Kabanata 12

2.9K 99 2
                                    

Sandamakmak na papel na naglalaman ng mahahalagang impormasyon ang dumating sa 'kin ng palihim para sa imbestigasyong ginagawa ko.

Isang linggo na ang nakalipas simula nang umalis si Jose sa bahay upang gampanan ang misyon niya. Ang sabi ni Papa ay hindi raw naging madali ang misyon dahil masyadong maingat ang hukbo upang gawin ito. Ang mga magulang din daw ng hostage ang pinapapunta sa lugar na sinabi ng hostage takers upang dalhin ang pera pero gaya ng inasahan, hindi hinayaan ng presidente mangyari 'yon dahil malaki ang posibilidad na hindi ito tumupad sa usapan.

"So sinasamantala mo ang pagkakataong hindi mo katabi si Jose upang hanapin ang nanay ng pamangkin niya?" tanong ni Dalia na tahimik nakaupo sa kama ko.

Pinaikot ko ang maliit na swivel chair na kinauupan ko upang harapin siya. "Oo dahil hindi ako makakagalaw kung nandito siya."

"At bakit naman?"

"Dahil ayaw niya makialam ako misyon niyang 'yon."

Muli kong pinaikot ang swivel chair upang harapin ang lamesang punong-puno ng papel. 

Palihim kong kinuha ang lahat ng impormasyon tungkol sa pag-atake ng mga rebelde noon sa mga sundalong nagroronda ng taong 2012 sa San Jose. Dahil hindi pa gobernador si Papa noon, medyo nahirapan akong gawin 'yon. Mabuti na lang at nandiyan si Dalia upang tulungan ako.

"Alam mo, agree ako kay Jose. Naiintindihan ko kung bakit ka niya pinagbabawalan na hanapin ang nanay ng pamangkin niya. Masyadong delikado 'yon para sa 'yo."

"Nag-uumpisa na akong hanapin ang nanay niya. There's no turning back." tugon ko nang hindi siya hinaharap.

Bumuntong-hininga na lang siya. Ilang araw na niya akong kinukumbinsing itigil ito pero hindi ko siya pinapakinggan kaya wala siyang magawa kundi sundin ang mga utos ko.

Tinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa papel na hawak ko. Taong 2012 nangyari ang pagpatay ng mga rebelde sa tatay at kapatid ni Jose. Nai-report naman sa mga pulis ang paglaho ng hipag ni Jose sa taong din 'yon dalawang buwan makalipas mamatay ang asawa niya. Dahil walang nakakita o nakapagsabi na nakita nila ang babaeng 'yon, hininto na ng awtoridad ang paghahanap.

Base rin sa impormasyong nakuha ko, ang lalawigan ng Catalina ang probinsya ng babae kaya posibleng nagpunta siya sa mga kamag-anak niya upang maka-move on sa nangyari sa asawa niya. Tama nga ang hula ko dahil nagpunta nga siya ro'n. Kaya lang, sinabi ng mga magulang ng babae na tatlong araw lang daw nanatili ang anak nila upang bumalik sa San Jose. Ngunit hindi naman ito nangyari.

Doon lumakas ang pakiramdam ko na may kumuha sa kanya. Ang tanong: Sino ay may gawa no'n? Kung pinatay ang nanay ni Kiko, dapat nakita na nila Jose ang bangkay.

"Nasa harap mo na lahat ng impormasyong kailangan mo pero mukhang hindi ka pa rin mapakali.." Usisa ni Dalia nang mapansing tulala ako sa papel na hawak ko.

Hinarap ko siya na ngayo'y nakaupo pa rin sa kama. "Kailangan kong magpunta sa Catalina."

Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Are you serious?"

Tumango ako. "Oo. Kailangan kong magpunta ro'n upang kausapin ang parents ng nanay ni Kiko. O kaya 'yong mga kaibigan niya."

Inalis ni Dalia ang pagkakayakap sa unan at umupo sa gilid ng kama. "Tell me na nagbibiro ka lang, Carina."

"No. Seryoso ako rito, Dalia. Kailangan kong magpunta sa Catalina upang mag-imbestiga."

Umawang ang bibig niya bago tumawa ng mapakla. "Are you really serious about this case, huh? Paano si Tito Gov? Sa tingin mo ba papayagan ka niyang magpunta ro'n?"

My Knight in Dirty Combat Shoes (Published under Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon