JERIC'S POV
Tinulungan ako ng asawa kong mag-ayos ng maleta ko. Natutuwa ako kasi siya lahat pumili ng mga susuotin ko para sa concert ko doon. Maayos niyang tiniklop yung mga damit ko at isa-isang nilagay sa maleta ko. Napaka-organize talaga ng asawa ko kasi kahit mga toothbrush ko, nilagay niya pa sa maliit na pouch kasama pa ng ibang toiletries ko. Yung mga sapatos na gagamitin ko nilagay niya pa sa itim na stuff bag at ipinatong sa taas ng mga damit ko.
Pagkatapos namin mag-ayos ng maleta ko, nakatulog na kami ng asawa ko. Hindi pa lumalalim ang tulog namin, narinig ko ng umiyak si baby.
Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ng asawa ko. "Matulog kana mahal. Maaga ka pang aalis bukas." bilin ng asawa ko tsaka siya tumayo para kunin si baby sa may crib niya.
Pagkakuha niya kay baby, lumabas siya sa may kwarto namin. Panigurado akong pumunta sila sa may nursery room para hindi ako maistorbo sa pagtulog.
Pinilit ko ulit matulog pero hindi ko magawa. Nabalin ang isip ko sa mag-ina ko. Hindi ako nakatiis at sinundan sila sa may nursery room.
Medyo nagulat ang asawa ko ng pumasok ako sa kwarto. Tahimik si baby na dumedede sa asawa ko. Ang cute talaga ng anak ko. Hindi talaga ako nagsasawang tignan sila ni Carrie.
"Hon, bakit nagising ka?" mahinang tanong sa akin ng asawa ko.
"Wouldn't miss this chance kasi three days ko din kayong hindi makakasama ni baby."
"Ay sus! Ang drama talaga ng asawa ko oh."
Pagkatapos dumede ng anak ko, kinuha ko siya sa asawa ko at ako na ang naghele. Mabilis ding nakatulog si baby kaya naman bumalik na din kami agad ng asawa ko sa kwarto at dahan-dahan kong nilagay si baby sa crib niya. After noon, natulog na kami agad ng asawa ko.
* * * * * * *
Maaga akong nagising ngayon para sa flight ko sa Cebu. Sabi ng manager ko, dapat nasa airport na kami ng 6:30 am.
Paggising ko, wala na sa tabi ko ang asawa ko. Pagpunta ko sa kusina nakahanda na ang almusal namin. Narinig ko ring parang may nagsusuka sa may CR namin. Nagmamadali akong pumunta sa banyo at tama nga ang hinala ko. Umaatake na naman ang morning sickness ng asawa ko.
Hinimas-himas ko yung likod niya at pagkatapos niyang magsuka, inabutan ko siya ng maligamgam na tubig para inumin.
"Bakit hindi mo ako ginising?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Mahal, may flight ka pa mamaya. Kulang-kulang na nga ang tulog mo kagabi eh."
"Kahit na mahal ko, dapat ginising mo pa rin ako. Tsaka paano pa kita iiwan niyang, mag-aalala lang ako sa kalagayan mo kapag nandun na ako."
"Are you saying na hindi mo na itutuloy ang concert mo sa Cebu?"
"Yes mahal ko. I'd rather stay here with you and take care of you."
Hinawakan niya yung isang kamay ko, "Mahal ko naman, morning sickness lang 'to. Mamaya, mawawala din 'to. Kumain kana kasi mali-late ka pa sa flight mo tsaka maraming umaasang fans mo. Huwag mo silang biguin, mahal ko."
"Sigurado ka bang kaya mo mahal ko?"
"Oo naman mahal ko. Maliligo na nga ako para ihatid kita sa airport eh."
"Excuse me? What made you think na papayag akong magpahatid sayo na ganyan ang kalagayan mo, misis?"
"Eh mahal ko naman. Tatlong araw kitang hindi makikita. Pumayag ka ng ihatid kita sa airport." pamimilit niya sa akin. Parang bata ang asawa kong naka-nguso na nagpapacute sa akin. Hindi ako pwedeng madala kasi mas kailangan niyang makapagpahinga.
CARRIE'S POV
"Hindi ko itutuloy yung concert ko o hindi mo ako ihahatid sa airport?" mabigat na tanong sa akin ng asawa ko. Ang galing din ng asawa ko eh. Ayaw talaga akong payagan na ihatid pa siya sa airport. Kasalanan 'to ng morning sickness ko kanina eh. Nakakainis.
"Nakakainis ka Jeric." tsaka ko siya tinaasan ng kilay. Alam niyang hindi ko pwedeng piliin yung 'hindi niya itutuloy ang concert niya' kasi alam ko na maraming fans niya ang nag-eexpect sa pagbabalik niya tsaka nakapirma siya ng kontrata.
Pagkatapos niyang maligo at magbihis, pumunta siya sa kwarto namin at hinalikan sa pisngi ang baby namin. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata ng asawa ko. "Baby, mamimiss ka ng daddy." mahina niyang pagkausap sa anak namin habang hinhimas himas ang likod nito. "See you after three days, baby." paalam niya sa anak ko at hinalik-halikan ulit ang noo, pisngi, paa at kamay nito.
Dumating na si George, ang personal assistant ng asawa ko, na maghahatid sa kanya sa airport. Pinarada niya yung sasakyan sa may harap ng bahay namin at tsaka lumabas ang asawa ko at nilagay na niya yung mga gamit at maleta niya sa likod ng sasakyan.
Lumabas naman ako sa may pinto at pinagmasdan ang pag-aayos niya, matapos niyang ayusin yung mga gamit. Lumapit siya sa akin. Seryoso niya akong tinignan sa mga mata, "Hey mahal ko, huwag ka ng magalit sa akin." may pagsuyo niyang sabi. "Kailangan mong magpahinga. Hmm?" tsaka niya hinawakan ang pisngi ko.
"H-hindi n-naman a-ako n-nagagalit mahal." nangnginginig na ang boses ko kasi naiiyak na ako. "N-nagtatampo l-lang a-ako s-sayo k-kasi ayaw mo akong payagan na ihatid kita sa airport." hindi ko na napigilan at bumagsak na ang luha sa mga mata ko. Ang tagal kaya ng three days. First time sa married life namin ang mawalay kami sa isat'-isa ng ganoong katagal kaya nalulungkot talaga ako. Tsaka napaka-sensitive ko din ngayong mga nakaraang araw, siguro epekto na rin ng pagbubuntis ko.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh." mahinahong sabi ng asawa ko tsaka niya pinunasan ang luha ko gamit ang thumb niya. "Di ba sabi ko sayo na ayaw kitang nakikitang umiiyak?"
Hindi pa rin matigil-tigil ang pag-iyak ko, "M-mamimiss k-kita m-mahal k-ko." nauutal kong sabi sa kanya habang yakap niya ako ng mahigpit.
"Sobrang mamimiss ko din kayo ni Jerene, mahal ko." humiwalay siya ng pagkakayakap sa akin at hinalikan niya ako sa labi. "Sige na mahal ko, aalis na ako bago pa magbago ang isip ko. Natatawang sabi niya. "I love you."
"I love you too, mahal ko." seryosong sabi ko sa kanya at ako naman ang humalik sa labi niya.
BINABASA MO ANG
Beyond Imperfections (Book 3)
RomanceBook 3: Jeric Tan and Carrie Geronimo Love Story "Will you still choose love beyond imperfections?"