Pinagmasdan ko ang paligid. Lahat ng tao'y nakayuko. Lahat ay nakatago sa ilalim ng lamesa. Halo-halong emosyon ang makikita sa mga mukha nila. Umaalingangaw rin ang iyak ng mga bata at mga magulang na gustong protektahan ang kanilang pamilya.
Huling bumaling ang atensyon ko kay Aling Salve. Namumuo ang pawis sa kanyang noo habang walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha. Sinundan ko ang tingin niyang tumatama kay Nene. Nag-uusap ang mga mata nila na tanging sila lang ang nakakaintindihan.
"Ms. Carina, makinig ka sa sasabihin ko." may awtoridad na sambit ni Jose. Hindi ako nagsalita. Nanatiling diretso ang tingin ko sa kanya. "Una, huwag kayong matakot. Napapalibutan ng mga kasamahan ko ang buong kapehan kaya wala kayong dapat ipangamba. Pangalawa, kapag tumayo ako, 'yon ang sensyales na kailangan niyong gumapang papunta sa pwesto ni Calista," sabay tingin kay Calista na naka-pwesto malapit sa restroom. "At pangatlo, kapag nakalabas na kayo rito, tumawag agad kayo ng pulis."
"Paano si Aling Salve?" nag-aalang tanong ko. "Kailangan namin siyang isama!"
"Si Miguel ang bahala sa kanya. Naka-pwesto siya sa likod ng lalaking may hawak kay Aling Salve."
Nagawi ang tingin ko kay Miguel na ngayo'y nakangisi sa akin. Kinindatan pa niya ako. Kung ordinaryong araw sana 'to ay baka matawa pa ako. Kaya lang, masyado akong natatakot at wala ako sa mood makipagbiruan.
"Kung hindi ka nakialam, sana masayang nagkakape ang mga tao rito sa loob." tinig ng lalaking may hawak kay Aling Salve.
"Huwag mo na sila idamay! Ako lang naman ang kailangan ni Donya Victoria, 'di ba?" singhal ni Aling Salve.
"Donya Victoria.." galit na sambit ko. So, siya ang may kagagawan nito? Alam niya na magsasalita si Aling Salve kaya pinasundan niya ito? Talagang inuubos ng matandang 'yon ang pasensya ko.
"Hoy, bilisan mo namang kumuha ng pera sa drawer!" utos ng isa pang lalaking naka-mask sa babaeng nasa counter.
"Jose, may kasabwat pa ba sila sa labas?" tanong ko.
"Wala na. Dalawa lang sila."
"Ano? Dalawa lang sila? Hindi niyo ba kayang pasabugin ang mga bungo nila?"
"Hindi namin pwedeng gawin 'yon. At isa pa, kailangan lumabas sila rito ng buhay."
Magsasalita pa sana ulit ako nang bigla siyang tumayo. Naagaw niya ang atensyon ng isang lalaking may hawak kay Aling Salve.
"O bakit ka tumayo? Lalabas ka ba? Alam mo ang patakaran ko, 'di ba?"
"Carina, tara na!" nagmamadaling sambit ni Dalia bago ako hilahin patungo sa kinaroroonan ni Calista.
"Pasensya na, nangalay lang ang binti ko." ani Jose habang hinihimas pa ang kanyang binti.
Hindi ko na nakita pa ang sumunod na nangyari dahil nahila na ako ni Calista patungo sa girls restroom. Hawak naman ni Dalia si Nene na hindi pa rin tumitigil sa paghikbi.
"S-Si Aling Salve..."
"Shh.. Huwag kang mag-alala. Narinig mo naman ang sinabi ng sundalo kanina, 'di ba? Sila ang bahala kay Aling Salve." mahinanong sabi ni Dalia.
"S-Sundalo?" hindi makapaniwalang sambit ni Nene sabay tingin kay Calista. "S-Sundalo kayo?"
"Oo, kaya huwag ka na umiyak. Kailangan muna nating sundin ang misyon na pinapagawa ni Jose sa atin." may awtoridad na wika ni Calista.
"Paano tayo makakalabas dito?" tanong ko.
Ngumisi siya. "Balita ko nangyari na sa inyo ni Ms. Dalia ito dati, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
My Knight in Dirty Combat Shoes (Published under Ukiyoto Publishing)
AksiThe Wattys 2019 Winner | New Adult Parusa para kay Carina ang maging isang anak ng gobernador ng Elena. Balewala sa kanya ang kayamanan at katanyagan kung hindi naman niya nagagawa ang mga bagay na gusto niya. Desperado sa kalayaan, wala siyang paki...