CARRIE'S POV
Masaya akong nagkaayos na kami ng asawa ko. Pinatunayan niya noon pa man na mas importante kami ng anak ko kaysa sa trabaho niya.
Ramdam ko din ang pagiging mabuting ama niya. Nakatulog na nga siya sa pagod kakabantay sa anak namin. Nilagyan ko na muna siya ng kumot habang natutulog sa may sofa.
Tapos umalis na muna ako para bumili ng pagkain namin. Pagbalik ko sa hospital, nasalubong ko ang tatay at nanay ko.
"Daddy, mommy." nakangiting bati ko sa kanila at nakipagbeso-beso. Hindi ko expected na pupunta sila dito.
"Kamusta anak? Kamusta ang apo namin?" nag-aalalang tayong ni mommy.
"Ayos naman na mommy. Bumaba na yung lagnat niya kanina."
"Si Jeric? Na saan?" paghahanap ng daddy ko sa asawa ko.
"Nasa loob dad."
Pumasok na kami sa kwarto kung saan naka-confine ang anak ko at nakita nilang natutulog si Jeric.
"Pasensya na po, tulog pa si Jeric. Napagod yan kababantay kay Jerene kanina." pagpapaliwanag ko sa mga magulang ko.
"Nakakatuwa ang asawa mo anak. Sobrang maalaga." mahinang sabi ng mommy ko habang tinitignan ang asawa ko.
"Opo mommy, umuwi siya agad kanina noong sinabi kong may sakit ang apo ninyo."
Mahina na ang mga boses namin sa pag-uusap pero nagising pa rin ang asawa ko. Bigla siyang napatayo ng nakita niya ang mga magulang ko.
"Mommy, daddy, nandito po pala kayo." parang naalimpungatan pa siya. Nakipagbeso-beso naman siya kay mommy at tinapik naman ng daddy ko ang balikat niya.
"Kanina pa po kayo?" magalang na tanong niya sa mga magulang ko.
"Hindi naman masyado anak." si mommy ang sumagot.
Masaya silang nagkwentuhan ng mga magulang ko. Si daddy, nakakagulat kasi naging interesado siyang tanungin ang asawa ko tungkol sa trabaho niya. Si mommy, as ever, super supportive sa career ng asawa ko. Medyo gabi na rin ng umalis dito sila mommy.
* * * * * * *
Kinaumagahan iniwan na muna ako ni Jeric dito sa kwarto, magse-settle na muna daw siya ng hospital bills namin. Pinayagan na nilang makalabas ang anak namin ngayon. Nawala na kasi ang lagnat nito at pwedeng sa bahay nalang ituloy ang pag-inom ng gamot.
Pumunta sa kwarto si Dr. Monteverde. Siya yung pinalit na doctor pansamantala dahil merong importanteng meeting yung pedia namin. Medyo matangkad ito at maputi. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang lab gown.
Tinignan niyang muli ang anak ko. Sinuri ang body temperature nito at pinaliwanag sa akin yung mga reseta na binigay niya para kay baby.
"Mahal ko, nandito na ako." excited na bati ng asawa ko na may bitbit na mga grocery bag. Siguro dumaan pa siya sa market bago bumalik dito sa hospital.
Napatigil si Dr. Monteverde sa pag-iexplain. "Ah honey, si Dr. Monteverde pala." nakangiting pagpapakilala ko sa doctor kay Jeric. "Dr. Monteverde si Jeric po, asawa ko."
Nakipagshake-hands naman ang asawa ko sa doctor. Pagkatapos, umupo siya sa may sofa.
Pinagpatuloy naman ni Dr. Monteverde yung mga paalala niya kanina. Nakakatuwa siyang mag-explain, sobrang friendly at natural lang kaya mas mabilis maintindihan.
Pagkaalis ng doctor agad tumayo si Jeric. "Huwag kang ngumiti." sabi niya sa akin.
"Ha? Bakit? What's wrong with my smile, mahal ko?" naguguluhan ako sa inuutos niya.
"Don't show your pretty smile to other men. Nagmamadali akong bumalik dito tapos makikita kong nakikipag-ngitian ka lang sa doctor na yun. I am very upset Carrie." dire-diretso niyang sabi.
Hindi ko alam kung matatawa ako o magagalit habang nakikinig sa mahabang explanation niya eh. Nginitian ko siya at hinalikan ko agad yung labi niya. "Nagseselos na naman ang mister ko oh." tapos pinisil ko yung pisngi niya.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Seloso ka pa rin hanggang ngayon mahal ko. Alam mo namang sayo lang ako eh." pag-aassure ko sa kanya.
Pumunta na kami sa parking lot ng kotse namin. Karga-karga ko si baby Jerene at bitbit naman ng asawa ko yung mga gamit namin. Masaya ako kasi magaling na ang anak ko. Balik na naman siya sa pagiging malikot niya.
Pagdating namin sa bahay agad nakatulog si baby. Napagod siya kalalaro sa byahe. Ako naman, inayos ko na muna yung mga gamit namin habang si Jeric naman nanunuod ng TV sa mga sala.
BINABASA MO ANG
Beyond Imperfections (Book 3)
RomanceBook 3: Jeric Tan and Carrie Geronimo Love Story "Will you still choose love beyond imperfections?"