Beyond Imperfections 28

6 0 0
                                    

CARRIE'S POV

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Pagkagising ko, nandito na ako sa hospital. Naalala ko na lahat ng nangyari kanina. Agad kong hinawakan ang tiyan ko. Wala akong maramdaman. Kinakabahan ako. Sana ligtas si baby sa loob.

Bumukas ang pinto at pumasok si Jeric sa kwarto. Lumapit siya sa akin at umupo sa may kama ko. "Kamusta ang pakiramdam mo mahal ko?" seryosong tanong niya sa akin at hinawakan ang isang kamay ko.

Galit pa rin ako sa kanya at bumitiw ako sa hawak niya. "Kamusta si baby?" tanong ko.

Umusod ako at inalalayan niya akong umupo. "Ayos lang si baby di ba?" tanong ko ulit.

Napabuntong hininga siya at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Wala na si baby, mahal ko."

"Wala na si baby, mahal ko." ulit ng utak ko. Tama nga ba ang narinig ko?

"Hindi yan totoo Jeric! Hindi yan totoo!" pag-alma ko sa sinabi niya.

Lumapit siya sa akin para yakapin ako "I'm sorry mahal ko. I'm sorry." paulit-ulit niyang sinasabi sa akin.

"Impossible yang sinasabi mo Jeric! Nandito pa si baby." pagpupumilit ko pero hindi siya kumikibo at niyakap niya lang ako ng mahigpit.

Wala na si baby sa tiyan ko. Wala na ang anak ko. Unti-unti ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko at nagpupumiglas ako sa yakap niya. Sinusuntok ko yung likod niya pero parang nawalan ako ng lakas. Nawalan ako ng isang dahilan para maging masaya. Gumuho ang mundo ko at sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nadamay pa ang anak ko sa pangyayari. Pasensya na anak. Hindi na kita makikita at hindi ko na masisilayan yung mga ngiti mo. Hindi ko man lang nahawakan ang mga kamay mo. Hindi ko man lang mahahalikan ang mga pisngi mo. Hindi na kita mayayakap. Hindi man lang kita nabigyan ng pagkakataon para masilayan itong mundo natin. Hindi mo man lang nakilala at nakalaro ang kapatid at ang ama mo. Pasensya na talaga anak. Sorry anak. Mahal na mahal kita.

Naiinis ako. Nagagalit ako. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil kay Jeric at kay Bella. Kasalanan nila lahat ng ito. Kasalanan nila kung bakit nawala ang anak ko.

Parang hindi maubos-ubos ang luha ko kakaiyak. "Tahan na mahal ko." pagpapakalma ni Jeric habang hinihimas ang likuran ko. Matapang si Jeric, hindi ko alam kung paano niya nakakayang maging matatagtag kahit nakunan ako. Hindi ba siya apektado dahil magkakaroon naman siya ng anak sa Bella na yun?! Hindi ba siya nalulungkot dahil nawala ang baby namin?

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon