Beyond Imperfections 31

6 0 0
                                    


JERIC'S POV

Maaga akong nagising ngayon at hindi rin ako nakatulog ng ayos kagabi. Nagpunta na ako sa kitchen namin para maghanda ng breakfast namin ng asawa ko.

Mahimbing ang tulog ni Carrie. Mabuti yun kasi kailangan niya ng lakas para makabawi agad sa mga pangyayari.

Nagluto ako ng mushroom soup, fried rice, ham, egg at nagtimpla ako ng gatas. Nagbalat din ako ng mansanans at inayos ko pa ang ibang prutas sa lamensa.

"Bakit hindi mo ako ginising?" rinig kong tanong niya at ng humarap ako sa kanya, nakita ko ang asawa ko. Namayat talaga siya at ramdam ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya.

"Masarap ang tulog mo mahal ko tsaka kailangan mo yun para makabawi ka agad ng lakas." malumanay na sabi ko tsaka ako ngumiti sa kanya.

Lumapit siya sa may lamensa para tulungan ako, "Oops! Dyan ka lang mahal ko, ako ng bahala dito." awat ko sa kanya at pinaupo ko siya sa may upuan kaya wala siyang nagawa kundi sundin ako.

Tahimik lang siya ng kumakain na kami. "Mahal ko, ayos lang bang pumasok na ako sa office mamaya? Magkakaroon kasi ng fan signing event, kailangan nandun ako." pagsisimula ko ng topic.

"Ok lang." matipid na sagot niya. Kung ano lang yung mga tanong ko, yung lang ang mga sinasagot niya. Halata ko na galit pa rin siya sa akin at wala pa rin siyang ganang kausapin ako.

"May gusto ka bang pasalubong mamaya?" tanong ko ulit para lang marinig ko yung boses niya.

"Wala. Huwag mo na akong alalahanin Jeric. Hindi na ako buntis." pagtataray niya sa akin. Wrong move Jeric. Wrong move. Hindi ko alam na may kasungitang side din pala ang asawa ko. Hindi ako sanay kasi hindi siya ganito dati but I take this as a challenge. Alam kong galit pa rin siya sa akin, pero hindi ako susuko sa kanya. I love to chase her and I'm looking forward to see her smile again.

* * * * * * *

Nagulat si Sandy ng makita ako sa office. Akala niya kasi hindi pa ako makakapasok. Gustuhin ko mang mag-stay muna sa bahay, kailangan ko na ding magtrabaho lalo na't may nalalapit akong fan signing event sa mall.

"Oh Jeric! Kamusta kana?" masayang tanong niya sa akin.

"Ayos naman na." Actually, pinipilit kong maging maayos at matapang.

"Si Carrie kamusta na siya?"

"Ayun, nakalabas na siya sa hospital kahapon."

"Mabuti naman. Malungkot pa rin ba?"

"Oo" pag-amin ko sa kanya.

"Dapat ipasyal mo ng ipasyal para hindi mag-isip ng kung anu-ano." pagbibigay ng advice ng assistant manager ko. Marami pa kaming pinag-usapan ni Sandy lalo na yung para sa fan signing event ko bukas.

Pagkatapos ng kwentuhan namin ni Sandy, dumiretso ako sa studio ni Christian Bautista.

"Pare, kamusta ka? Ang tagal nating hindi nagkita ha." excited na bati sa akin ng kaibigan ko tsaka nakipag-appear sa akin.

"Oo nga eh."

"Pasensya kana hindi ko na nabisita si Carrie sa hospital. Alam mo na, meron akong trabaho that time."

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon