Beyond Imperfections 12

6 0 0
                                    

JERIC'S POV

Naiinis ako ng makita ko si Bella dito. Kung alam ko lang na nandito siya, hindi ko na talaga itutuloy yung concert ko dito. Panigurado hindi din masisiyahan ang asawa ko kapag nalaman niya ito.

Hindi ko na nagugustuhan yung pinapakita ni Bella. Napaka-assuming na niya. Pinagpipilitan niya yung sarili niya sa akin para na siyang namamalimos ng pagmamahal ko. Mahirap bang intindihin na hindi ko na siya mahal? Wala na kasi talaga akong nararamdaman sa kanya.

"Ang lalim ng iniisip mo pare ha?" tanong ni Christian Bautista sa akin na may dala-dalang plato ng pagkain tsaka umupo sa harap ko.

"Si Bella kasi nandito siya sa may hotel natin." pag-amin ko sa kanya.

"Ha? Seryoso? Bakit? Anong ginagawa niya dito?" sunod-sunod na tanong ng kaibigan ko.

"Meron daw kasi siyang provincial tour dito sa Cebu."

"Oh eh anong mga sinabi sayo?"

"Na gusto niya pang makipagbalikan sa akin."

"Nasisiraan na ba ng ulo yan si Bella?!! Alam naman niyang may asawa kana eh!!" napataas ang boses ni Christian.

"Kaya nga eh! Naiinis ako kasi napaka-assuming niya!"

Maya-maya pa'y dumating na si Sandy at kinuwento ko din sa kanya yung nangyari kanina. Alam ni Sandy ang lahat ng nangyari sa relasyon namin dati ni Bella at alam niya kung gaano na ako kasaya sa asawa ko ngayon. Masaya ako kasi nakakilala ako ng mga totoong kaibigan sa industriyang ginagalawan namin. Kaya kong sabihin lahat ng totoo sa pagkatao ko at hindi nila ako hinuhusgahan.

Pagkatapos naming kumain, pumunta na kami sa Pacific Grand Ballroom. Dito gaganapin yung concert namin ni Christian Bautista para bukas. Nasa baba lang ito ng hotel na tinutuluyan namin.

Malaki yung lugar. Meron itong 4,000 seating capacity. May mga spotlight na nakatutok sa stage. Tama lang yung lamig na mararamdaman mo sa loob. Merong malaking widescreen sa likod ng stage. Sa kanang parte naman ng stage, nandoon ang mga guitarists, musical directors at mga backup singers.

Nagpractice kami ni Christian ng mga blockings, yung ibang kanta kasi namin may halong konting sayaw. Prinactice na din namin yung mga song number namin.

Gabi na ng matapos yung practice namin. Niyayaya pa ako ni Christian magswimming sa labas kaso pagod na rin ako kaya hindi na ako sumama sa kanya tsaka mas excited akong tawagan at kamustahin ang asawa ko.

Speaking of asawa ko, nag-riring na nga ang cellphone ko at masaya akong makita na siya nga ang tumatawag.

"Hello mahal ko." bati niya sa akin. Ang lumanay ng boses ng asawa ko. Parang nawala agad ang pagod ko ng marinig ko siya.

"Yes mahal ko?"

"Busy ka pa ba?" tanong niya.

"Hindi na mahal. Katatapos lang ng practice namin kanina."

"Mabuti naman at makakapagpahinga kana. Kumain kana ba?"

"Tapos na rin hon. Ikaw ba?"

"Katatapos ko lang din kumain mahal ko."

"Ininom mo na ba ang vitamins mo?"

"Oo hon. Tapos na."

"Nga pala mahal ko, thank you sa letter mo sa akin. Nabasa ko na kanina. I really appreciate it mahal ko." Na touch kasi talaga ako sa letter na sulat niya sa akin. She knows how to motivate me and I still love how she supports me in my passion.

"Always welcome mahal ko. Glad that you like it."

"Si baby, gising pa ba?" tanong ko. Bukod sa kanya, miss na miss ko na din ang anak namin.

"Hindi na mahal eh. Iyak ng iyak kanina. Siguro hinahanap ka."

"Kawawa naman ang baby ko. Sobrang miss ko na kayo mahal ko." pag-amin ko sa kanya.

"Ako din mahal ko. Di bale, 2 days to go nalang." natatawa niyang sabi. Gusto ko ang countdown ng asawa ko. Hahaha. "Sige na mahal ko, matulog kana. Alam kong pagod ka."

"Eh, gusto ko pang makipag-usap sayo." pagpupumilit ko.

"Ay huwag ng makulit mister ko. Kailangan maayos ang boses mo bukas. Sige na, tulog na."

"Hay.. Sige na nga mahal ko." Wala akong nagawa. She's the boss at masunurin naman akong asawa. "Matulog kana din. Bawal kang magpuyat." bilin ko din sa kanya. Syempre, masama para sa kanya at kay baby number two ang magpuyat.

"Yes mahal ko. Good night na. I miss you. I love you so much."

"Miss na rin kita mahal ko. Can't wait to be with you. I love you too, mahal ko." tsaka ko i-end ang call. Pagkatapos naming mag-usap ng asawa ko, saglit lang akong nagshower at pagkatapos noong eh nakatulog agad ko.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon