Beyond Imperfections 23

8 0 0
                                    

JERIC'S POV

Hindi pa rin namin naayos ng asawa ko yung problema namin at nasasaktan pa rin ako sa pakikitungo niya sa akin. Hindi ko siya maintindihan dahil kapag gusto kong makipag-usap, siya naman ang umiiwas. Minabuti ko na munang huwag siyang kulitin at bigyan ng space dahil yun ang payo sa akin ni Sandy. Tama siguro na huwag ko na munang ipilit ang sarili ko dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit magulo ang relasyon namin ngayon.

Papasok na ako sa studio namin ngayon ng marinig kong tumunog ang cellphone ko.

* Mahal ko calling...

Nakita ko pa lang ang pangalan niya, napangiti na ako at gusto ko ng magtatatalon sa tuwa. Finally! Kakausapin niya na ako. Sabi na nga ba eh, hindi ako matitiis ng asawa ko. Ikinalma ko muna ang sarili ko at agad kong pinindot ang answer button kasi baka magbago pa ang isip niya.

"Hello mahal ko." kalmadong bati ko sa kabilang linya pero ang ngiti ko abot-abot sa tenga.

"Jeric, si baby Jerene. Sobrang taas ng lagnat." parang natataranta niyang sabi.

"Ha? Bakit? Anong nangyari?" hindi na din matago sa boses ko ang pagkabigla sa nalaman ko.

"Hindi ko din alam. Kanina pagkagising niya, hindi na matigil-tigil sa pag-iyak. Tapos nung kinarga ko, sobrang init niya na."

"Sige sige. Saglit lang mahal ko at uuwi na ako dyan." hindi na ako nagpaalam sa manager ko at nagmamadali akong umalis sa studio.

Pagdating ko sa bahay, patakbo akong pumasok sa kwarto namin. Patuloy pa rin ang pag-iyak ng anak namin. Karga-karga siya ng asawa ko at patuloy na isinasayaw, pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak.

Minabuti kong dalhin sa hospital ang anak ko para matignan maigi kung anong sakit niya.

Sabi ng pediatrician namin, yung cause ng lagnat ni baby ay dahil sa sipon. Natawa sa amin yung pediatrician namin sa sobrang taranta namin ng asawa ko. First time kasi kaya hindi talaga namin alam kung paano i-handle yung ganitong sitwasyon. Hinayaan ko na munang ma-confine si baby sa hospital para alam kong safe din ang anak ko.

"Thank you Jeric sa pag-uwi agad sa bahay ng tinawagan kita." seryosong sabi ng asawa ko habang nakaupo kami dito sa may sofa at pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng anak namin.

"Syempre, mas importante kayo kaysa sa trabaho ko." tinignan ko siya sa mga mata at hindi na siya nag-iwas ng tingin sa akin.

Napangiti siya ng bahagya, "Mabuti nalang at ayos na si baby." sabi niya.

Umusod ako sa tabi niya, hinawakan ko yung isang kamay niya at tinignan sa mga mata, "I'm really sorry mahal ko. Alam kong nagkamali ako." paghingi ko ng tawad sa kanya. "Mabuti nalang natataranta ka kanina kaya tinawagan mo ako." pag-iiba ko ng topic. Panigurado kung hindi yun nangyari, hindi niya pa din ako kakausapin.

Siniko niya ako sa may tagiliran "Loko ka talaga Jeric." sabay tawa.

"So bati na tayo?"

"Uhmm.. Sige na nga." parang nang-aasar niyang sabi.

"Parang napipilitan ka lang mahal ko eh?"

"Ok, seryoso. Bati na tayo. Basta huwag mo ng ulitin Jeric ha? Hindi ko alam kung kaya pa kitang patawarin sa susunod." seryoso niyang bilin.

Tumango ako sa kanya, "Pangako mahal ko." binitawan ko yung kamay niya at umayos ako ng upo para i-cuddle siya, "Sobrang namiss kita mahal ko."

Isinandal niya naman yung ulo niya sa may dibdib ko, "Ako din mahal ko."

Tumingin ako sa mga mata niya, "I love you"

"I love you too mahal ko" tsaka niya ako niyakap ng mahigpit at hinalikan ko naman ang noo niya.

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon