Kabanata 14

2.6K 97 1
                                    

Kumaripas ako ng takbo patungo sa kwarto. Pagpasok ay nagmadali akong i-lock ang pinto at sandalan ito. Hinabol ko ang aking hininga habang hawak ang dibdib. Napatingin ako sa isa ko pang kamay na may hawak na tinidor. Nakatusok pa ro'n ang bananacue.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Jose?" narinig kong sinabi ni Dalia mula sa baba.

"Pinasunod ako ni Governor Carlos dito upang samahan si Ms. Carina."

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa narinig. Sabi ko na nga ba, si Papa na naman ang may kagagawan nito.

"Ah, gano'n ba. Wala kasi si Carina rito. Namalengke siya kasama ang... pinsan ko! Oo tama, kasama nga niya ang pinsan ko!"

What? Namalengke? Kailan pa ako natututong mamalengke?!

"Ayos lang. Hihintayin ko siya rito."

"Saglit lang, ijo." tinig ni Lola Esmeralda. "Naniniwala ako na kaya nandito si Carina ay dahil gusto niyang makasama ang apo ko nang silang dalawa lang. Kung gusto ka niyang makasama, dapat ay siya mismo ang nag-imbita sa 'yo rito."

Nabigla ako. Nanaig rin ang saglit na katahimikan sa baba. Paniguradong nagulat din sina Dalia at Jose sa masungit at seryosong tinig ni Lola Esmeralda.

"Kaya kung pwede lang, umalis ka na rito. Antayin mo na lamang na si Carina mismo ang magpapunta sa 'yo sa pamamahay ko."

"Ah.. Eh.. narinig mo naman siguro ang sinabi ng Lola ko, Jose?" ani Dalia. "Mas mabuti pang antayin mo na lang ang pagdating namin sa San Rafael. Huwag kang mag-alala kay Carina, hindi siya mapapahamak."

"Sige. Aalis na po ako. Paumanhin po sa istorbong nalikha ko."

Narinig ko ang tunog ng pagbukas ng gate sa labas kaya agad akong tumakbo papunta sa bintana para sumilip. Nanlaki ang mata ko nang makita ang maliliit ngunit kapansin-pansin na sugat sa mukha ni Jose.

"Mag-iingat ka, Jose!" paalam ni Dalia bago tuluyang makasakay si Jose ng sasakyang pang sundalo.

Lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko sina Lola Esmeralda at Dalia na nakaupo sa salas.

"Nobyo mo ba ang lalaking 'yon, Carina?" may awtoridad na tanong ni Lola Esmeralda.

Nakaramdam ako ng matinding kaba dahil sa tono ng pananalita niya. Hindi ko naman siya kamag-anak pero bakit pakiramdam ko kailangan kong mag-explain sa kanya?

"H-Hindi ko po siya boyfriend, Lola. Siya po 'yong kinuha ni Papa para maging bodyguard ko." paliwanag ko.

Tumango lang siya. Sunod niyang binalingan ng tingin si Dalia. "Hindi ko alam kung ano'ng dahilan kung bakit kayo nagpunta rito sa Catalina. Pero kung ano man 'yon, siguraduhin niyong nag-iingat kayo."

Tumango lang kami ni Dalia bago siya naglakad palabas ng bahay. Nakahinga na ako nang maluwag. "Ano'ng nangyari? Kumusta si Jose?" tanong ko sa aking katabi.

Hinablot niya ang tinidor mula sa kamay ko para kumagat sa saging. "Ang haggard niya, bestie! Alam mo 'yong tipong parang hindi siya natulog ng isang linggo? Gano'n!"

"Nakita ko ang maliliit na sugat sa mukha niya. Sigurado ako na hindi madali ang nangyari sa kanya sa misyon niya."

"At hindi lang siya sa mukha may sugat, pati sa braso! Napansin ko ang benda na nakabalot doon. Hindi ko nga lang alam kung gawa sa daplis ng bala 'yon."

Kahit na nagawa niyang makarating dito na parang walang iniindang sakit ay nag-aalala pa rin ako. Kahit na nakita ko siyang malakas at nakakalakad ng maayos ay hindi pa rin maalis ang pangamba sa dibdib ko. Hindi lang ito ang huling misyon na gagawin niya hanggat suot niya ang unipormeng sumisimbolo sa kapayapaan at kalayaan ng bansa. Sigurado akong darating ang panahon na may malalang misyon na darating sa buhay niya at hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa oras na dumating 'yon.

My Knight in Dirty Combat Shoes (Published under Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon