Beyond Imperfections 22

16 0 0
                                    

JERIC'S POV

Masama yung loob ko na umalis ng bahay ng hindi kami nagkakaayos ng asawa ko pero wala akong magawa kasi importante yung meeting namin ngayon kaya kailangan kong puntahan.

"What do you think about fan signing event Jeric?" tanong sa akin ni Sandy. Parang nandito ako sa meeting pero lumilipad ang isip ko sa asawa ko.

"Ano nga ulit yung pinag-uusapan natin?" hindi ko talaga naiintindihan yung mga topic namin.

"You're out of focus Jeric. Makinig ka ngang mabuti."

"Sorry Sandy. Pasensya kana talaga."

"I think we need a 20 minutes break. Sige na, kumain na muna kayo." sabi ng manager ko sa mga kasama namin.

Nagtayuan na silang lahat maliban kay Sandy na naiwang nakaupo sa harap ko.

"Hay" napabuntong hininga ako tsaka ko sinapo ang ulo ko ng dalawang kamay ko. Parang sumasakit ang ulo ko kakaisip ng problema namin ng asawa ko.

"Anong problema Jeric?" nag-aalalang tanong sa akin ng manager ko. Kilalang-kilala talaga ako ni Sandy at alam niya kapag may gumugulo sa akin.

"Nag-away kami ng asawa ko kanina eh." pag-amin ko sa kanya. Hindi ako nahihiyang magkwento kay Sandy dahil parang nanay o ate ko na siya na pwede kong sabihan ng kahit na ano.

"Oh bakit? Anong nangyari?"

"Long story." tipid ang sagot ko. Ayaw ko na kasing maapektuhan din si Sandy sa problema ko kasi kahit paano, may pinagsamahan din naman sila ni Bella.

"Kasalanan mo noh?"

"Paano mo nalaman?"

"Sa sobrang bait ni Carrie, malamang ikaw ang may kasalanan." parang nang-aasar pa siya sa akin.

"Naiinis ako sa sarili ko. Ayaw pa rin akong kausapin ni Carrie."

"Ikaw naman kasi. Huwag mo na munang kulitin. Bigyan mo na muna siya ng time at space para makapag-isip."

"Paano kung mapag-isipan niyang hiwalayan ako? Na ayaw na niya sa akin?"

"Para ka pa ding bata mag-isip Jeric. Alam mo namang hindi ganoon si Carrie di ba?"

Parang natauhan ako sa sinabi ni Sandy. Tama siya, hindi naman ganoon kababaw mag-isip ang asawa ko. Naguguilty pa rin ako kasi alam kong nasaktan ko siya at hindi tama na maglihim sa kanya. Siguro, mas mabuti na kahit alam kong pwede namin pag-awayan yung isang tao, bagay man yun o pangyayari, kailangan at mas importanteng sabihin ko pa rin sa kanya yung totoo. Kailangan kong maging honest sa kanya ke-pangit o maganda yung sasabihin ko kasi kung may isang tao man na dapat makaalam ng lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon eh walang iba kundi dapat ang asawa ko.

Pagkatapos ng meeting, umuwi na ako sa bahay namin. Pagpasok ko pa lang sa pinto, nakita ko na agad siyang nakikipaglaro kay baby Jerene. Parang bumilis ang tibok ng puso ko dahil kinakabahan pa rin ako na baka galit pa rin siya sa akin.

Hinalikan ko siya sa may pisngi at medyo nagulat siya. Hindi niya pala namalayang dumating na ako. Hinalikan ko rin sa pisngi si baby Jerene at pinisil-pisil ang maliit na kamay ng anak ko.

"Laruin mo na muna si baby. Maghahain na ako ng dinner natin." utos ng asawa ko. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin at ramdam ko pa rin ang galit niya.

"Uhm.." tsaka ako tumango sa kanya. "Sige, mahal ko." kalmadong pagkasabi ko.

Nagpunta na siya sa kitchen at naiwan naman akong nakikipaglaro sa anak ko. Ang hirap maging masaya kasi alam kong galit pa rin sa akin ang asawa ko.

Nang makatulog na si baby Jerene, hiniga ko na siya sa crib niya at sabay naman kaming kumain ng dinner ng asawa ko. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Tinitignan ko siya sa mata pero hindi niya ako pinapansin. I hate this tension between us.

"Ako ng maghuhugas ng mga plato, mahal ko." pagvo-volunteer ko sa kanya ng matapos na kaming kumain ng dinner para naman mabawasan yung kasalanan ko sa kanya. Sobrang na gui-guilty pa rin ako sa asawa ko.

Wala siyang nagawa at pumayag sa akin.


CARRIE'S POV

Pumunta na ako sa kwarto namin at humiga sa kama ng sabihin ni Jeric na siya na ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Hindi ko pa rin siya matignan sa mata dahil galit ako sa kanya sa paglilihim niya sa akin.

Naalala ko na naman ang nangyari kanina at ramdam ko na naman ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

Ilang minuto pa ang nakalipas at naramdaman kong tumabi na sa akin ang asawa ko. Pinatong niya yung isang kamay niya sa may braso ko at kahit nakapatay ang ilaw dito sa kwarto namin, alam kong naramdaman niyang umiiyak ako. "Could we talk, mahal ko?" malumanay niyang sabi sa akin.

"Huwag na muna ngayon Jeric. Pagod ako." pahikbi-hikbi kong sabi at patuloy pa rin ang pag-iyak ko.

"Hey, I'm really sorry mahal ko." pabulong niyang sinabi sa akin at hinalikan ako sa noo. Hindi ako kumibo sa kanya at niyakap niya ako.

Umusod ako at alam niyang naiinis pa rin ako sa kanya kaya tinggal niya yung nakapulupot niyang kamay sa akin at tumalikod. Ang sakit-sakit pa rin talaga ng nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi, ka-iiyak. Paggising ko, nakayakap sa akin si Jeric. Tinignan ko yung kamay niya na napatong sa tiyan ko pati ang mukha niya. Bakit kasi niloko niya ako?

Tinanggal ko yung kamay niya sa may tiyan ko at dahan-dahan akong tumayo para hindi siya magising. Nagpunta ako sa kusina para maghanda ng breakfast namin. Meron kasi siyang trabaho mamaya.

"Good morning mahal ko!" bati niya sa akin at niyakap ako sa likod.

"Morning." matipid na sagot ko sa kanya at humiwalay agad ako sa pagkakayakap niya.

Humarap siya sa akin para halikan ako sa labi pero umiwas agad ako, "Kain na tayo ng breakfast." tapos inayos ko yung lamensa namin. Pasensya na mahal ko. Hindi naman basta-basta nalang mawawala ang galit ko.

Tahimik pa rin ang buong breakfast namin at nakakapagtaka kasi hindi siya nangugulit na kausapin ako sa problema namin. Sawa ba siyang intindihin ako? Wala ba akong karapatan magtampo o magalit dahil sa mga ginawa niya sa akin?

Nagpaalam naman siya sa akin bago pumasok sa trabaho. Hindi ko na talaga alam kung anong emosyon na ang ipapakita ko sa kanya dahil hindi din ako sanay sa panglalamig ng pakikitungo niya sa akin.☹

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon