Beyond Imperfections 33

5 0 0
                                    

JERIC'S POV

Nakauwi na ako dito sa bahay namin. Hindi ko pa rin makalimutan na tinawag ulit ako ng asawa ko ng "mahal ko" kahit alam kong napipilitan lang niya sabihin yun, natutuwa ako kasi pakiramdam ko unti-unti ng naayos yung relasyon namin. Sana...

Binuksan ko yung TV sa may sala at humiga muna ako dito sa sofa. Nakakapagod din yung fan signing event kanina. Maraming fans din yung nagpunta para kumuha ng autograph ko. Natutuwa ako kasi iba't-ibang age range yung sumali sa event at kahit may asawa na ako at anak, masaya pa rin ako dahil hindi nawala ang suporta ng fans ko sa akin.

"Oh nandito kana pala." parang nagulat ako ng makita si Carrie. Hindi ko inexpect na nandito na sila ni baby sa bahay. Pinagupitan ng asawa ko yung mahabang buhok niya. Alam niyang sobrang gusto ko yung tuwid at mahabang buhok niya pero yung bagong gupit niya ngayon, bagay na bagay din sa kanya. Parang mas naging blooming ang asawa ko, bagay din pala sa kanya ang maikling buhok na may highlights.

Natulala talaga ako sa kanya at hindi ko mapigilan ang sarili ko na lapitan siya. "Bagay sayo yung gupit mo mahal ko." tinitigan ko yung mga mata niya at hinimas yung ulo niya.

Natuwa ako kasi parang kinilig siya sa ginawa ko, "Thank you" nasabi niya nalang at namumula na ang mukha ng asawa ko. "K-kumain k-ka n-na b-ba?" parang nagtanda-bulol-bulol na sabi niya at iniba niya ang topic. I know it. Kinilig talaga siya sa ginawa ko.

"Hindi pa eh. Gutom na nga ako." pag-amin ko sa kanya. Hindi kasi ako nakakain ng ayos kanina noong nagsimula yung event.

"Sige, maghahain na ako." sabi niya at nagmamadaling umalis sa harap ko. "Sabay na tayong kumain." habol ko sa kanya.

Tumingin siya ulit sa akin at nginitian ko siya. Aw! That beautiful face mahal ko! That is still one of the reasons why I keep falling for you.

"Sige" nasabi niya nalang pero itong puso ko gusto ng matatatalon sa saya.

* * * * * * *

Maaga akong nakatulog kagabi. Napagod talaga ako sa event kahapon, mabuti nalang at wala akong pasok ngayon. Nandito pa rin ako sa kama namin at nakahiga. Pinagmamasdan ko ang magandang mukha ng asawa ko na nakaharap sa akin.

Nagulat ako dahil gumalaw siya. Akala ko magigising na siya. Unti-unti siyang napunta malapit sa pwesto ko at napalapit ang ulo niya sa may dibdib ko. Ang tagal ko ng namimiss ang sweetness ng asawa ko sa akin. Kelan nga kaya mawawala ang galit niya sa akin?

Inayos ko yung pwesto ng pagkakahiga ko at ipinatong ko yung ulo niya sa may braso ko para hindi siya mahirapan tsaka ko mas nilapit ang sarili ko sa kanya. Wala siyang kamalay-malay at dinantay niya ang kamay niya sa akin na parang nakayakap. Natuwa ako. I really miss this. Totoong bagay sa kanya ang ayos ng buhok niya ngayon, ganoon pa rin ang haba ng kanyang mga pilik-mata, sobrang kinis pa rin at ang puti-puti pa rin ng kutis niya.

Maya-maya konti, naramdaman kong nagising na siya. Alam kong nagulat siya dahil sa ayos ng pwesto niya na malapit sa akin "I'm sorry." bigla niya nalang nasabi at agad na napaupo sa kama.

Napatawa ako sa ginawa niya "Ok lang mahal ko. I won't mind kung nasanay kang matulog na nakayakap sa akin." pang-aasar ko sa kanya. Totoo naman eh, gustong-gusto ko nga kapag ganito siya sa akin.

"Puro ka talaga kalokohan Jeric!" pagsusungit niya. "Wala kang trabaho ngayon?" tanong niya sa akin.

"Wala... Kaya pwede mo akong yakapin buong araw." tsaka ako ngumiti ng nakakaloko.

"Tigilan mo nga ako Jeric." naiinis na sabi niya at binato ako ng unan.

"Hey! I'm serious here." natatawang sabi ko sa kanya. Natuwa ako kasi ang sarap talagang asarin ng asawa ko. Pakiramdam ko nawawala ang galit niya sa akin kapag binibiro ko siya.

Nagising na si baby Jerene. Kinarga ko siya at dinala sa may playground ng bahay namin. Marunong na siyang gumapang at nakakatayo na din siya kapag inaalalayan.

Doon ko siya nilagay sa inflatable swimming pool na punong-puno ng marami at iba't-ibang kulay na bola. Ramdam kong masaya ang anak ko. Hinahawakan niya yung mga bola at binabato.

"Anak, this is color yellow." sinasabi ko sa anak ko habang hawak-hawak ko ang bolang kulay dilaw.

Kumuha ulit ako ng bola "This is color blue" pinakita ko ulit sa kanya.

"Blu.. blu.. blu..." inuulit-ulit niyang binibigkas at tuwang-tuwa na kinukuha yung bola sa akin at nilalaro ng kamay niya. Natuwa ako sa anak ko kasi ginagaya niya yung sinasabi ko. Mabilis makaintindi ang anak ko, sa murang edad niya ramdam kong matalino talaga siya at bibo. Tulad ngayon, hindi pa man siya tuluyang nakakapagsalita pero mabilis siyang makapagpick-up at matututo.

Kinarga ko ulit ang anak ko at tinataas sa ere. Panay ang hagikgik niya. Sobrang nakakagigil ang anak ko, hinalik-halikan ko siya sa pisngi.

Basang-basa na ng pawis ang anak ko kaya minabuti ko ng bumalik sa bahay. Paniguradong magagalit ang asawa ko kapag natuyuan ng pawis si baby Jerene sa likod. Pagpasok sa bahay, sumama na agad si baby sa mommy niya. Wala talagang tatalo sa closeness ng mag-ina ko.

Umakyat naman ako sa kwarto at kumuha ng damit at towel para kay baby. Inaalalayan ko ang anak ko habang pinalitan siya ng damit ng mommy niya.

"Bango na ulit ng baby ko." sabi ko sa anak ko habang hinahalik-halikan ko na naman ang pisngi niya. Nakakapangigil talaga ang anak ko.

"Anong ulam natin sa lunch mahal ko?" tanong ko sa asawa ko.

"Ikaw? Ano bang gusto mo?" bumalik na naman ang coldness ng asawa ko. Seryoso na naman siyang makipag-usap sa akin.

"Hmmm... Namimiss ko ng kumain ng steak na luto mo." Yes! I'm craving sa pinakamasarap na steak na natikman ko sa buong mundo.

Yun nga ang niluto ng asawa ko para sa tanghalian namin. Ang saya-saya ko kasi ang tagal ko ng hindi ulit nakakain nito.

Ako yung nag-ayos ng lamensa namin at nang kakain na kami, hiniwa ko na agad yung steak sa maliliit na piraso at tsaka ko binigay sa asawa ko yung plato ko para hindi na siya mahirapang kumain.

Nagulat siya sa ginawa ko. Hindi ko naman kasi ito ginagawa sa kanya dati.

"Thank you" nasabi niya nalang sa akin at ngumiti naman ako sa kanya.

Tinikman ko na ang steak na niluto niya "Hay... Wala pa ring pinagbago. Sobrang sarap pa rin ng steak na niluto mo mahal ko." wika ko habang ninanamnam ko ang sarap ng kinakain ko. Still the best! Favorite ko talaga ito sa lahat ng dish na lutuin niya sa akin.

"Birthday pala ni daddy bukas. Kaya pupunta ako dun ha kasama si Jerene." paalam niya sa akin. Bukas pala ang birthday ni daddy Fred, ang tatay ng asawa ko. Nakalimutan ko na sa sobrang raming trabaho eh.

"Ah... Pwede ba akong sumama?" tanong ko sa kanya.

"Wala ka bang trabaho bukas?"

"Wala, sasama na ako ha para mabati ko naman si daddy ng personal." pagpupumilit ko para wala na din siyang magawa.

"Ikaw bahala."

Ngingiti-ngiti ako kasi kapag nagpunta kami sa bahay ng parents niya, kailangan niyang magpanggap na sweet siya sa akin.

Habang patuloy pa rin ang pagsubo niya ng pagkain, napansin kong merong sauce sa gilid ng kanyang labi kaya naman kumuha agad ako ng tissue at pinunasan ko ito.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon