Paglabas ko ng kwarto, bumungad sa 'kin si Jose na nakahalukipkip habang nakasandal ang likod sa pader. Mukhang inaabangan niya ako dahil kitang-kita ko kung paano nabuhayan ang mga mata niya nang mag-tama ang mata namin.
"Magandang umaga, Ms. Carina." nakangiting bati niya.
Tumaas ang kilay ko. Ang feeling close naman lalaking 'to.
Hindi ko siya pinansin. Nilagpasan ko lang siya at diretsong naglakad papunta sa hapag-kainan. Ramdam kong sumunod siya pero hindi na ako nag-abala pang lumingon. Wala naman akong pakialam sa kanya.
Pag-upo ko, umupo rin siya sa tapat ko. Hindi ko na napigilang magsalita, "Ano'ng ginagawa mo?"
Don't tell me sasamahan niya akong kumain?
"Sasamahan kitang kumain." tugon niya.
So tama nga ako, may balak talaga siyang samahan akong kumain. 'Di ko talaga mapigilang isipin kung bakit sa lahat ng empleyado namin, siya lang ang binigyan ni Papa ng special treatment.
"Ms. Carina, nasa labas po ng mansyon si Ms. Dalia at papunta na po siya ngayon dito sa loob." wika ni Emilia.
Iuutos ko pa lang sana na huwag papapasukin kahit ano'ng mangyari ngunit huli na dahil...
"Carina! Where are you? Nandito na ang pinakamaganda mong bestfriend!" Ang sinisigaw ni Dalia sa loob ng mansyon.
"Papuntahin mo siya rito." walang ganang utos ko kay Emilia.
Yumuko siya bago umalis. Pagbalik niya, kasama na niya ang babaeng ayaw ko makita.
"Carina!" masayang bati ni Dalia bago ako yakapin ng mahigpit. "Namiss kita ng sobra! Ako ba namiss mo?"
Humiwalay ako sa yakap at tamad na tumingin sa kanya. "Hindi."
Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi niya. "Kunwari ka pa. For sure naisip mo rin ako kagabi."
Umiling lang ako. Bakit ko naman siya iisipin?
Pinagmasdan ko siyang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang makahulugan niyang titig kay Jose. "So, siya na nga talaga ang personal guard mo?"
Nagkatinginan kami ni Jose ngunit agad ko ring iniwas ang aking tingin dahil naiinis pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.
"Magandang umaga, Ms. Dalia." nakangiting bati ng body guard ko.
Ngumiti si Dalia at humalukipkip. "Kaya mo ba'ng tiisin ang babaeng ito, Lt. Col. Alejos?"
Naningkit ang mata ko. Ano ba'ng pinagsasasabi ng babaeng ito?
Tumango si Jose. "Oo."
Wow. Talagang sinagot niya ang tanong na 'yon, ah! So tinitiis lang niya ako? Kung gano'n, umalis na siya! Hindi ko siya kailangan.
"Kahit araw-araw ka niyang sinusungitan?" tanong pa ni Dalia.
Tumango ulit si Jose at mahinang tumawa. "Oo. Gusto ko siyang protektahan kaya titiisin ko lahat ng pagsusungit niya."
Natigilan ako habang si Dalia nama'y parang bulate na binudburan ng asin. Binatukan ko siya bago muling hinarap si Jose. "How dare you sabihan ako ng masungit sa harap ko pa mismo? At isa pa, kaya kong protektahan ang sarili ko. I don't need your help."
"Wala naman akong sinabi na hindi mo kayang protektahan ang sarili mo, Ms. Carina."
Mas lalo akong nainis dahil sa pagsagot niya nang may halong pang-aasar. Hindi ba siya natatakot sa 'kin? I'm his boss for pete's sake! Dapat natatakot siya sa isang katulad ko.
BINABASA MO ANG
My Knight in Dirty Combat Shoes (Published under Ukiyoto Publishing)
ActionThe Wattys 2019 Winner | New Adult Parusa para kay Carina ang maging isang anak ng gobernador ng Elena. Balewala sa kanya ang kayamanan at katanyagan kung hindi naman niya nagagawa ang mga bagay na gusto niya. Desperado sa kalayaan, wala siyang paki...