PT: This is written in third person point of view. Enjoy reading!
—
San Rafael, Elena
November 19, 2015Sa gitna ng ingay at magulong paligid, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga Pilipino na matatapos ang isang mahaba at malaking gyera na kinakaharap nila ngayon. Ngunit ang pinaka dapat hindi mawalan ng pag-asa ngayon ay ang mga sundalong humaharap at nakikipag-patayan sa kalaban upang makamit ang kalayaan.
"Sir, ang mga target ay hindi pa nakakalabas ng San Rafael." deklara ni Miguel na nakasakay sa helicopter.
Nang marinig ni Julius sa walkie-talkie ang sinabing 'yon ng kanyang kasamahan ay mabilis niyang inutusan ang lahat na palibutan ang buong lugar. Sa dami at dobleng bilang ng mga sundalo, alam ni Julius na malapit na nilang makamit ang kalayaan.
"Sir, nakuha na namin si Ms. Dalia!" wika naman ni Petrio na siyang nagpawala sa pangamba sa puso ni Julius.
Pinihit ni Julius ang walkie-talkie at nagsalita, "Bring her to the rescue team!"
"Copy, sir!"
Napangiti siya nang mapagtanto na umaayon sa lahat ang kanyang plano. Ang helicopter ang sanhi ng malakas na pagsabog kanina kaya nagkaroon ng gulo habang "nakikipaglaro" si Joaquin sa kanila.
Tuloy-tuloy ang palitan ng putok ng baril sa paligid habang isa-isang nililibot ni Julius ang mga establisyemento na pwedeng pagtaguan ng mga rebelde. Hindi rin niya ininda ang malalakas na pagsabog na nililikha ng kanyang mga kasamahan mula sa himpapawid.
Habang maingat na minamasid ang bawat sulok, narinig niya ang boses nina Carina at Jose.
"J-Jose, b-buhay si Joaquin.."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
Binalingan ni Carina ng tingin ang lalaking nakahandusay sa sahig. "S-Siya ang kapatid mo, Jose."
Maging si Julius ay hindi rin makapaniwala sa sikretong nalaman ngunit hindi 'yon ang mas kinagulat niya dahil nakita niya kung paano itinulak ni Jose si Carina palayo.
Nang tumakbo si Carina ay agad kinuha ni Julius ang kanyang walkie-talkie at nagsalita, "Ciella, nakita ko na siya. Malapit lang siya sa kinaroroonan mo."
"Salamat!" boses ni Ciella.
Ibinaba ni Julius ang kanyang walkie-talkie at pinagmasdan si Jose.
"H-Hindi. Hindi maaari..." rinig ni Julius na sinabi ni Jose, tila nagising ito nang mapagtanto ang ginawa at akmang hahabulin si Carina ngunit pinigilan siya ni Julius. "Sir.."
"Huwag mo muna siyang habulin. Huwag ngayon. Mas kailangan ka ng bayan natin, Jose."
Sa pagkakataong 'yon, alam ni Jose na hindi sinabi ni Julius 'yon dahil ito'y parte lang ng kanyang trabaho. Alam niyang nakikiusap sa kanya ito bilang isang tao na nanghahangad ng kapayapaan.
"P-Patawad—"
Natigilan si Jose nang humakbang si Julius palapit sa kanya. "Pinaubaya ko siya dahil alam kong nagmamahalan kayong dalawa. Ngunit sa oras na bitawan mo siya, hindi ako magdadalawang-isip na hawakan siya."
Saglit na natigilan si Jose ngunit agad din nakabawi. "Hindi ko siya iiwan."
Tumango si Julius bago balingan ng tingin ang katawan ni Joaquin. "Naiintindihan kong nasasaktan ka ngunit alam mo sa sarili mo na nangako kang poprotektahan ang bayan sa abot ng iyong makakaya kahit na buhay ng pinakamalapit sa 'yo ang kapalit nito."
BINABASA MO ANG
My Knight in Dirty Combat Shoes (Published under Ukiyoto Publishing)
БоевикThe Wattys 2019 Winner | New Adult Parusa para kay Carina ang maging isang anak ng gobernador ng Elena. Balewala sa kanya ang kayamanan at katanyagan kung hindi naman niya nagagawa ang mga bagay na gusto niya. Desperado sa kalayaan, wala siyang paki...