Beyond Imperfections 26

5 0 0
                                    

CHRISTIAN'S POV

Hindi maipinta yung mukha ni Jeric ng lumabas sa studio at ako agad ang pinuntahan niya. Kinuwento niya sa akin yung sitwasyon ni Bella at nagulat ako sa lahat ng nalaman ko. Mabuti nalang nakauwi na ang manager namin na si Sandy kung hindi baka nahimatay na yun sa mga pangyayari.

Nakiusap sa akin si Jeric na samahan ko silang dalawa ni Bella sa ob-gyne para hindi din maghinala yung doctor na titingin kay Bella at sa rami-rami ng doctor na pwede naming puntahan, ob-gyne ni Carrie ang napili ni Jeric. Ang galing din nitong kaibigan ko eh. May tiwala na daw siya kay Dra. Marquez tsaka hindi pwedeng kung saan nalang ipacheck-up si Bella kasi alam naman ninyo ang media. Mahirap na at paniguradong headline 'to agad sa mga dyaryo.

"Hello Mr. Tan!" masayang bati ng doctor ng makita ang kaibigan ko.

"Good morning po Dra. Marquez!" bati ng kaibigan ko sa doctor at pilit na ngumiti. Ramdam ko ang kaba ni Jeric eh. Hindi talaga maipinta yung mukha niya.

"Kamusta ang magandang asawa mo?" tanong ng doctor sa kanya.

Napatingin si Bella sa doctor. Mabuti nalang at tahimik siya. Siguro, kinakabahan din siya sa gagawing test sa kanya ngayon.

"Ayos naman po doctora. Nasa bahay po." malumanay pa ring sagot ni Jeric. "Nga po pala doctora, ito po sila Christian at Bella." pinakilala niya kami sa doctor tsaka niya sinabi yung pakay namin, "Gusto pong malaman ni Bella kung buntis po talaga siya."

"Ah oh sige. Showbiz secret din ba ito Mr. Tan?" medyo excited na tanong ng doctora. Tapos tumingin sa amin.

"Ah eh opo." nasabi nalang ni Jeric sabay kamot ng ulo. Nako doctora! Kung alam lang talaga ninyo ang mga nangyayari. Matinding showbiz secret talaga 'to kapag nagkataon.

Pumasok na si Bella dun sa maliit na kwarto at sinundan naman siya ng doctora para matignan. Naiwan kaming dalawa ni Jeric sa labas.

"Paano kung buntis talaga siya?" tanong nalang bigla sa akin ng kaibigan ko. Naaawa talaga ako sa itsura niya. Sobrang seryoso at kinakabahan. Malayong-malayo sa masiyahin at malokong Jeric na kilala ko.

"Baka naman arte lang ni Bella lahat ng 'to. Tahimik na din siya kanina ng papunta tayo eh. Baka kinakabahan na siya na mabubuko na siya." pagpapagaang ko ng loob sa kaibigan ko.

"Sana nga totoo lahat ng sinabi mo." tsaka siya napabuntong-hininga.

"May nangyari ba talaga sa inyo noon sa Cebu?"

"Wala talaga akong maalala eh. Ilang beses ko ng inisip yan, pero hindi ko talaga maalala lahat ng nangyari. Sa sarili ko, alam ko wala. Pero ewan, naguguluhan talaga ako eh." pag-amin niya sa akin.

Lumabas na yung doctora kasama si Bella. Napatayo kami bigla ni Jeric.

"Congratulations! She's pregnant." nakangiting salubong sa akin ng doctora at kinamayan ako. Parang nag log pa ang isip ko sa narinig ko. Paglingon ko kay Jeric, hindi ko talaga maipaliwanag yung itsura niya.

"I've told you. Buntis ako." sabi ni Bella. Mabuti nalang at magkatabi kami ni Jeric. Hindi mararamdaman ng doctora na para kay Jeric talaga yung sinabi niya.

Kinausap kami ng doctora. Si Jeric, tahimik lang at blangko talaga ang expression ng mukha. Ramdam kong lumilipad ang isip niya.

"Sorry doc, pero pwedeng malaman kung paano yung processo ng paternity test?" tanong ko sa doctora. Lahat sila napatingin sa akin. Mukhang ikinagulat nila ang tanong ko. Syempre, kailangan kong tulungan ang kaibigan ko. Gusto kong makasigurado na anak niya talaga ang dinadala ni Bella at hindi siya nito niloloko.

Siguro kung anu-ano ng iniisip ni doctora sa akin at nagdududa na siya sa pagkatao ko, pero hayaan na. Kailangan ko 'tong gawin para sa kaibigan ko.

"Maraming procedure yung paternity test. Pero pinakabilis malaman kung anak mo nga talaga yung bata is through non-invasive prenatal paternity." pag-iexplain ng doctora.

"Pwede ba yang gawin doc kahit hindi pa siya nanganganak?" singit ni Jeric sa usapan namin.

"Pwede. Kapag nag 8 weeks na yung bata sa tiyan niya, we can already perform the test."

Lumabas na kami sa clinic ng doctor at naka-akbay lang ako kay Jeric. Tahimik lang siya paglabas namin at ang lalim ng iniisip.

"Don't tell me kailangan mo pang ipa-paternity test 'tong anak mo!" wika ni Bella habang naglalakad kami.

"I want to do it. Just to make sure na anak ko nga talaga yang dinadala mo." sagot naman ni Jeric sa kanya.

"I don't believe you Jeric! Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin?!" mataas na naman ang boses ni Bella.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon