Prologue
[A/N: Waaahhh! Hello guyseu :) Yie. Ito na po ang book three ng CTBB :) Finally nasa book three na po tayo :) Masaya po ako na nakaabot kayo rito :) Maikli lang po ito. It is same with the prologue of book one pero Lucian's POV naman po :) So ayun po. Sana po magustuhan niyo pa rin :) Enjoy reading po <3 Maraming salamat po <3 Saranghae <3 God bless <3]
***
"I want you to carry my baby..." walang emosyon na sabi ko kay Amanda nang magkaharap kami sa sofa. Alam kong wala siyang ibang pagpipilian kung hindi pakinggan ang gusto ko. Natigilan siya nang marinig ang sinabi ko. Nakaupo ako ngayon sa harapan niya. Nandidito kami sa condo unit ko para pag-usapan ang bagay na gusto ko kapalit ng tulong na pwede kong i-offer sa kanya.
"W-what?" hindi makapaniwalang bulalas niya. Nasa mga mata ang gulat at sakit. Agad akong nag-iwas ng tingin para hindi maapektuhan sa mga mata niya. Her eyes that always haunted me.
Nilagay ko sa harap niya ang isang papel para mabaling sa iba ang atensyon ko. Ang papel na iyon ay naglalaman ng mga dokumento tungkol sa kontratang gusto kong magkaroon kami. Kinuha niya iyon saka tinignan.
"I want you to read that... Diyan nakapaloob ang mga kondisyon ko sa set up na mangyayari." sabi ko sa kanya habang binabasa niya ang nasa papel.
Terms of Contract
Lahat ng mga detalye tungkol sa kontrata ay naroon. Mula sa mga gusto kong gawin niya hanggang sa kapalit na makukuha niya kapag tinanggap ang alok ko. At paniguradong hindi niya matatanggihan ang mga offer ko na makakatulong sa kanya at sa pamilya niya.
In-scan niya ang buong laman ng tatlong papel na iyon. Doon nakalagay ang mga kondisyon ko at ang magiging set up naming dalawa.
Kita ko na habang binabasa niya ang nasa papel ay ang matinding pagkabigla at sakit. Umigting ang panga ko.I'm sorry, Miss. Kung hindi ka lang sana niya naging kadugo hindi mo sana mararanasan ang mga bagay na ito. You will be the one to carry the burden of the sin of your brother! I'll make sure of that!
Nang matapos niyang mabasa ang nasa papel ay nagsalita ako.
"If you agree with that... You can sign it now at bukas na bukas din ay aayusin natin lahat." balewalang sabi ko dahil alam kong tatanggapin niya ang alok ko. Wala na siyang iba pang pagpipilian kung hindi ang tanggapin ito.
I will be her only option. Ako lang ang alam niyang makakatulong sa kanya na ayusin ang problemang kinakaharap ng pamilya niya. Kung alam lang niya na ako ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ganito katinding problema ang pamilya niya, she will never ask for my help.
Ako ang dahilan kung bakit nalugi ang kumpanya ng pamilya niya. Umpisa pa lang iyon ng pagpapahirap ko sa kanila. That is one way of having my revenge!
Ang pamilya niya ang dahilan kung bakit nawala samin ang kapatid kong si Luciana. Kaya gagawin ko lahat mawala lang sa kanila ang mga bagay na pinahahalagahan nila. Uunahin ko ang dangal nila saka ko kukunin ang importanteng tao sa buhay nila. At kapag napahirapan ko na sila at nasaktan doon pa lang sila bayad sa lahat ng kasalanan nila.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
General FictionAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...