Beyond Imperfections 18

15 0 0
                                    

CARRIE'S POV

Ito talagang asawa ko oh, ang rami ko pang bagong damit na hindi pa nasusuot. Ngayon, bibilhan niya na naman ako. Wala lang talagang magawa sa pera niya eh. Kaya spoiled na spoiled din ang anak namin sa kanya eh.

Una kong sinuot yung floral dress. Off shoulder yung style nung damit tapos hanggang tuhod ang haba. Binukas ng stylist yung curtain at napatingin sa akin ang asawa ko. Shocks! Yung mga tingin talaga ng asawa ko eh, nakakatunaw. Parang nahihiya tuloy ako sa harapan niya.

"Bagay sayo mahal ko." nakangiti niyang sabi. "Pero parang hindi bagay para sa event bukas."

Sunod kong sinuot yung white dress na may maliit na belt sa gitna.

"Parang masyado namang plain, mahal ko."

Wala na naman akong nagawa at nagpalit ng damit. Sinuot ko naman yung color blue fitted spaghetti straps na backless yung likod at above the knee ang cut.

"Oh! Not that one, mahal ko. Sobrang sexy mo dyan. I don't want other men checking on you." Kinikilig na naman ako. Gusto ko talaga kapag possessive ang asawa ko sa akin. "Mas gusto kong suot mo yan, kapag tayong dalawa lang sa gabi." pahabol na sabi niya tsaka kumindat sa akin. Ay nakakaloka naman! Ang pula-pula na naman siguro nitong mukha ko.

"Jeric!" awat ko sa kanya. Nahihiya ako kasi nandun yung mga stylist at narinig yung mga pinagsasabi niya.

Napatawa naman siya. Loko din talaga itong asawa ko eh. Nakakaloko. In fact, matagal na nga pala akong baliw sa kanya. Hahaha.

Nagpalit ulit ako ng damit. Kulay burgundy lace dress naman yung sinukat ko. Round neck at merong ¾ length sleeves. Medyo fitted sa katawan ko pero hindi sobrang sikip. Hanggang tuhod lang ang haba, may paka-sillohuette ang dating pero meron tube sa loob. Sa lahat ng sinukat ko, ito yung pinakagusto ko.

Paglabas ko sa curtain, napatulala lang sa akin si Jeric. "Hon, ano? Hindi mo pa rin gusto?" tanong ko sa kanya. Medyo napapagod na din ako kakapalit ng damit eh.

"No mahal ko. Bagay na bagay yan sayo." tsaka siya tumayo at nilapitan ako. Inilagay niya yung ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko, seryoso akong tinignan sa mga mata ko at nagsabi, "These are times when you just literally take my breath away." Teka lang naman, nanghihina ang tuhod ko. Hahaha.

* * * * * * *

Binyag ng anak namin ngayon. Ang kinuha naming mga ninong at ninang eh madalas mga katrabaho ni Jeric. Pero syempre hindi mawawala sa listahan ko ang bestfriend kong si Juris at ang sister-in-law ko na si Rein.

Yung venue after ng binyag, ginanap namin sa may Forbes Pavillion. Ako yung pumili ng lugar kasi medyo malapit lang ito sa bahay namin para hindi din mahirapan yung mga bisita.

Meron itong malawak na garden na berdeng-berde ang kulay ng mga damo. Maraming puno sa paligid kaya presko. Ang katabi ng garden ay playground na yung sahig ay gawa sa iba't-ibang kulay ng safety rubber mats para kahit madapa yung mga bata eh hindi sila masasaktan. Hindi gaanong kataasan yung mga slides na gawa sa matitibay na plastic. Meron ding seesaw, swing, maliit na merry-go-round na tumutugtog kapag sinakyan at portable na swimming pool na punong-puno ng maraming bola.

Sa harap ng playground, merong pathway papunta sa iba't-ibang event venues. Ni-rent namin yung pinakamalaking function hall ng lugar kasi marami din kaming bisita ng asawa ko. Air-conditioned din ito at tamang-tama lang ang lamig sa pakiramdam.

Yung tugtog very light at pleasing to ears, madalas nursery rhymes ng bata or soothing instrumental music na may accompaniment ng acoustic guitar, piano at flute. Very relax at carefree lang; para kang nakasakay sa duyan sa may tabi ng beach at nakikinig sa hampas ng alon.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon