CARRIE'S POV
Nagising ako na wala na sa tabi ko ang asawa ko. Ang aga naman niyang nagising. Siguro pumasok na siya sa trabaho. Hindi ko man lang siya napaghanda ng soup para mawala ang hang-over niya.
Naalala ko lahat ng sinabi niya sa akin kagabi. Talagang mali ang ginagawa kong pagtrato sa kanya kaya simula ngayon, ibabalik ko na yung dating ako. Ipaparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko pa rin siya at wala naman talagang pinagbago. Promise! Magiging isang mabuting asawa na ako at mas magiging mabuting ina.
Bumangon ako at tinignan ko si baby Jerene. Mahimbing pa ang kanyang tulog sa crib. Inayos ko yung mga tiniklop kong damit niya at nilagay ko na sa kanyang drawer. Habang nag-aayos ako ng gamit, napansin kong konti nalang ang stock ng kanyang diaper, pati yung formula milk niya paubos na.
Pumunta ako sa may kusina namin at binuksan ko ang refrigerator namin. Konti na rin pala ang stock naming pagkain. Kelan nga ba ako huling nag-groceries? Ang tagal na ata.
Pinagpasyahan kong pumunta sa department store para mamili ng mga kailangan dito sa bahay. Pinagbilin ko na muna si baby Jerene kay ate Anne na bantayan niya na muna ito.
Pagkatapos kong maligo, nagsuot ako ng blue jeans, fitted na blue t-shirt at white rubber shoes. Kasama ng asawa ko ngayon si George, yung personal assistant niya kaya wala akong driver. Ayoko namang maistorbo pa si George kaya pinagpasiyahan kong magcommute nalang akong mag-isa dahil sanay naman ako papunta doon at ginagawa ko naman yun dati ng hindi pa kami mag-asawa ni Jeric.
Hindi ko din nakalimutan magdala ng ecobag para sa mga lalagyan ng bibilhin ko at syempre, hindi mawawala ang shades at cap pang disguise mode. Mabuti ng sigurado ako.
Habang nasa jeep, natuwa ako kasi ang tagal ko na pala 'tong hindi nagagawa. Parang naging ordinaryong tao ulit ako. Kahit hindi naman ako ganoon ka sikat katulad ng asawa ko, pinalayo at iniwas ako ni Jeric sa mga mata ng publiko. Naiintindihan ko naman siya at hindi ako nagtanong sa mga ginawa niya sa pamilya namin. Alam kong prinoprotektahan niya lang kami at iniingatan.
Nakaramdam din ako ng lungkot kasi alam kong isa ito sa namimiss ng asawa ko. Yung parang maging ordinaryong tao siya. Yung tipong walang pakialam at walang masasabi yung ibang tao sa mga gusto at ayaw niya gawin. Mas lalong naiintindihan ko na ngayon ang buhay ng artista.
Namiss ko tuloy bigla ang asawa ko. Busy pa rin kaya siya sa trabaho niya? Anong oras kaya siya uuwi mamaya?
Hindi ko na napigilan, kinuha ko ang cellphone ko at nagtext sa kanya.
│Mahal ko, sorry talaga sa lahat. Can we talk later? Pupunta lang ako sa mall para mamili ng mga kailangan sa bahay. Wala na tayong groceries. Be home early. I miss you. │ Unang text ko sa kanya. I know he will be surprise kasi alam kong hindi na siya sanay sa pagiging sweet ko pero parang kulang pa rin ang text ko, nagcompose ulit ako ng isa pang text message.
│I really want to make it up to you. Hindi naman nagbabago ang pagmamahal ko sayo. So, I'll see you later. I love you so much, mahal ko.♥│ Ayan! Naging kuntento na ako tsaka ko sinend sa kanya.
Pagpasok ko sa mall, kumuha ako ng push cart at sinimulang mamili ng mga kailangan namin sa bahay. Habang kumukuha ako ng mga groceries, naalala ko yung last time na nagpunta kami dito ni Jeric. Natatawa ako kasi kapag pinapapili ko siya, parehas niya gusto at ang ending, bibilhin niya parehas. Tapos madalas, ang rami niya pang kinukuha kahit hindi naman masyadong kailangan. Remember kung paano niya bilhan ng labindalawang poloshirt ang daddy ko ng birthday niya?
Hindi ko namalayan ang oras habang namimili dito sa mall, paglabas ko 5 o'clock na ng hapon. Masaya kong bitbit lahat ng pinamili ko. Habang naglalakad ako patungo sa sakayan ng jeep, napansin ko ang isang lalaki na sumusunod sa akin. Nakasuot siya ng kulay itim na cap, itim na itim din ang kulay ng kanyang shades kaya hindi ko maaninag ang kanyang mata, meron din siyang itim na mask na nakatakip sa bibig niya at nakasuot din siya ng itim na t-shirt. Kayumanggi ang kanyang kulay at hindi hamak na mas matangkad siya sa asawa ko at mas malaki ang katawan.
Binilisan ko ang aking lakad at ganoon din ang ginawa niya. Sinusundan niya talaga ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bakit wala pa rin kasing mga jeep na dumadaan at wala ding ibang tao sa lugar?
"Tulong! Tulong!" nagsusumigaw na ako at binilisan ko pa ang aking takbo. Wala pa rin akong makitang ibang tao. "Jeric! Jeric!!" tawag ko sa pangalan ng asawa ko. Nagbabakasakali akong maririnig ako ng asawa ko at ililigtas ako.
Naabutan na ako ng lalaking humahabol sa akin. Hinawakan niya ako sa may braso at pinaamoy niya sa akin yung panyo niya. Unti-unti na akong nanghihina at inaantok. Katapusan ko na ba ito? Paano na si Jeric at si Jerene? Sino ba 'tong lalaking ito? Kagagawang na naman ba ito ni Bella? Na saan na ba ang asawa ko? Yan ang ilang mga tanong na naglalaro sa isip ko hanggang sa tuluyang pumikit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Beyond Imperfections (Book 3)
RomanceBook 3: Jeric Tan and Carrie Geronimo Love Story "Will you still choose love beyond imperfections?"