Beyond Imperfections 25

5 0 0
                                    

JERIC'S POV

Masaya ako dahil magaling na ang anak ko at ayos na kami ng asawa ko. Nandito ako sa may sala namin ang nanunuod ng movie.

Maya-maya pa'y tumabi na sa akin ang asawa ko, "Anong gusto mong kainin sa dinner natin mahal ko?" tanong niya sa akin at isinandal ang ulo niya sa may balikat ko. Ito yung namiss ko talaga, yung pagiging sweet niya sa akin.

"Magpa-deliver nalang tayo ng pizza mahal ko. Para hindi kana mahirapang magluto." sabi ko sa kanya habang hinihimas-himas ko yung buhok niya. Alam ko kasing pagod na rin siya.

Ako na ang tumawag at napa-deliver na nga lang kami ng pizza para sa dinner namin ng asawa ko. Nagpadeliver din ako ng bouquet ng red roses at binigay ko sa asawa ko.

"Para saan 'to mahal ko?" nagtatakang tanong niya ng binigay ko yung bouquet ng pulang bulaklak.

"Wala lang. I just want to thank you for forgiving me and for always taking care of our baby." seryosong sagot ko sa kanya. Napaka-swerte ko talaga sa asawa ko kasi pinatawad niya pa rin ako. Kala ko hihiwalayan niya na ako sa nangyari eh pero hindi niya ginawa. I'm just so lucky dahil napakabait ng asawa ko. At being a mother, walang question sa pag-aalaga niya sa anak namin. Kaya nga grabe nalang din ang pagkataranta niya ng magkasakit si baby Jerene. Hindi biro ang pagod, hirap at puyat niya sa pag-aasikaso sa amin lalo na sa anak ko.

* * * * * * *

Nakalipas na ang isang linggo simula ng nagkabati kami ng asawa ko at naibalik na namin sa dati yung relasyon namin. Parang walang nangyari at mas lalo pa kaming naging sweet sa isa't-isa.

"Parang sobrang saya mo nitong mga nakaraang araw, Jeric ha?" tanong sa akin ni Sandy. Nandito na ako sa studio ngayon at katatapos lang ng rehearsal namin.

"Bati na kami ni misis eh." natutuwang pagkukwento ko.

"Mabuti naman at pinatawad ka pa ni Carrie." pang-aasar niya sa akin.

"Syempre naman, he can't resist may charm!"

"There you go! Ayos kana talaga. Bumalik na naman ang over self-confidence mo eh!"

Nagmamadaling pumasok si Christian Bautista sa kwarto na ikinagulat naming dalawa ni Sandy, "Pare, si Bella nandun sa labas. Nagwawala, gusto ka daw makausap."

Napatigil ang tawanan namin sa natanggap kong balita at bigla nalang napalitan ng inis ang nararamdaman ko. Ano na namang kailangan ng babaeng yun? Bakit ba hindi niya nalang ako tigilan?!

"Sige, papasukin ninyo. Kakausapin ko nalang siya dito sa may studio." medyo inis kong sabi.

Napatingin bigla sa akin sila Sandy at Christian. Paniguradong nagulat sila sa decision ko.

"Sigurado ka bang papapasukin natin dito si Bella?" alangang tanong ni Sandy sa akin.

"Oo nga pare. Baka lalong magkagulo lang nyan." sambit naman ni Christian.

"Kilala ninyo si Bella. Hindi yun titigil kung hindi ko kakausapin." mariing sabi ko.

Walang nagawa yung dalawa kundi sundin ang sinabi ko at pinapunta nila si Bella sa may studio tsaka nila kami iniwan.

Namayat at maputla si Bella ng makita ko.

"I'm so glad na pinayagan mo akong pumasok dito." may pang-akit niyang sabi. Hindi pa rin pala nagbago ang kaartehan niya. Lumapit siya sa akin para makipagbeso-beso pero agad akong umiwas.

"Tigilan mo nga ako Bella!" naiinis kong sabi. "Ano ba yang gusto mong sabihin?!"

"Ang init agad ng ulo mo darling. Easy ok?" pagpapakalma niya sa akin.

"Paanong hindi iinit ang ulo ko eh lagi mong ginugulo ang relasyon namin ng asawa ko?!! Alam kong ikaw yung nagpadala ng mga pictures natin sa bahay namin. Stop pretending na wala kang alam!" Kung hindi lang talaga siya babae, matagal ko ng nasuntok 'to!

"Oh! So glad na nakita niya na!" nasisiyahan pa siya. "Speaking of, kaya ako nagpunta dito para ipaalam ko sayo na meron tayong nabuo noong gabing yun. I'm 3 weeks pregnant with your child, Jeric!" excited na pagkukwento niya.

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa narinig ko. Kinabahan ako bigla. Alam ko sa sarili ko na walang nangyari sa amin ni Bella pero alam ko din na hindi siya magbibiro tungkol sa ganitong bagay. Sobrang hilo yata talaga ako noong gabing yun at hindi ko na mapagkatiwalaan ang sarili ko sa nararamdaman ko.

"Ano na namang kalokohan 'to Bella?!" medyo napataas na din ang boses ko. Gusto kong masigurado sa kanyang hindi siya nagbibiro.

"Hindi 'to kalokohan Jeric." inilabas niya yung pregnancy test sa bag niya at pinakita sa akin. "See! I'm pregnant." malinaw na may dalawang guhit yung pregnancy test. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Alam kong dalawang linya talaga ang batayan kung buntis nga ang isang babae kasi ganyan din yung pinakita sa akin ni Carrie ng aminin niya sa aking buntis siya.

"I still don't believe you. Ipapacheck-up kita sa doctor." ayokong maniwala sa kanya agad. Malay ko ba kung sa kanya talaga yung pregnancy test na pinakita niya sa akin. Magaling umarte si Bella. Pero paano nga kung talagang buntis siya? Halo-halo na rin ang iniisip ko at hindi ko maintindihan.

"Bakit ba ang hirap sayong paniwalaan ako Jeric?" tanong niya.

"Dahil niloko mo na ako Bella!"

"Sa tingin mo ba kaya kitang lokohin sa ganitong bagay Jeric? Anak natin ang usapan dito!" mataas na rin ang boses niya. "Sige, kung ayaw mong maniwala. Ipacheck-up mo pa ako. Kahit kaninong doctor pa na kakilala mo!"

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon