Ito na yata ang pinakamahabang gabi na naranasan ko sa buong buhay ko dahil sa dami ng nangyari. Kahit ginamot na ako ni Nathalia, ramdam ko pa rin ang kirot sa buong katawan ko. Mas lalo ko pa itong naramdaman dahil nandito ako sa loob ng sasakyan niya, nakakapagpahinga at malayang iniinda ang sakit na hindi ko naman halos naramdaman kanina.
Tinignan ko ang bintana kung saan napakadilim sa labas. Walang kahit anong ilaw na magbibigay ng palatandaan kung nasaan na kami. Hindi ko tuloy naiwasang mapaisip kung saan ako pupulutin kung hindi dumating si Nathalia upang iligtas ako. Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin alam kung paano niya nalaman kung nasaan ako. Ayaw niya akong sagutin maging ang tanong ko tungkol kay Jose'y iniwasan niya rin.
"I'm just.. doing my job."
Kung tama ang pagkakaintindi ko, trabaho niyang sundan at protektahan ako? Ano'ng ibig niyang sabihin do'n? Para kanino siya nagtatrabaho?
"Let me guess," pagbasag ni Nathalia sa matinding katahimikan. "You're thinking if I'm going to kidnap you or hide you from everyone. Or maybe surrender you to the devil and let him kill you."
Ganito ba talaga siya magsalita? Sa pagkakatanda ko, hindi siya ganito no'ng unang beses kaming nagkita. Pinagmasdan ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali dahil siya talaga ang babaeng nakita ko noon at nakausap. Ngunit parang may iba..
"Oh, you're looking at me now. You're trying to—"
"Si Nathalia ka ba talaga?"
Ewan ko kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko. Kanina ko pa iniisip kung bakit parang may iba. Hindi ganito makipag-usap sa akin 'yong Nathalia na nakausap ko noon sa kubo na tinuluyan namin ni Jose.
Saglit na sumeryoso ang mukha niya bago humalakhak. Kumunot ang noo ko dahil sa inakto niyang 'yon. Ano'ng nakakatawa?
"Are you kidding? O talagang malakas lang ang epekto ng pagbundol mo kanina sa puno?" natatawa niyang sambit.
Yeah. Nilagay ko lang sa kahihiyan ang sarili ko. Tama siya, bakit ko naisip na hindi si Nathalia ang nasa harap ko.
"Sorry." mahinang sambit ko.
"For?"
Hindi ako nakapagsalita. Kailangan ko pa bang i-explain kung bakit ako nagso-sorry?
"Before that word comes out from your mouth, make sure that you have valid reasons to say that word. Because that word shouldn't be said just because you are used to. Say that word if you really mean it. If not, then don't."
Hindi na lang ako nagsalita. Ayaw kong sakyan ang mataas na lebel ng energy ng taong 'to. Wala akong lakas ngayon para makipagsagutan sa kanya. Marami akong tanong pero hindi muna ngayon. Pagod ako.
Naramdaman ko na lang na bumigat na ang mga mata ko. Inihilig ko ang aking ulo hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok.
Nagising ako nang maramdamang nakahinto ang sasakyan. Dahan-dahan kong sinilip ang bintana kung saan tanaw ko ang maliwanag na kalsada. Marami na ring mga sasakyan. Wala ring bakas ng trahedya ang makikita. Mukha ngang sa malayong lugar ako dinala ng sasakyang 'to.
"Mabuti na lang gising ka na. I don't want to disturb your beauty sleep." ani Nathalia bago siya bumaba ng sasakyan.
Sumunod ako sa kanya. Umangat ang tingin ko sa isang bahay. Wala akong ideya kung sino ang nakatira rito. Imposible namang siya ang nakatira rito dahil masyadong simple ang disenyo ng bahay na siguradong hindi titirhan ng apo ng presidente.
"You're right. I'm not living in here."
Ito ang unang beses na tumama siya sa pagbasa sa kung ano'ng nasa utak ko.
BINABASA MO ANG
My Knight in Dirty Combat Shoes (Published under Ukiyoto Publishing)
AçãoThe Wattys 2019 Winner | New Adult Parusa para kay Carina ang maging isang anak ng gobernador ng Elena. Balewala sa kanya ang kayamanan at katanyagan kung hindi naman niya nagagawa ang mga bagay na gusto niya. Desperado sa kalayaan, wala siyang paki...