Beyond Imperfections 39

7 0 0
                                    

JERIC'S POV

Nagising ako ng sobrang sakit ang ulo. Nag-inom kasi ako kagabi. Ang tagal ko ng hindi nag-iinom pero ng malaman kong babalik na si Bella dito sa Pinas ngayon, parang gusto ko nalang takasan ang problema. Paano nga kung ako talaga ang ama ng batang dinadala niya?

Hindi ako nagpaalam sa asawa ko na sobrang late akong makakauwi kagabi dahil na lowbat na rin ang cellphone ko. At ang asawa ko nga pala. Bigla akong napatingin sa tabi ko ng makita ko siyang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Paano pala ako nakarating dito sa kama namin? Hanggang sa maalala ko nalang lahat ng nangyari kagabi. Kahit lasing ako, tanda ko lahat ng pinagsasabi ko sa kanya. Hindi ko alam na yung lakas ng loob pala na kailangan ko ay makukuha ko sa alak. Mali itong ginawa ko. Totoo yung lahat ng sinabi ko sa kanya pero dapat hindi na ako nagsalita dahil alam kong nasaktan ko siya sa lahat ng mga sinabi ko. Dapat kinimkim ko nalang sa sarili ko lahat ng nararamdaman ko. T*nga Jeric! T*nga! Paano mo na naman haharapin si Carrie matapos ng lahat ng sinabi mo sa kanya kagabi? Yung mahigpit mong paghawak sa braso niya, yung pwersahan mong paghalik sa mga labi niya at sa pagiging rason na naman ng pagtulo ng mga luha niya.. Lahat nung, ikaw na naman ang may kagagawan.

Nilapitan ko siya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya tsaka ko siya hinalikan sa noo "I'm sorry mahal ko. I'm really sorry. Laging ako nalang ang dahilan kung bakit ka nasasaktan." inayos ko ang kumot niya at parang balisa pa rin ako ng tumayo sa kama.

Sinilip ko si baby Jerene sa crib niya at mahimbing pa ring natutulog ang anak ko. Hinawakan ko ang matabang pisngi niya at ang maliit niyang kamay. "I'm sorry baby. Alam mong hindi din masaya si daddy ng mawala ang kapatid mo. Kala ko may makakalaro kana eh. Hindi inaasahan ni daddy lahat ng pangyayari anak at sana maintindihan mo. I'm so sorry." bulong ko sa anak ko. Alam ko wala pa siyang alam sa mga pangyayari pero sana maintindihan niya kapag lumaki na siya.

Kahit may hang-over pa ako, maaga akong umalis sa bahay at nagdiretso sa studio. Nagulat ako kasi nandun na si Christian Bautista at nagpa-practice siyang maggitara.

"Bakit ang aga mo pumasok?" tanong ko sa kanya at nilapag ko yung dala kong kape sa lamensa.

"Gusto kong makipagkita kay Bella ngayon." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Mukhang hindi ka na naman nakatulog ng ayos kagabi pare."

"Nakatulog naman kasi lasing na lasing tayo eh tsaka yun, nag-away pa kami ng asawa ko kagabi." pagkukwento ko sa kanya.

"Hala! Sabi ko naman sayo pare na huwag na tayong mag-inom kagabi eh!"

"Hayaan mo na. Nangyari na naman eh." Wala na din naman kasi akong magagawa. Nasaktan ko na naman siya.

"Handa kana ba sa paternity test?" tanong niya.

"Hindi pa pero wala naman din akong choice eh. Para matapos na rin yung bumabagabag sa isip ko."

"Ah.. Ang hirap naman din kasi nyan. Eh, pero paano nga pare kung sayo talaga yung bata?" curious na tanong niya.

"Kung sa akin nga talaga yung bata, all I could offer is financial support." napag-isipan ko na din yan noong mga nakaraang araw pa.

"Eh paano si Bella?"

"I don't know, pero hindi ko iiwan ang asawa ko para sa kanya."

"Parang ang hirap ng balak mong gawin pare."

Pagkatapos namin mag-usap ni Christian tinext ko na si Bella at gusto kong magkita kami sa clinic ng ob-gyne ni Carrie para gawin yung paternity test.

* * * * * * *

"Di ba sabi ko sayo sa clinic tayo ni Dra. Marquez magkita?!" naiinis kong tanong sa kanya dahil pinapunta niya ako dito sa may restaurant malapit sa studio namin.

Simpleng kulay beige na maternity dress ang suot niya na may ribbon sa likod tsaka naka-itim siyang flat shoes. Halata na rin ang bahagyang umbok sa kanyang tiyan.

"Ano ba yan Jeric?! Ang aga-aga nagagalit ka sa akin!"

"Sinong hindi magagalit eh yung pinag-usapan natin? Binago mo agad!"

"Easy ok? kalmado niya pa ring sabi sa akin. "Kaya kita pinapunta dito kasi gusto kong aminin sayo ang totoo."

Seryoso akong nakikinig sa kanya at nang tignan ko ang mga mata niya, alam kong magsasabi nga siya ng totoo.

"Hindi ikaw ang ama ng dinadala ko Jeric. Nagsinungaling ako sayo. Patawad."

Sabi na nga ba! Tama ang hinala ko noong una pa! Hindi ko man maalala lahat ng nangyari noon, alam ko sa sarili ko na wala talagang nangyari sa aming dalawa. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. "Patawad Bella? Yan lang ang sasabihin mo matapos mo akong lokohin? Hindi mo alam lahat ng pinagdaanan namin ng asawa ko dahil sayo!" napataas ang boses ko. Hindi ko na napigilan at dire-diretso kong sinabi sa kanya yan. Naiinis ako. Galit nag alit ako sa kanya ngayon sa panloloko at pagpapa-ikot niya sa amin ng asawa ko. Ginawa niya akong t*nga.

"I'm really sorry Jeric." umiiyak na siya sa harapan ko. "I'm so pathetic to get you. Alam mo namang gustong-gusto kita."

"Hindi mapapalitan ng sorry mo ang pagkawala ng anak namin ni Carrie." matalim ko siyang tinignan sa mata at umalis na agad ako sa harap niya. Lumabas agad ako sa restaurant kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at kung ano nalang ang magawa ko sa kanya.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon