Kabanata 39

1.9K 91 3
                                    

"Hanggang ngayon ay pinaghahahanap pa rin ng hukbong sandatahan ang sinasabing Dakila na siyang pinuno ng mga rebelde na nanggugulo sa ilang bayan sa Elena. Samantala, ang mga residente sa lugar ay hinihikayat na mag evacuate o umalis para masiguro ang kaligtasan. Bagamat—"

Pinatay ni Nathalia ang TV. Nilingon niya kami ni Jose na para bang naghahanap ng sagot sa malaking problemang kinakaharap ng bayan namin. "See? We still have no improvement!"

"Nasaan si Vice-Governor Julio?" tanong ko. Dahil wala na si Papa, siya ang inaasahan ng lahat. Sa ngayon, sa kanya kami umaasa.

Napatingin si Nathalia kay Jose kaya napatingin na rin ako sa kanya.

"Si Vice Governor ang tumatayong lider at gumagawa ng plano para pumayag ang mga negosyante na huwag munang ituloy ang pagbili ng mga lupa na tinatayuan ngayon ng kabuhayan ng ilang mga tao sa bayan natin." paliwanag ni Jose. "Si Frank ang katulong niya sa paggawa ng planong ito."

Kumuyom ang kamao ko nang marinig ang pangalang kinamumuhian ko. Napansin 'yon ni Jose kaya hinawakan niya ang kamay ko ngunit wala 'yong epekto sa akin.

"Nasabi sa akin ni Jose ang tungkol kay Frank," ani Nathalia. "He also killed your father."

"Kailangan kong makahanap ng ebidensya laban sa kanya," tugon ko. "Hindi pa niya alam na alam ko na ang pagtataksil niya sa amin. Kung magpapakita ako sa kanya at magpapanggap na walang alam, malaya akong makakalapit sa kanya upang makahanap ng ebidensya."

Ngumisi si Nathalia. "I'm expecting you to say that but, I am not agree with that plan."

Naningkit ang mata ko. Bago pa man ako makapagsalita'y naglabas siya ng isang brown envelope. Inabot niya ito sa akin na agad ko namang tinanggap at binuksan. Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga larawan at papeles na naglalaman ng mabibigat na ebidensya laban kay Frank.

"'Yan ang ebidensyang naglalaman ng mga pangungurakot at kung ano-ano pang anumalya na ginawa ni Frank at ng tatay niya. Simula sa paggamit ng mga illegal na armas hanggang sa pakikipagsabwatan niya sa mga illegal dealers sa iba't-ibang lugar sa loob at labas ng Elena."

"Saan mo ito nakuha?" tanong ko. Nakakapagtaka na may hawak na ganito kabigat na impormasyon si Nathalia. Alam ko ang kakayahan na mayro'n siya ngunit hindi ko akalain na aabot sa ganito ang kaya niyang gawin.

"Let's say that your father is a great detective?" natatawa niyang sambit. Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko siya maintindihan. "In the first place, wala na siyang tiwala sa kapatid niya. He kept it for a very long time. Kilala niya ang kapatid niya when it comes to politics. Hindi ito malinis magtrabaho. He gathered all information against his brother but he kept it for years just to protect him. How ironic, isn't?"

Nagawa ni Papa 'yon? Pinagtakpan niya ang kanyang kapatid mula sa marumi nitong gawain?Pero bakit? Akala ko ba mahal niya ang bayan namin?

Napailing ako. Hindi ko akalain na nagawa niya ito sa tao. Sabi nga nila, blood is thicker than water. Mukhang totoo nga ang kasabihang 'yon.

"No, you're wrong." wika pa ni Nathalia na para bang nabasa niya ang nasa isip ko. "He chose to protect his brother because if not... your life will be in danger."

Mas lalong kumunot ang noo ko. Bakit? Bakit ako?

"Do you think that your uncle didn't know about your father's investigation? He's aware of it because Frank, the loyal dog, is secretly looking at your father and investigating him all the time. To kept all the information that your father have in his hands, your uncle threathened him that he will going kill you if he exposed those information in the public."

My Knight in Dirty Combat Shoes (Published under Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon