CARRIE'S POV
Pagkauwi namin ng asawa ko sa bahay, pinuntahan agad namin si baby Jerene sa kwarto niya. Namiss ko agad ang anak ko. Natuwa naman ako kasi ang himbing na ng tulog niya ng dumating kami. Hinalikan ko siya sa may noo tapos gumalaw siya ng bahagya tsaka ko siya tinapik.
"Tulog na tulog si baby ha." pagpansin namin ni Jeric na nasa likuran ko tsaka lumapit at hinalikan din ang anak namin sa noo.
"Huwag mo ng gisingin hon." bilin ko sa asawa ko.
Lumabas na muna kami sa kwarto at inayos ko na muna yung mga pinamili namin. Nilagay ko na sa refrigerator yung mga pagkain at yung mga bagong damit ni baby nilagay ko sa may nursery room. Bukas ko nalang lalabhan kasi napagod din ako sa pag-shopping namin ng asawa ko.
"Mahal, may problema ba?" napansin ng asawa ko na nakaupo lang ako dito sa may kama.
"Hmmm.. Sumakit lang ang ulo ko bigla. Napagod yata ako sa lakad natin kanina." pag-amin ko sa kanya. Medyo nahihilo ako at masakit ang paa ko.
Tumabi siya sa akin at minasahe niya ang ulo ko. "Feeling better?" tanong niya sa akin.
"Uhmm.. Medyo nabawasan." Nakakatuwa talaga itong asawa ko. He really knows kung anong gagawin to make me feel better.
Pagkatapos niyang i-massage ang ulo ko, minasahe naman niya ang paa ko.
"How did you know na masakit din ang paa ko, mahal?" Wala kasi talaga akong idea paano niya nalaman tsaka hindi ko naman sinabi sa kanya.
Tumingin siya sa mukha ko at nakangiti, "Hon, I know you. Noong buntis ka kay baby Jerene yan ang palaging sumasakit sayo." It's the little things! The small details na natatandaan niya sa akin. That really matters. Hindi ko alam na kahit pala yung simpleng bagay, nagiging importante sa kanya kapag tungkol sa akin. Nako Mr. Jeric Tan! Kinikilig na naman ako.
* * * * * * *
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako after ng masarap na masahe ng asawa ko. Pagkagising ko, nagpunta na ako sa kusina para magluto ng dinner namin ng asawa ko.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo mahal?" tanong ng asawa ko ng bigla nalang sumulpot sa may likuran ko at niyakap ako.
"Uhm.. The best ka talagang maghilot mahal ko. Thank you."
"Ako ng magluluto ng dinner natin. Magpahinga ka nalang muna." sabi niya sa akin habang nakasandal pa rin ang ulo niya sa may balikat ko. Yung dalawang kamay niya naman, nakapulupot pa rin sa may tiyan ko.
"Ako na mahal ko. Three days ka din kayang nasa Cebu kaya alam kong mamimiss mo ang luto ko."
"Three long days mahal." ramdam ko ang lungkot sa boses niya. "Dapat pala hindi ko pinirmahan yung kontrata noon dati eh. Hindi ko naman alam na malilipat pa sa Cebu. Ang layo."
"Hayaan mo na mahal ko. Nandyan na yan, tsaka alam kong magiging masaya ang mga fans mo kapag nakita ka na nila ulit." pagpapagaan ng loob ko sa asawa ko kahit nalulungkot rin ako. Tama ang sabi niya, three long days. Hay.. Sana bumilis agad ang takbo ng panahon at matapos na agad ang concert niya sa Cebu. Parang comeback concert ito ng asawa ko kasi matapos naming ikasal at magkaroon ng baby, mas priority niya na kami. Bihira na siyang tumanggap ng mga shows. Pero kahit hindi niya aminin sa akin, alam kong namimiss niya din ang pagkanta at alam kong isa yun sa mga bagay na magpapasaya sa kanya kaya sinusuportahan ko yung mga decisions niya.
Pagkatapos naming kumain ng dinner, tinulungan ko na siyang mag-ayos ng maleta niya. Medyo marami akong damit na nilagay dun at ako lahat ang pumili ng susuotin niya. Mas ok ng marami siyang dalang damit kaysa kulangin yung dala niya. Kahit marami yang pera, katamaran niyang bumili ng mga damit niya kasi madalas may sponsor siya. Tsaka aminado naman ako na kahit blue jeans at white v-neck T-shirt lang ang suot ng asawa ko, gwapong-gwapo ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Beyond Imperfections (Book 3)
RomanceBook 3: Jeric Tan and Carrie Geronimo Love Story "Will you still choose love beyond imperfections?"