Beyond Imperfections 10

8 0 0
                                    

JERIC'S POV

Nakatulog din ako ng ilang oras matapos namin mag-video chat ng asawa ko. Mabuti nalang at rehearsal lang kami ngayon kaya hindi pa siksik ang schedule ko. Bukas pa mismo yung concert namin ni Christian Bautista tapos kinabukasan noong balik Manila na ulit kami.

Kinuha ko na yung luggage ko at nilagay ko sa taas ng kama para makapag-ayos na ako ng mga damit ko. Pagbukas ko ng luggage, may nakita akong card.

Para sa gwapong asawa ko ♥│

Likod pa lang ng card, kinikilig na ako. So proud to say na maganda talaga ang handwriting ng asawa ko. Excited kong kinuha ang card at binuksan.

To my dearest mahal ko,

Sorry that I can't be there with you. Alam mo namang marami pa akong inaasikaso para sa binyag ni baby Jerene at nagpag-usapan na natin ito. Thank you honey for always understanding me and for never get tired loving me. I am just so blessed kasi ikaw ang asawa ko. Sabi ko nga sayo mahal di ba? Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang ikaw ang una kong nakikita tuwing gumisigising ako sa umaga at ikaw ang huling taong makakasama ko kapag matutulog na tayo sa gabi. Same with our favorite song, "I just can't believe that you are mine now. You we're just a dream that I was knew." I am so happy that I am living with my dream, mahal ko. I ended up with you, the man of my dream. Dahil sayo mahal ko, naniwala ako sa forever. At kahit alam kong priority mo na kami ni baby, alam kong masaya ka din sa pagkanta kaya ipagpatuloy mo lang mahal ko kasi marami kang napapasayang tao. Unang-una na ako dun mahal ko. Kami ang number one fan mo ni baby at hindi yun magbabago. Good luck on your concert mahal ko! I know that you will do an amazing performance. Can't wait to be with you again. I love you so much honey. Carrie Geronimo Tan

Teary-eyed ako matapos kong basahin ang sulat ng asawa ko. Kinilig ako at hindi ko inexpect na meron siyang ginawang sulat para sa akin. Nakakatuwa ang asawa ko. She really knows how to motivate me kaya nga sobrang swerte ko sa kanya eh.

Nilagay ko yung letter niya sa may side table tsaka ko inayos yung mga damit ko. After nun, binuksan ko yung malaking bintana ng kwarto ko. Kita pala dito yung garden at swimming pool area na nakita ko sa baba kanina. Ang sarap ng simoy ng hangin. Meron pa akong nakitang couple na sobrang sweet sa isa't-isa. Namiss ko na naman tuloy bigla ang asawa ko. I wonder kung anong ginagawa niya ngayon. Mamaya ko na siya tatawagan kasi meron pa kaming rehearsal.

Pagkatapos ng pagmumuni-muni ko, nakaramdam na ako ng gutom kaya naman pinagpasiyahan kong lumabas na ng kwarto.

Paglabas ko ng pinto, isang pamilyar na boses ang bumati sa akin, "Hello Jeric! It's nice to see you here." nakangiti niyang bati sa akin. Anak ng tokwa! Anong ginagawa nito dito?

Beyond Imperfections (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon