SANDY'S POV
Habang nag-uusap-usap kami biglang nag ring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag na sa akin ang asawa ko.
"Excuse me guys." paalam ko sa kanila at tumayo ako para lumabas sa bar. Maiingay kasi sa loob ng bar at hindi ko din siya maririnig. Nagpunta ako sa may garden para tahimik at makapag-usap kami. Namiss ko na ang asawa ko. Parang halos tatlong buwan na kaming hindi nagkakasama kasi busy siya sa business niya sa Korea.
Nagkakainitan pa naman ang sagutan nila Jeric at Bella. Mabuti nalang at naiwan doon si Christian. Alam kong kaya niyang awatin yung dalawa kapag nag-away.
"Kamusta kana love?" tanong sa akin ng asawa ko. Huwag kayong magulat kasi marunong na siyang magtagalog. Bata pa lang andito na siya sa Pilipinas kaya diretso na talaga siyang magtagalog.
"Ito love, pagod. Katatapos lang ng concert nila Jeric at Christian kanina eh." pagkukwento ko sa kanya. Kilala niya sila Jeric at Christian, parang mga anak na nga ang turing niya sa kanila eh.
"Congratulations love! So kelan ko pwedeng i-date ang asawa ko?"
"Anytime love." natatawa kong sabi sa kanya. "Kelan ka ba kasi uuwi dito sa Pilipinas?"
"Very soon love. Matapos lang ang inaayos kong papeles dito sa Korea."
Ang rami pa din naming pinag-usapan ng asawa ko sa cellphone. Natutuwa ako kasi kahit back to long distance relationship namin, naiintindihan niya yung trabaho ko.
Pagbalik ko sa bar, wala na doon sila Bella, Jeric at Christian. Natagalan yata talaga sila sa akin at iniwan na ako eh. I can't blame them, mga isang oras din yata kaming nag-usap ng asawa ko. I can't blame myself either kasi sobrang namiss ko talagang kausapin ang asawa ko.
Nang makita kong wala na din sa bar yung mga backup singers kanina sa concert, umakyat na rin ako sa kwarto ko.
CHRISTIAN'S POV
"Mag-ccr lang ako." paalam ni Jeric sa aming dalawa ni Bella. Mabuti nalang talaga at magaling magcontrol ng galit niya si Jeric. Alam kong ginawa niya yun para umiwas kay Bella. Bilib din ako sa kaibigan ko.
Naiwan kaming dalawa ni Bella sa may couch. Kita ko talaga ang regrets sa mga mata niya. Nararamdaman ko na pinagsisisihan niya talaga ang pag-iwan niya sa kaibigan ko para sa pangarap niya. Nakakaawa tuloy siya at miserable ang buhay niya ngayon.
Casual friend ko si Bella at nakilala ko lang din siya noon dahil kay Jeric.
"Bakit kasi hindi ka nalang magmahal ng iba, Bella?" hindi ko alam pero bigla-bigla nalang yang lumabas sa bibig ko.
"Sinubukan ko Christian. Sinubukan ko naman eh. Pero I still end up loving him. Siya lang." seryoso niyang sagot sa akin. Tapos uminom siya ng alak. Hindi ko akalain na mag-o-open up siya sa akin.
"It takes time Bella. Hindi naman bigla-biglang mawawala yung pagmamahal mo sa kanya. It's a process." Iba talaga epekto sa akin ng alak kapag lasing ako eh. Kung anu-ano ng love advices ang nasasabi ko.
"Yun nga ang problema eh. Hindi mawala yung pagmamahal ko sa kanya."
"Admit it. Hindi naman na mawawala yung pagmamahal mo kay Jeric eh. Nandyan na yan. Siguro, mas tama na sanayin mo yung sarili mo na yung pagmamahal na binibigay mo sa kanya, hindi niya na kayang suklian katulad ng hinihingi mo."
"Hindi ko kaya Christian. Alam kong mas magiging masaya pa rin ako kapag nabalik yung relasyon namin gaya ng dati." napakadesperate niyang sinabi sa akin yan. Nakakaawa talaga siya. Hindi na kasi tama yung pagmamahal na gusto niya.
"I'll just go to the powder room." paalam niya sa akin at tumayo.
Ang tagal ni Jeric bumalik. Siguro, talagang nagpapawala ng galit at inis niya. At dahil ako nalang ang natira sa may table namin, syempre nakakalungkot naman kung magsosolo ako. I need to celebrate kasi back to normal life na naman kami nito bukas pagbalik namin sa Manila. Nagpunta ako sa table nung ibang staff at nakipagkwentuhan sa kanila.
Hindi ko na namalayan kung anong oras nakabalik sa table namin sila Jeric at Sandy kasi lasing na lasing na ako. Ang natatandaan ko lang eh sabay kaming umakyat ng musical director namin sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Beyond Imperfections (Book 3)
RomanceBook 3: Jeric Tan and Carrie Geronimo Love Story "Will you still choose love beyond imperfections?"