Beyond Imperfections 5

8 0 0
                                    

CARRIE'S POV

"Ate Anne, yung gatas ni Jerene nakaayos na dun sa nursery room niya tapos kapag may problema, tawagan mo ako agad." bilin ko sa maid namin habang karga-karga ko ang anak ko.

"Yes ma'am" may paggalang na sabi sa akin ni ate Anne. Ewan ko kung natatandaan pa ninyo pero si ate Anne ay isa sa sobrang trusted na yaya ni Jeric. Siya yung pinadala niya at nakasama ko noong nag-aral ako sa abroad kaya malaki din tiwala ko sa kanya. Hindi ko na sinama ang anak ko sa restaurant tsaka baka kung anong virus pa ang masagap niya kaya mas mabuting dito nalang siya sa bahay.

"Pagpasensyahan mo na ang ma'am Carrie mo, Ate Anne. Ang raming bilin. First time mawalay kay baby eh." nanunuksong sabat naman ng asawa ko.

"Syempre, nag-aalala ako kay baby." tsaka ko siya tinaasan ng kilay.

"Sige ate Anne, ikaw na pong bahala kay Jerene ha." pag-uutos naman ng asawa ko. Hinalikan namin si baby sa pisngi tsaka kami umalis ng bahay ni Jeric.

Pagdating ko sa restaurant ko, natuwa ako kasi ang raming kumakain. Wala naman masyadong pinagbago ang restaurant ko at mabuti nalang kasi kahit wala ako, napanatili nilang malinis ito.

"Ms. Carrie?" tanong ng isang customer at lumapit sa akin. Nag-iisip ako kasi hindi ko talaga siya kilala o epekto 'to ng anesthesia noong nanganak ako kaya hindi ko siya matandaan.

"Yes. Ako nga po." blangko pa rin ang isip ko.

"Ms. Carrie, fan mo ako. Tuwang-tuwa po ako sa recipe book na sinulat mo." natutuwang sabi ng kausap ko. Kaya pala! Hindi ko pala talaga siya kakilala.

"Ay! Thank you! Natuwa naman ako kasi na appreciate mo yung libro ko." nakangiti kong sabi sa kanya. Natuwa naman ako, kahit hindi pala ako artista pwede akong magka-fans katulad ng asawa ko.

"Teka ma'am." tapos may kinuha yung kausap ko sa may bag niya at nilabas ang recipe book na sinulat ko. "Ma'am, pwede pong magpa-autograph?"

Oha! Oha! Feeling ko talaga artista na ako. Natatawang iniisip ko. Paniguradong pagtatawanan din ako ni Jeric mamaya kapag kinuwento ko 'to sa kanya. "Sige sure." nasabi ko nalang tsaka ko kinuha yung libro niya.

│Thank you for appreciating my book. - Carrie Geronimo Tan

Carrie Geronimo Tan. Kinikilig pa rin ako sa idea na kasama na palagi sa pangalan ko ang apelido niya. I never get used to it. Until now, I can't believe that I'm married with the man of my dreams.

"Ma'am Carrie!!" tuwang-tuwang sigaw sa akin ni Sophie, ang assistant chef ko at tumatakbo palapit sa akin.

"Sophie! I miss you." sinalubong ko siya at niyakap. Para ko na ding kapatid ang assistant chef ko sa rami na naming pinagsamahan sa restaurant ko.

"Kamusta kana ma'am? Namiss na din kita dito sa restaurant."

"Ayos lang. Kina-career maigi ang pagiging asawa at nanay." natatawa kong sabi.

"Mas naging blooming ka nga ma'am eh! Hiyang na hiyang sayo maging Mrs. Tan."

"Loka! So kamusta dito sa restaurant?"

"Ayos naman ma'am. As always, click na click pa rin ang restaurant mo. Mas marami pang nagpunta dito noong ni-launch mo yung recipe book mo. Madalas ikaw ang hinahanap ng mga customers natin."

"That's good to know."

Pumunta ako sa office ng restaurant ko at chineck ang report of sales nito ko for the past few months. Nakakatuwa kasi hindi talaga napabayaan ni Sophie ang restaurant ko. In fact, mas marami nga kaming customer ngayon compare dati.

Maya-maya pa'y nag-ikot ako sa kitchen. Ang sarap isipin na sila-sila pa rin yung mga dati kong kasama sa trabaho. Mabuti nalang kasi nagtagal talaga sila sa restaurant ko. Mas kampante at panatag ang loob ko kasi sanay na sila sa mga gawain sa restaurant ko.

Nagluto din pala ako ng favorite steak ni Jeric at nag pack-up pa ako ng ilang lunch box. Tapos, nag-taxi ako papunta sa studio ng asawa ko.

"Oh my goodness! Carrie!!" excited na bati sa akin ni Sandy, ang talent manager ng asawa ko tsaka niya ako niyakap at bineso-beso.

"Kamusta kana?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Ito, ayos lang. Ikaw? Kamusta ang pagiging full time Mrs. Tan?"

"Sobrang saya."

"Halata nga! Blooming na blooming ka eh. Tsaka ang sexy mo pa rin. Parang hindi ka nanganak."

"Sus! Binola pa ako. Oh ito may dala talaga akong lunch ninyo." natatawa kong sabi sa kanya tsaka ko inabot yung plastic na may lamang lunch box.

Masaya kong inabot yung plastic. "Yun oh! May pakain. Miss ko na talagang kumain ng luto mo." Seryoso na miss ko talagang kumain ng luto ni Carrie. Iba talaga kapag nagluto ang chef eh. Sobrang sarap kaya no doubt na tumataba si Jeric.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon