Beyond Imperfections 13

6 0 0
                                    

JERIC'S POV

Busy day ngayon kasi ito yung mismong araw ng concert namin ni Christian Bautista.

Umaga pa lang, nag-start na kami ng vocalization tapos pinanuod kami ni Sandy para ma-polish pa kung ano pa yung kailangan baguhin sa bawat song number.

Kanina pagkagising ko, nagkausap na kami ng asawa ko at pinalakas na niya ang loob ko para sa concert ko mamaya. Naiintindihan niya naman ako noon pa pagdating sa trabaho ko kaya hindi naging issue sa amin kapag hindi ako agad nakakasagot sa mga tawag at text niya. I am so blessed that I have a very understanding wife. Yan ang isa sa kinaiinggit ng mga kaibigan ko sa akin eh, kasi kahit hindi showbiz personality ang asawa ko, naiintindihan niya yung working environment at working schedule ko.

7 o'clock ng gabi nagsimula yung concert namin. Paglabas ko ng stage, kinabahan pa rin ako kahit ginagawa ko na ito dati. Siguro kasi comeback concert ko ito kaya parang naninibago pa rin ako tsaka hindi pa rin kasi maalis sa akin yung pakiramdam na 'I want my fans to feel na worthy yung pagpunta at panunuod nila sa akin dito'.

Sold out ang tickets kaya sobrang pasasalamat ko kasi ang rami pa din palang sumusuporta sa akin after kong magli-low muna sa showbiz. May mga familiar na mukha ng fans ko na nandyan pa rin eversince magsimula ako sa showbiz at merong mga new generations na tinanggap ang singing style.

You give me hope,
The strength, the will to keep on;
No one else can make me feel this way
And only you
Can bring out all the best I can do;
I believe you turn the tide
And make me feel real good inside.

You pushed me up
When I'm about to give up;
You're on my side when no one seems to listen
And if you go,
You know the tears can't help but show
You'll break this heart and tear it apart;
Then suddenly the madness starts♫

Pagkanta ko nito, wala na akong ibang naisip kundi ang asawa ko. She's my inspiration. No one can motivate me the way she did. She knows how to handle my strength and she knows how to build up my weaknesses.

It's your smile,
Your face, your lips that I miss,
Those sweet little eyes that stare at me
And make me stay, I'm with you through all the way.
'Cause it's you
Who fills the emptiness in me;
It changes ev'rything, you see,
When I know I've got you with me

You pushed me up
When I'm about to give up;
You're on my side when no one seems to listen
And if you go,
You know the tears can't help but show
You'll break this heart and tear it apart;
Then suddenly the madness starts ♫

Totoo talaga na our life is not perfect. It has many twists and turns. It pushes us to different kinds of emotions. But at the end of the day, she is the real source of my happiness. My only sunshine. She always fills up that missing part of my life. The other half of my heart. She just completes me.

♫ It's your smile,
Your face, your lips that I miss,
Those sweet little eyes that stare at me
And make me stay, I'm with you through all the way.
'Cause it's you
Who fills the emptiness in me;
It changes ev'rything, you see,
When I know I've got you with me ♫

Missing her and our baby so badly. Can't wait to go home.

* * * * * * *

"Cheers!" sabay-sabay naming sabi nila Sandy, Christian at ibang staff matapos ang successful concert namin kanina.

Nandito na kami sa bar nitong hotel para magcelebrate. Marami ding tao dito sa bar. Yung ibang staff namin, nasa dance floor na at aliw na aliw sumayaw.

Hindi na dapat ako sasama sa celebration kaso kinukulit ako nila Christian kasi ang tagal na din naming hindi lumalabas. Ngayon lang daw talaga kaya pumayag na ako tsaka nagpaalam na din ako sa asawa ko at may approval niya ito kaya hindi ako malalagot nito. Basta magbehave lang daw ako dito.

"Congratulations!" nakangiting bati niya sa amin habang may hawak-hawak na glass ng wine.

Natigilan kaming tatlo nila Sandy ng makita namin siya.

"Oh Bella?" nasabi nalang ni Sandy na halata pa din ang pagkagulat.

"Yes Sandy. Ako nga!" parang pang-aasar na sabi ni Bella.

Wala pa rin kaming reaction. Ayaw kasi namin ng gulo. Lalo na't kababalik ko lang ulit sa showbiz. Mamaya magscandalo pa yan dito at hindi yun maganda para sa career ko. Ako na nga ang umiiwas dahil hindi talaga ako pumapatol sa babae kaso dikit naman ng dikit ang litang 'to sa akin. Nakakainis.

"Oh my gosh guys! Para naman kayong nakakita ng multo. Don't worry, hindi ako mangugulo. I just want to have some fun." maarte na naman niyang sabi. "Mind if I join you here?" referring to our table.

Hindi pa kami sumasagot pero dire-diretso na siyang umupo sa may couch. Katabi niya si Christian sa upuan at katapat naman niya si Sandy. Ako doon lang ako sa kabilang side ng upuan at katabi ko si Sandy. Mabuti nalang dito ako umupo para mabilis akong makaalis.

"Kamusta kana Bella?" si Sandy ang unang nagtanong. Siguro para ma break ang awkwardness tsaka hindi ko naman masisisi si Sandy kasi naging kaibigan niya din naman si Bella.

"I think it would be happier kung pinili ko pa rin yung taong mahal ko kaysa sa career ko." Anak ng tokwa! Ako pinapatamaan nito eh. Dati ang rami kong panghihinayang sa relasyon namin pero ngayon, I can honestly say na wala akong regrets sa decisions ko sa buhay ko. It didn't work out with her because I ended up with Carrie. Mas naging masaya ako. Yung relasyon namin ni Carrie, it's a give and take cycle. Hindi yung ako lang yung nag-aadjust sa amin dalawa kaya meron akong sense of contentment.

"Ah.." nasabi nalang ni Sandy.

"Pare, ice tea lang talaga ang iinumin mo?" tanong sa akin ni Christian.

"Oo nga. Huwag ka ng mangi-alam. Buti nga sumama ako dito eh."

"Korni mo naman kasi." sabay kamot sa ulo niya.

"Matagal ka ng hindi umiinom noh Jeric?" si Sandy naman ang nagtanong. Ano ba't curious nitong mga kasama ko?

"Oo. Simula noong naging kami ni Carrie, tinigilan ko ng mag-inom." pag-amin ko sa kanila. Last na inom ko pa ata yung nagselos ako kay Carrie at Tyrone eh.

"Pinagbabawalan ka ng asawa mong uminom?" sumingit sa usapan namin si Bella. Alam kong may laman ang tanong niyang yan at gusto na naman niyang i-compare yung relasyon namin dati sa relasyon namin ngayon ng asawa ko.

"Hindi. It's my own choice." sagot ko sa kanya. Hindi naman talaga ako pinagbabawalan ng asawa ko. Simula lang ng maging kami ng asawa ko, it just changes my perspective in different things because I wanted to be the best person for her.

"Excuse me guys." sabi ni Sandy kasi nag ring yung cellphone niya. Malamang hinahanap na siya ng Koreano niyang asawa. Umalis siya sa may table namin para sagutin yung tawag.

"Oh, come on Jeric! Huwag mo akong lokohin. Pinagbabawalan ka ni Carrie uminom noh?!" Nakakainis talaga 'tong babaeng 'to eh. Pinipilit niya palagi kung ano ang gusto niya. Isa yang dahilan kung bakit ako nasasakal sa relasyon namin dati eh.

"Paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan Bella. Wala akong pakialam sayo." nag-iinit ang ulo ko. Kung hindi lang talaga babae 'to, kanina ko pa sinapak 'to. "Mag-ccr lang ako." galit akong tumayo sa table ko at nagtungo sa comfort room para umihi.

Pagbalik ko ulit sa table namin, mabuti nalang at wala na doon si Bella. Wala din akong pakialam kung saan siya nagpunta. Si Christian Bautista naman, pumunta naman sa ibang table at kinakausap na niya yung ibang staff ng concert namin kanina.

Umiinom ako ng ice tea habang iniintay ko si Sandy na bumalik sa table namin. Pagkatapos noon, magpapaalam na ako sa kanila at babalik na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Ano na nga kayang ginagawa ng asawa ko ngayon? Mabuti bukas ng hapon, babalik na kaming Manila.

Hindi ko alam pero biglang inantok ako at napapikit ang mga mata ko.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon