Kabanata 32

2.7K 100 2
                                    

"Paalam..."

Pagmulat ng aking mata'y agad kong naramdaman ang bigat sa aking dibdib. Hindi manlang naapula ang sakit at dalamhating 'yon kahit natutulog ako. Pakiramdam ko paulit-ulit sinasaksak ang puso ko lalo na kapag naaalala ko kung paano ako ilayo ng mga magulang ko sa kanila. Akala ko ba mahal nila ako? Ganito ba dapat magmahal ang magulang sa kanilang anak?

"Gising ka na pala." Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Si Sofia. May hawak siyang baso ng tubig at pagkain. "Kailangan mong magpalakas, Carina."

Bumangon ako dahilan upang makita ang kabuoan ng bahay. Tila nagbalik lahat ng masasayang alaala sa aking isipan nang makumpirmang nandito ako ngayon sa bahay nila Jose. Inilapag ni Sofia ang bitbit niya sa lamesita na nasa gilid. Masarap ang pagkain ngunit wala akong gana.

"Ano'ng nararamdaman mo? May masakit ba sa 'yo?" tanong niya nang mapansing hindi ako kumikibo.

"Ano'ng nangyari sa mga magulang ko?"

Natahimik siya ngunit matiyaga ko pa ring hinintay ang sagot niya. Kahit ano pa'ng nangyari sa mga magulang ko, karapatan ko pa rin malaman 'yon. Gusto kong marinig ang katotohanan kahit makakasakit ito sa 'kin.

Mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita, "Malalaman natin ang sagot kapag nakabalik na si Jose. Sa ngayon, magpalakas ka muna."

Magsasalita pa lang sana ako nang biglang dumating ang lalaking makakasagot sa katanungan ko. Nang magtama ang mata nami'y mabilis siyang tumakbo palapit sa 'kin at agad na yumakap ng mahigpit. Ramdam ko ang labis na pag-aalala niya at ang takot na mawala ako sa tabi niya.

Hindi ko naiwasang mapatingin kay Sofia na ngayo'y nakangiti sa 'ming dalawa. Sinubukan kong tanggalin agad ang tingin ko ngunit nahuli niya ako. Mas lumapad ang ngiti sa kanyang labi kaya wala akong nagawa kundi gantihan din 'yon ng ngiti.

Ilang saglit pa'y humiwalay na sa yakap si Jose at mabilis na lumuhod sa harap ko upang pumantay sa 'kin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko dahilan upang mapako ang tingin ko sa mga mata niya.

"Akala ko'y hindi ka na magigising.." aniya na halos ikatawa ko.

"Nahilo lang ako, Jose."

"Halos isang linggo kang tulog, Carina. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala para sa 'yo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Halos isang linggo akong tulog? Seryoso ba siya?

"Tinawag namin ang doktor ng pamilya mo. Ang sabi nila'y dala lang daw ng pagod at stress kaya sobrang tagal mo natulog." paliwanag ni Sofia.

Doktor ng pamilya ko? Baka doktor ni Papa ang tinutukoy niya. Teka, saglit. Kailangan ko pang tanungin si Jose kung ano'ng nangyari sa mga magulang ko.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking pisngi dahilan upang magbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Ano'ng nangyari kina Mama at Papa?"

Unti-unti naging seryoso ang mukha niya. Saglit kaming nagkatitigan bago siya nagsalita, "Kritikal ang kundisyon ng Mama mo.." Huminto siya dahilan upang kumalabog ang dibdib ko. "Ngunit hindi na kinaya ng katawan ng Papa mo ang kundisyon niya. Kaya... wala na siya, Carina."

Parang binagsakan ako ng langit at lupa dahil sa narinig. Umalingawngaw ang boses ni Jose sa aking isipan na mas lalong nagbigay ng pighati sa aking dibdib. Naramdaman kong hinawakan ni Jose ang kamay ko upang iparamdam sa 'kin na hindi ako mag-isa ngunit kahit ano'ng gawin ko, hindi matanggal sa isip ko ang nangyari sa pamilya ko. Kritikal ang kundisyon ni Mama at... wala na si Papa.

"Bok!" Pumasok si Calista sa kwarto, hingal na hingal dahil sa ginawang pagtakbo. Nang magtama ang mata nami'y nakita ko ang gulat sa mukha niya bago ngumiti. "Gising ka na pala, Ms. Carina!"

My Knight in Dirty Combat Shoes (Published under Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon