Beyond Imperfections 17

8 0 0
                                    


JERIC'S POV

Sobrang namiss ko talaga ang mag-ina ko at masayang-masaya na ako ngayon kasi kasama ko na ulit sila. Hindi ko magawang sabihin sa asawa ko yung nangyari sa Cebu kasi alam kong makakasama din yun sa pagbubuntis niya. Basta, sigurado akong walang nangyari sa amin ni Bella.

"Lalim ata ng iniisip ng mahal ko ha?" ramdam ko ang pagyapos sa akin ng asawa ko sa likod. Nandito na ako sa may terrace ng kwarto namin.

"Wala. Masaya lang talaga ako kasi kasama ko na ulit kayo ni baby." hinawakan ko na yung kamay niya.

Humiwalay muna siya sa akin at kinuha sa may lamensa yung dala-dala niyang tasa na may lamang hot chocolate at inabot sa akin.

Kinuha ko naman yun at ininom. Ang sarap sa pakiramdam. Pumasok na muna ako sa kwarto at kinuha ko yung makapal na comforter namin tsaka ako umupo ulit.

Tumabi na siya sa akin, isinandal yung ulo niya sa balikat ko at yung dalawang kamay niya nakayakap sa katawan ko. I truly miss this moment. Gustong-gusto ko talaga kapag clingy ang asawa ko sa akin. Inilapad ko yung comforter tsaka ko binalot sa mga katawan namin.

"Sobrang proud ako sayo mahal ko." sabi niya sa akin.

"Hmmm.. Bakit naman?" nagtataka kong tanong.

"Uhmm.. Kasi kahit hindi ko napanuod yung concert mo, I'm sure na you did your best."

"Hindi rin mahal ko." pag-amin ko sa kanya.

"Bakit? Nagkaproblema ba?" parang nagulat siya kasi wala naman akong kinuwento sa kanya.

"Wala naman mahal ko. It's just that, my life is at its best whenever I am with you." tsaka ako tumingin sa kanya. Natuwa ako kasi alam kong kinikilig pa rin ang asawa ko sa mga banat ko. I'll never get tired telling her how much I love her.

"Honey, ganyan ba ang epekto ng nag-concert sa Cebu?" nang-aasar niyang sabi sa akin.

"Sobrang namiss kasi kita." seryoso kong sagot sa kanya. Ang rami pa naming pinagkwentuhan ng asawa ko. Ang tagal din ng tatlong araw na hindi kami nagkasama kaya naipon talaga ang kwento namin sa isa't-isa.

* * * * * * *

Medyo late na rin ng magising ako. Mabuti nalang at wala akong trabaho ngayon. Humingi din kasi ako ng leave para sa binyag ng anak ko bukas.

Pagpunta ko sa kitchen, nagluluto na ng almusal namin ang asawa ko.

Niyapos ko siya sa likod at kinulong sa mga bisig ko, "Good morning mahal ko." bati ko sa kanya habang nakasandal pa rin ang ulo ko sa balikat niya.

"Good morning din mahal ko." umalis siya sa pagkakayakap ko. Humarap siya sa akin at hinalikan ako sa labi. Ito yung namiss ko ng tatlong araw eh.

"Hindi ka na nagsusuka tuwing umaga, mahal ko?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko na ang mga plato sa lamensa.

"Nagsusuka pa rin."

Napaawang ang mga labi ko. Lumapit siya sa akin at pinigilan akong magsalita. "Oops! Alam ko na ang sasabihin mo mahal ko. Hindi na kita ginising kasi alam kong pagod ka. Tsaka kaya ko naman hon eh, nawawala naman din agad. Hindi na rin ako sobrang nahihilo, ok?" nakangiti niyang sabi.

Wala na akong nagawa kundi tumango sa kanya. Bilib talaga ako sa lakas ng loob ng asawa ko eh. Minsan I still feel guilty kapag inaatake siya ng morning sickness. Kung pwede lang na ako nalang ang mahirapan sa pagbubuntis niya eh, matagal ko ng ginawa.

Kumain na kami ng almusal. Tuyo, hotdog, bacon at itlog ang ulam namin plus fried rice partner with hot chocolate. Busog na busog na naman ako. Ang rami kong nakain. Mas masarap pa talaga ang luto ng asawa ko kumpara sa lahat ng restaurant na nakainan ko eh.

Pagkatapos naming kumain, nagpunta kami sa bahay nila mommy at daddy. Tsaka ko binigay sa kanila yung mga pasalubong ko galing sa Cebu. Wala si Rein sa bahay dahil meron siyang OJT.

Dumaan din kami sa bahay ng asawa ko at binigay ko din yung mga pasalubong sa kanila. Tuwang-tuwa silang makita kami ni Carrie tsaka hinahanap nila si baby Jerene. Hindi na namin sinama si baby kasi tulog pa siya ng umalis kami. Tiwala naman din ako kay ate Anne sa pagbabantay at pag-aalaga ng anak ko.

Pagkatapos noon, dumiretso kami sa Fashion boutique para kunin ang cute gown na susuotin ng anak ko bukas at para mabilhan ko din si Carrie ng damit.

"Honey, may bago pa akong damit doon. Yun nalang ang susuotin ko bukas." panay sabi ng asawa ko.

"No mahal ko. Syempre, maganda kung mas bago." nakangiti kong sabi sa kanya. Wala tuloy siyang nagawa kundi sukatin yung mga dress na pinili ng stylist.

Umupo ako sa may couch at inantay ko siyang magbihis. 

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon