Beyond Imperfections 2

24 0 0
                                    

CARRIE'S POV

Inalalayan ako ng asawa ko pagbaba sa kotse niya. Nandito kami ngayon sa tapat ng Bon Appetit restaurant. Hindi ko makakalimutan ang restaurant na ito kasi dito ko nakilala si Jeric. Dito ko nakilala ang crush ko, naging boyfriend ko, asawa ko at ngayon ay ama ng anak ko. Sobrang swerte ko talaga! Daig ko pa nanalo sa Lotto eh. Hahaha.

Habang papunta kami sa garden ng restaurant, napansin kong yung dadaanan namin merong mga petals ng red roses at yung gilid ng pathway, merong mga scented candles na nakaayos ng sunod-sunod makarating mismo sa garden. Yung walls naman ng restaurant, punong-puno ng puting Christmas lights na nagpaliwanag pa lalo ng paligid. Tahimik sa lugar at tanging naririnig ko nalang eh yung tubig na umaagos galing sa fountain.

"You're still full of surprises, mahal ko." nasabi ko nalang sa asawa ko habang naglalakad kami.

Ngumiti siya sa akin. Omo! Yang ngiting yan talaga! Nakakapagpadagdag talaga ng kilig eh. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko.

"Anything for you mahal ko." tsaka niya tinignan ng seryoso ang mga mata ko.

Oh my goodness! Para pa rin akong teenager kapag kinikilig sa mga ginagawa ng asawa ko. Talagang pinaghandaan niya ang first anniversary namin. Hindi talaga siya nauubusan ng idea para pakiligin ako.

Nang makarating na kami sa garden, inilatag na niya yung makapal na tela sa damo at tinulugan ko siyang ayusin yung mga pagkain namin.

Inalalayan niya akong makaupo at siya na mismo ang nagtanggal ng suot kong sapatos para maging comfortable naman daw ako. Tsaka niya hinubad ang suot niyang coat at inilagay sa likod ko.

Kumain kami ng sandwich habang tinitignan ang kalangitan. Ang raming stars sa langit. Nakakatuwang pagmasdan.

"Thank you hon for everything. Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako sa mga ginagawa mo para sa akin." pag-amin ko sa asawa ko habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Mabuti naman hon, umamin ka ding kinikilig ka sa lahat ng ginagawa ko para sayo." pang-aasar niya sa akin.

"Hey mister! Kapal ng mukha ha!" tsaka ko bahagyang siniko ang tagiliran niya. "Pero seryoso mahal, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang asawa na kita at may anak na tayo."

Pinisil niya ang pisngi ko.

"Ouch!! Ang sakit Jeric ha!" tsaka ko siya tinampal sa likod.

"Oh ayan ha! Para marealize mo na totoong asawa mo yung taong crush na crush mo dati."

"Yabang talaga ng mister ko!"

"Sus! Na sobrang mahal na mahal mo." kinindatan niya ako tapos ngumiti na naman siya sa akin na nakakaloko. Grabe! Nagwawala na naman ang dragons sa tiyan ko. "May kakantahin pala ako sayo, mahal." dagdag niya pa tsaka kinuha niya yung guitara niya at sinimulang tumugtog.

♫ All my life, without a doubt I give you
All my life, now and forever till the
Day I die, you and I will share

All the things this changing world can offer
So I sing, I'd be happy just to
Stay this way, spend each day, with you♫

Simula niyang pagkanta habang nakatingin sa mga mata ko. Grabe talaga! Lahat na naman ata ng dugo ko pumunta na sa mukha ko. Sobrang pula ko na siguro ngayon. Iba talaga magpakilig ang mahal ko eh.

♫ There was a time, that I just thought
That I would lose my mind
You came along and then the sun did shine
We started on our way
I do recall that every moment spent
Was wasted time but then I chose to lay it on the line

It would have passed away
It would have passed away
It would have passed away♫


Sa sobrang ganda nung pagkakakanta ng asawa ko, yung sumunod na lyrics sinabayan ko siya.

♫ All my life, I will carry you through
All my life, between each hour of the passing days
I will stay with you♫

Napalapad pa ang ngiti niya sa akin.

♫There was a time, that I just thought
That I would lose my mind♫

Hindi na siya kumakanta at tumutugtog nalang siya ng gitara.

"Mahal, bakit hindi kana kumakanta?" tanong ko sa kanya. Enebe! Nahihiya na tuloy ako.

"Gusto kong pakinggan maigi ang boses mo hon. You really have a good singing voice."

"Bolero ka pa rin hanggang ngayon, mahal!" natatawa kong sabi sa kanya.

"At sobrang swerte ko kasi ako lang ang nakakarinig kapag kumakanta ka." seryosong sabi niya. "Dali na, tapusin na natin yung kanta." pagpupumilit niya tsaka niya tinuloy yung paggigitara.

"Sabayan mo na kasi ako."

"Ok, ok. Sige na."

♫ You came along and then the sun did shine
We started on our way
I do recall that every moment spent
Was wasted time but then I chose to lay it on the line

I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I have wanted this all my life ♫

"I wanted you all my life, mahal ko." pagtatapos niya sa kanta. Yung seryoso niyang mata na nakatingin sa akin habang sinasabi niya yan.. Grabe talaga! Sobrang swerte ko.

"Thank you talaga mahal ko. Pinasaya mo talaga ako." pag-amin ko sa kanya. "Tsaka mas gusto ko talaga kapag ginagawan mo ng sariling version ang mga kanta." Seryoso, kapag gusto ko yung kanta tapos kinanta pa ng asawa ko, parang mas nagugustuhan ko. Bias masyado pero wala eh, syempre ako ang number one fan niya. "Nga pala mahal yung pagbubuntis ko, pwede bang sa binyag nalang ni Jerene natin sabihin? Gusto ko ding I surprise sila mommy eh." pag-papaalam ko sa kanya.

"Sige mahal. Mas maganda yun, double celebration" nakangiti niyang pag sang-ayon sa akin.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon