Malamig na simoy ng hangin ang humahampas at nanunuot sa balat ko habang tahimik na nakatingala sa madilim na kalangitan. Matamis na ngiti rin ang binabati ko sa bilog na buwan at sa mga makikinang na bituin na nagkalat sa langit.
"Hindi mo mabibilang ang mga bituin sa langit kahit hanggang bukas ka pa riyan nakatingala." Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Si Frank. Naglakad siya palapit sa 'kin habang nakapamulsa pa. Umisod ako ng kaunti nang akmang uupo siya sa tabi ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na naghihinala pala ang pamilya natin kay Marcus Pantaleon?" tanong ko.
Hindi niya ako nilingon. Nakatingin lang siya ng diretso sa kalangitan gamit ang seryoso niyang mga mata. Mula sa liwanag na nanggagaling sa poste ng bawat sulok ng hardin ay nakikita ko ang repleksyon at kurba ng mukha niya kahit madilim. Nagugulo rin ang kulay abo niyang buhok dahil sa hampas ng hangin.
"Kailan ka pa naging interesado sa politika?" sagot niya na malayo sa tanong ko.
Muli kong inangat ang aking tingin sa kalangitan bago nagsalita, "Paano ang Lola mo? Hindi ka na ulit magkakaroon ng pagkakataon para makita siya."
"Alam kong lalaban si Lola. Kahit wala ako sa tabi niya, alam kong lalabanan niya ang sakit niya."
"Alam natin pareho na close kayo ng Lola mo. Kailangan mong sumama bukas sa Singapore dahil sigurado akong gusto ka niya makita."
Nilingon na niya ako. Sinalubong ko ang mga mata niyang bakas ang pinaghalong lungkot at saya.
Close kami ni Frank kaya alam kong sensitibo para sa kanya ang usapin patungkol sa lola niya. Kamukhang-kamukha raw kasi niya ang lolo niya no'ng bata pa ito kaya masyadong napalapit ang loob ng lola niya sa kanya. Kaya naman halos sa lola nagsasabi ng sikreto at saloobin si Frank na hindi niya magawa kina Auntie Flora at Uncle Crisanto.
"Masaya ako at ang laki na nang pinagbago mo." nakangiti niyang sinabi.
Napawi ang mabigat na emosyon sa dibdib ko dahil sa narinig. Tinaasan ko siya ng kilay pero tinawanan niya lang ako. "Ano'ng gusto mong iparating, Frank?"
"Dalawang tao lang ang nakikita kong dahilan kung paano ka nagbago. It's either the Lieutenant Colonel or the Colonel." pang-aasar niya.
Nag-init ang pisngi ko kaya mabilis kong inilihis ang tingin palayo sa kanya. All right, this topic is about me now! He's totally a great topic changer!
"Ngayon lang kita nakitang apektado ng ganyan tungkol sa dalawa. Mayroon ba akong dapat malaman, Manuel?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Stop calling me by my second name! Hindi ako natutuwa."
Humalakhak siya kaya mas lalong nagulo ang buhok niya. Kung alam niya lang na gustong-gusto ko siyang sabunutan ngayon at ipatapon palabas ng mansyon.
"Okay, fine. Hindi na kita pipilitin magkwento. Malalaman ko rin naman 'yan soon." aniya sabay kindat.
Mas lalo naging matalim ang tingin ko sa kanya. Minsan talaga may sense siya kausap pero madalas, walang kwenta!
Tumigil siya sa pagtawa habang ako nama'y na-estatwa nang biglang lumabas si Jose ng bahay kasama sina Uncle Crisanto at Papa.
Naka-pwesto kami ni Frank sa upuan na nasa hardin sa gilid ng mansyon kaya natatanaw namin sila mula sa 'di kalayuan. Bigla akong nataranta nang humakbang sila papunta sa hardin habang nag-uusap. Masyadong seryoso ang kanilang mga itsura habang nagpapalitan ng salita kaya mukhang hindi nila kami namalayan.
"Jose!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sigaw ni Frank. Sabay-sabay namang napatingin sa amin sina Uncle Crisanto, Papa, at Jose. "Tara rito! Magpahangin muna tayo!"
BINABASA MO ANG
My Knight in Dirty Combat Shoes (Published under Ukiyoto Publishing)
ActionThe Wattys 2019 Winner | New Adult Parusa para kay Carina ang maging isang anak ng gobernador ng Elena. Balewala sa kanya ang kayamanan at katanyagan kung hindi naman niya nagagawa ang mga bagay na gusto niya. Desperado sa kalayaan, wala siyang paki...