Beyond Imperfections 27

6 0 0
                                    

JERIC'S POV

Wala ako sa sarili ko ng malaman kong buntis talaga si Bella. Naiinis ako sa sarili ko, galit at halo-halong emosyon na hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko. Kala ko kasi arte niya lang lahat para guluhin kami ng asawa ko. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko at kung paano sasabihin sa asawa ko. Kakaayos lang ng relasyon namin nitong mga nakaraang araw, tapos ngayon may problema na naman kami. Ayaw ko ng maglihim sa kanya kasi yung ang natutunan ko sa away namin noong nakaraan; ke maliit o malaki yung problema kailangan kong sabihin sa kanya yung mga pangyayari.

Hinatid ni Christian si Bella sa bahay nito at ako naman ay solong nagdrive pauwi sa bahay namin. Halos isang oras na ata akong nasa labas at nakatitig sa pinto ng bahay namin. Natatakot akong pumasok sa loob. Natatakot akong sabihin sa kanya yung mga nangyari ngayong araw na ito. Natatakot akong masira ulit yung relasyon namin at higit sa lahat, natatakot akong iwan niya ako.

Napabuntong hininga ako tsaka ko binuksan ang pinto. Ang lakas-lakas ng tibok ng dibdib ko at sobrang kinakabahan ako.

Bukas ang pinto ng kwarto namin at nakita ko ang asawa ko na kinukumutan si baby Jerene. No doubt that she's really a good mother and wife. She's always at her best taking care of us. Tapos ganito ang isusukli ko sa pagmamahal niya? Kahit hindi ko matandaan lahat ng pangyayari at hanggang ngayon naniniwala pa rin ako sa sarili ko na wala talagang nangyari, paano ko ipaglalaban yung nararamdaman ko kung lumalabas sa test na buntis si Bella? Self-denial lang ba talaga ako? Masasaktan ko na naman ang asawa ko.

Lakas loob akong lumapit ako sa kanya, niyakap ko siya sa likod at hinalikan ko ang pisngi niya. Medyo nagulat siya kasi hindi niya pala namalayan na nandito na ako. Gusto kong manatili nalang sa ganitong posisyon, at yakapin nalang siya buong magdamag. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko at alam kong masasaktan ko siya sa sasabihin ko.

"Hey, may problema ba?" tanong niya sa akin tsaka siya umalis sa pagkakayakap ko at humarap sa akin.

Tumango ako, "Buntis si Bella" tipid na sabi ko. Alam kong maiintindihan niya na agad ang sitwasyon.

Bigla nalang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Ayoko ng ganito. Ako na naman ang naging dahilan kung bakit umiiyak ang asawa ko. Sinusuntok niya ang dibdib ko pero ramdam kong walang lakas, "Jeric, sinubukan kitang intindihin. Pinapaniwala ko yung sarili ko na wala talagang nangyari sa inyo ni Bella." sabi niya. Nararamdaman ko yung bigat sa loob niya at nasasaktan siya.

"I'm sorry. I'm sorry mahal ko." hinahawakan ko yung mga kamay niya pero nagpupumiglas siya.

"Patuloy mo nalang akong niloloko Jeric. Sobrang nasasaktan na ako." kitang-kita ko ang agos ng luha sa mga mata niya.

"Hindi ko 'to ginusto Carrie. Di ba sabi ko sayo I was set-up?!" medyo mataas na din ang boses ko.

"Ayan na naman tayo sa issue mong set-up! Tigilan mo nga ako Jeric! Nabuntis mo na nga yung babaeng haliparot na yun tapos sasabihin mong set-up!!"

Sumakit ang tiyan niya at nakita kong may dugong umagos sa kanyang binti. Napatahimik siya sa pagsasalita at agad ko siyang binuhat. Wala na siyang malay ng dalhin ko siya sa hospital.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon