba obvious sa mga litratong nakita mo na niloloko ka lang niya? Huwag kang maging t*nga, Carrie." pagkalaban naman ng isip ko.
Hindi ko talaga ma-explain yung nararamdaman ko. Umiyak ako ng umiyak dito sa kwarto namin. Patuloy pa rin ang pangungulit ni Jeric na buksan ko yung pinto, pero ayaw ko na muna siyang kausapin. Ang sakit isipin na wala man lang siyang nakwento sa akin na nagkita sila ni Bella sa Cebu tapos ngayon aalis nalang siyang bigla at iiwan ako ng may problema kami. Hindi naman siya ganyan dati eh, hindi siya agad sumusuko kapag nag-aaway kami at kahit man lang "Sorry" hindi ko narinig sa kanya ngayon. Totoo ba talagang pinagpalit niya na ako sa babaeng yun? Na talagang mas gusto niya si Bella? Na nagsasawa na siya sa relasyon namin? Halo-halong tanong ang tumatakbo sa isip ko at patuloy pa rin ang paglandas ng mga luha sa mga mata ko.
Maya-maya pa'y sumakit ang tiyan ko at nararamdaman kong naninigas ito. Pinilit kong ikalma ang sarili ko dahil alam kong makakasama ito para kay baby. Humiga ako sa kama at hinimas-himas ko ang tiyan ko habang kinakausap ko ito, "Anak, pasensya kana." pahikbi-hikbi kong sabi. Ilang minuto pa ang nagdaan hanggang maging normal ulit ang nararamdaman ko. Mabuti nalang at mabait ang anak ko. Na guilty ako sa sarili ko dahil alam kong na stress ang anak ko sa ginawa ko.
Nagising na si baby Jerene at tahimik lang siyang naglalaro. Tinataas-taas niya yung mga kamay at paa niya. Nang puntahan ko siya sa kanyang crib, napangiti siya sa akin. Natuwa ako sa anak ko. Parang nabawasan yung sakit na nararamdaman ko kanina ng makita ko siyang nakangiti sa akin. Hinawakan ko yung maliit niyang kamay at nilaro-laro ko siya. Mabuti nalang nandito ang anak ko.
♫Of all the things I've ever done
Finding you will prove to beThe most important one ♫
Rinig kong tunog ng cellphone ko. Pagtingin ko sa screen, nakita kong si Jeric ang tumatawag. Agad kong pinindot ang cancel button. Ayaw ko na muna siyang kausapin. Galit pa rin ako sa kanya. Tumatawag ulit siya pero ganoon pa rin ang ginawa ko. Maya-maya pa'y nakareceive ako ng text message galing sa kanya.
│I'm sorry mahal ko. ☹│ Parang nanlambot ang puso ko kasi yan yung iniintay kong sabihin niya sa akin kanina pa. Ang gulo-gulo pa rin ng isip ko kaya minabuti ko nalang na huwag magreply sa kanya at tinuon ko ang buong araw ko sa pag-aalaga sa anak ko.
BINABASA MO ANG
Beyond Imperfections (Book 3)
RomanceBook 3: Jeric Tan and Carrie Geronimo Love Story "Will you still choose love beyond imperfections?"