Beyond Imperfections 35

6 0 0
                                    

JERIC'S POV

Natatawa ako sa asawa ko kasi naka-isa ako ng halik sa pisngi niya. Alam ko na nagulat siya sa ginawa ko pero miss na miss ko na siya eh. Mabuti nalang at hindi niya ako nasampal.

Ngayon, alam ko naman na inuutusan niya lang ako ng inuutusan. Alam kong kayang-kaya niya namang mag-bake ng cake mag-isa kahit hindi ko siya tulungan dahil passion niya yan, ang magluto at magbake. Pero ito ako, sinusunod ang mg autos niya dahil gusto ko at para naman mabawasan ang sama ng loob niya sa akin.

"Hindi ganyan maghalo." pagpuna niya sa maling ginagawa ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya yung kamay ko na nakahawak sa stainless egg beater tapos tinuro niya sa akin yung tamang paghalo.

Natuwa ako sa ginagawa namin dahil ang lapit niya sa akin at hawak niya pa ang kamay ko. Para akong highschool student, tapos napansin ni crush. Ganoon ang pakiramdam. Kinikilig ako. Pinagmasdan ko yung seryosong mukha niya habang ginagawa ito. Hindi talaga matatawaran ang passion ng asawa ko.

"Sobrang ganda at sobrang bango mo talaga asawa ko." hindi ko mapigilan ang sarili ko na sabihin yan sa kanya.

Ramdam kong nagulat siya sa sinabi ko at binitawan niya ang kamay ko. "Jeric talaga, anu-ano pinagsasabi." tsaka siya lumayo sa akin. I know it. Alam kong kinilig siya sa sinabi ko.

"Why? I'm just telling the truth. Hindi nagbago ang ganda mo mahal ko. Habang tumatagal, mas lalo ka pang gumaganda." tsaka ako kumindat sa kanya.

"Mag focus ka nga Jeric." pagsaway niya sa akin at inirapan ako.

"At yang kasungitan mo, I don't know pero I like it. I find it so cute, mahal ko." nakangiti kong sabi sa kanya. Totoo yun! Simula ng magpakasal kami, ngayon ko lang nakita yung kasungitan niya pero I like it. Her whole package, her good side and her bad side, her flaws and imperfections. I just love everything about her. I always love the chase when it comes to her. I love her so much.

"Puro ka talaga kalokohan Jeric." nasabi niya nalang sa akin. Kinuha niya na yung pinapagawa sa akin at nilagay na sa may oven.

"Alam mong seryoso ako sa lahat ng sinabi ko sayo, mahal ko." sabi ko sa kanya. Alam kong alam at ramdam niya yan.

Pagkatapos naming lutuin yung cake, naligo na yung asawa ko sa banyo namin sa kwarto tapos nilinis ko naman yung sasakyan namin sa labas.

Bumalik ako sa kwarto namin para kunin ang susi ng kotse. Pagpunta ko doon, tapos ng maligo ang asawa ko at kita kong hindi niya maabot yung zipper sa likod ng dress niya para masara.

Agad akong lumapit sa kanya at sinarhan ito. Ewan ko pero automatic talaga ang kamay ko pagdating sa asawa ko eh.

"Thank you." tipid na sabi niya at ngumiti sa akin.

Parang gusto kong tumalon sa tuwa ng makita ko ulit ang ngiti niya. Yan yung namiss ko ng sobra. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na ito at parang nabuo na ulit ako.

"Sobrang namiss ko talaga ang ngiting yan mahal ko." seryosong sabi ko sa kanya.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon