CARRIE'S POV
Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog kagabi dahil na rin sa pagod ko sa party. Paggising ko, wala na sa tabi ko si Jeric. Umupo ako sa may gilid ng kama at nakita kong may maliit na papel na nakaipit sa may lampshade.
{Good morning misis ko! Didn't wake you up. Nagjogging lang ako saglit. Nawawala na kasi ang abs ng asawa mo eh. Hahaha. Let's have breakfast later. I love you mahal ko. -♥ Ang gwapong-gwapong asawa mo.}
Natawa ako sa note ng asawa ko. Yung mga gantong ginagawa niya, hanggang ngayon hindi ako nagsasawa at kinikilig pa rin talaga ako. Masaya akong nagpunta sa kusina namin at naghanda ng breakfast.
Pagkatapos noon, lumabas ako sa may garden at inantay ko siya. Malayo pa lang natatanaw ko na ang asawa ko. Nakasuot siya ng black na shorts at puting sando na basang-basa na sa pawis. Kitang-kita ang laki ng balikat niya sa suot niyang damit at parang nag x-ray vision ang mata ko sa abs niya. Hahaha. Hindi naman siya gaanong mataba eh. Machong-macho pa rin. Sinuklay niya yung buhok niya gamit yung isang kamay niya at ng makita niya na ako, kumaway siya at nakangiting lumapit sa akin.
"Good morning mahal ko." nakangiti kong bati sa kanya. Kinuha ko yung towel sa may balikat niya at pinunasan ko yung pawis sa mukha niya. "I love you" sabi ko sa kanya tsaka ko siya hinalikan sa labi.
"I love you too mahal ko." nakangiti niyang sagot sa akin. "Good morning baby." hinimas niya ang tiyan ko tsaka hinalikan din ito. "Tulog pa si Jerene, mahal ko?" tanong niya.
"Oo mahal ko. Lika na, kain na tayo ng breakfast." yakag ko sa kanya at magkaholding hands kaming nagpunta sa may kusina namin.
Kumakain na kami ng asawa ko ng may narinig akong kumakatok sa pinto sa may sala namin, "Ma'am Carrie! Ma'am Carrie!" alam kong boses yun ni ate Anne, isa sa mga kasambahay namin.
Dahan-dahan akong tumayo sa hapag kainan at binuksan ang pintuan. Tama nga ang hinala ko. "Oh ate Anne, bakit po? May problema ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Wala po ma'am. May nagpapabigay lang po nito sa inyo." tsaka niya inabot ang maliit na puting box na may pulang ribbon. Meron itong card na ang nakasulat lang ay: To: Ms. Carrie.
"Kanino daw galing ate?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Wala kasing nakalagay kung kanino galing yung regalo.
"Hindi ko din alam ma'am eh. Dineliver lang po kanina ng tiga-LBC"
"Ah.. Sige ate, maraming salamat po. Sabayan mo na muna kami ni Jeric mag-breakfast." anyaya ko sa kanya.
"Hindi na ma'am. Tapos na rin po ako. Salamat po." nakangiti niyang sabi tsaka umalis at pinagpatuloy ang pagdidilig niya ng halaman sa garden.
Bumalik ako sa may kusina dala-dala yung regalo.
"Ano yang mahal ko?" curious na tanong ng asawa ko ng makita ang dala ko.
"Regalo mahal ko eh. Ang weird kasi walang nakalagay kung kanino galing." iniikot-ikot ko yung box pero wala talagang nakalagay kung sino ang nagbigay.
"Baka naman na late lang ipadala yan kahapon sa binyag ni Jerene."
"Baka nga mahal ko." tsaka ko tinanggal yung pulang ribbon at binuksan yung box.
Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko ng makita ko ang laman ng box. Nanghina ako, nakaramdam ako ng sobra-sobrang galit. Parang sinasaksak ang puso ko sa sakit. Hindi ko na control ang sarili ko, nabitawan ko yung box at unti-unti ng tumulo ang luha sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Beyond Imperfections (Book 3)
RomanceBook 3: Jeric Tan and Carrie Geronimo Love Story "Will you still choose love beyond imperfections?"